04: ONE-TIME ENCOUNTER

2 0 0
                                    

Moniqueʼs POV

We arrived at the school and everyone is looking at us. Nagtago sa aking likuran si Liliana ng mapansin niyang nakatingin sa amin ang mga tao. “Mama, umuwi na tayo,” saad niya habang nakahawak ng mahigpit sa aking damit.

“Sandali lang tayo dito anak. Pagkatapos nito hindi na tayo ulit babalik dito.” Saad ko. Inangat niya ang kaniyang ulo at nagtama ang aming mata, “Hindi na babalik?” May pagtataka niyang saad.

I knocked on the door when we arrived in front of the Principal office. Pinagbuksan kami ng pintuan ng Punong guro, agad kong nakita ang mga batang estudyante na nanakit kay Liliana at kasama nila ang kanilang mga magulang.  

“Nasaan po ang ama ng bata?” Tanong ng Punong Guro sa akin

“Bakit mo hinahanap ang wala?” kunot noo kong tanong

Napatahimik at yumuko na lamang siya dahil sa aking sinabi, " Wala naman po yang tatay,” Saad ng batang lalaki, agad itong sinaway ng kaniyang Ina.

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay may kumatok sa pintuan, “Come in,” saad ng Punong guro

“Good Morning to all of you. I'm the police that is assigned in this case,” he saw me and smiled. “Lumabas na ang resulta ng imbestigasyon namin. We gathered enough information with the help of our witnesses. It is proven that your children bullied Liliana Zane Desiderio.” Saad niya.

“What is this bullshit?! How much this bitch gave you?!” Napatayo at sumigaw ang isang ama dahil sa kaniyang narinig.

“Ms. Desiderio did not bribed me.” May diin niyang saad.

“At paano naman ako makakasigurado?!” He shouted.

“Are you doubting my credibility, Sir?” The police said with a stern voice.

“Oo! Hindi porket my tsapa ka, paniniwalaan na kita.” He shouted angrily.

Napatayo ang Punong guro at sinabihan na kumalma ang lalaki at pinaupo ito, “He IS Leonardo Vega.” Diin nyang saad. Nanlaki ang mata nila sa gulat ng malaman ang pangalan ng pulis.

“Leonardo Vega, the famous cop?” Tanong ng isang Ina.

“Yes,” saad ng Punong guro.

Everyone was shocked when the man stands up again. Hinila niya papunta sa amin ang kaniyang anak at itunulak ito. Umiyak ang bata dahil sa lakas ng pagkakatulak ay natumba ito. “Humingi ka ng tawad.” Saad ng tatay habang nakatingin ng masama sa kaniyang anak.

Humagulgol ang bata at tinawag ang kaniyang Ina, “Mommy! Mommy!” Saad ng bata habang naiyak. Nakita ko sa mata niya ang awa. Nais nitong lapitan ang kaniyang anak, akma na niya itong lalapitan, “Wag mo s'yang lalapitan!” galit na saad ng lalaki sa Ina ng bata.

Nagpatuloy ang pag-iyak ng bata at hindi na nakatiis ang kaniyang ama, “Godammit, just say sorry!” Sigaw nito sabay sipa sa kaniyang anak.

Nagulat ang lahat sa kaniyang ginawa. Agad siyang pinosasan ni Leonardo, “That's enough Mr. Cuebo, you are under arrest because of child abuse and disrespecting an authority.”

Due to what happened, the Principal decided that he will be kicking out of the school the students who bullied Liliana.

After a while, Leon approached me, “I think your daughter need to go in counselling.” Leon said and took a glance at Liliana.

“Nag-usap na kami tungkol d'yan pero ayaw n'ya. Natatakot s'ya sa ibang mga tao,” saad ko

Nakita ko sa kaniyang mata na naaawa siya sa aking anak. “Do you mind if you come with me? Hindi naman tayo magtatagal. A supervisor from DepEd is here, he needs your statement about what happened to your daughter.” he said.

“It's fine, kaso si Liliana maiiwan,” saad ko

He looked at Liliana for a second, “My son is here, baka pwede s'yang makalaro ni Liliana.” I agreed.

___________________________________

“Mama?” Tumingin si Liliana sa kaniyang palagid upang hanapin ang kaniyang Ina.

Aalis na sana siya sa kaniyang kinauupuan ng maalala ang sinabi ni Monique. “Maupo ka muna lang dito, anak. May kakausapin muna ako, mamaya uuwi na tayo pagkatapos ko silang kausapin. ”

“Hi,” saad ng isang batang lalaki. Tinignan siya ni Liliana ng ilang segundo at binalik muli ang kaniyang atensyon sa librong binabasa niya kanina.

“Anong pangalan mo?” Tanong ng batang lalaki ngunit hindi siya pinansin ni Liliana. “Anong binabasa mo?” lumapit kay Liliana ang batang lalaki at sumilip sa libro. Agad na niyakap ni Liliana ang libro.

“Ang damot mo naman,” saad ng batang lalaki.

Binigyan siya ng masamang tingin ni Liliana dahilan para mapaatras siya. “Ako si Hugo, Ano pangalan mo?” Inabot niya ang kaniyang kamay.

Tinanggap naman ito ni Liliana, “Liliana Zane.”

Napangiti si Hugo ng tinanggap ni Liliana ang kaniyang kamay. “Bakit Zane ang huli mong pangalan? Diba dapat pareho kayo ng Mama mo,” saad ni Hugo.

“Pangalawang pangalan ko yun. Ang panghuli kong pangalan ang kaparehas kay Mama.” Sagot ni Liliana

Napatango na lamang si Hugo, “Ang haba naman ng pangalan mo, kung tawagin kaya kitang Zane? kaso parang panglalaki— ehh kung Liliana naman mahaba pa rin... Alam ko na! Lili na lang kasi maliit ka, Lili—liit!” Napakunot noo si Liliana dahil sa sinabi ni Hugo

“Ang daldal mo.” Inis na saad ni Liliana.

“Hindi ako madaldal, tamad ka lang magsalita,” saad ni Hugo.

Hindi na lamang siya pinansin ni Liliana. Umupo si Hugo sa tabi nito, " Alam mo ba, Lili— si Daddy ko at ang Mama mo ay best friend. Tutal best friend ang parents natin baka pwede na rin tayong maging best friend...” Tumingin si Liliana sa kaniya ng ilang segundo.

“Ayoko,” malamig na saad ni Liliana.

Hindi inaasahan ni Hugo ang sagot ni Liliana kaya napatahimik siya ng sandali, “Bakit?” Tanong niya.

“Ang best friend, dapat close,” sagot ni Liliana.

“Close naman tayo ahh, magkatabi nga tayo.” Napakunot na lamang ng noo si Liliana dahil sa sagot niya.

After a while bumalik na si Monique kasama si Leonardo, “Looks like you two are already close,” saad ni Leonardo. Tumakbo palapit sa kaniya si Hugo upang yakapin siya. “How about you two become a playmates?”

Nagningning ang mata ni Hugo ng marinig ang sinabi ng kaniyang ama. “Kung pwede lang kaso aalis na kami ni Liliana,” saad ni Monique

“Babalik na ba kayo sa probinsya?” Tanong ni Leon

“No, we're moving to US next week.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Shadow WithinWhere stories live. Discover now