CHAPTER 1

194 2 0
                                    

Katherine's Pov

“Anak, ano ba talaga ang plano mo sa buhay mo? Tapos ka na sa pag-aaral, tapos ka na din sa pagkuha ng board exam at ganap ka ng engineer pero hindi nag-ap-apply ng trabaho. Saan mo ba talaga gustong tumungo 'yang buhay mo? Wala ka bang plano sa buhay mo?” Niyakap ko nalang ang napakalambot kong teddybear habang nakikinig sa mga sermon ni mama sa akin.

“Sumagot ka, Katherine!” Mariin niyang binigkas ang pangalan ko.

“May plano ako, ma. hindi ko pa po lang nagagawaan ng plano 'yung plano ko.”  Walang gana kong sagot dahilan upang mas magsalubong ang kanyang dalawang kilay.

“Ayusin mo ako diyan, Katherine.” Naglakad palapit sa akin si mama at inalis ang makapal kong kumot sa katawan. “10:50 AM na, bumangon kana diyan at maligo ka na. May trabaho na kaming mahanap para sa'yo.”

Nawala ang antok ko dahil sa sinabi ni mama. “Huh? Anong trabaho?” Tanong ko, nakaupo na din ako ngayon.

“Magtratrabaho ka sa farm ni Mr. Ramirez, kulang kasi sila ng trabahador kaya inapply ka ng lolo mo.” Napanganga nalang ako sa sinabi ni mama.

“Seryuso kayo? Ang isang engineer na tulad ko ay inapply niyo lang sa isang farm? Mama, naman—”

“Huwag ka ng umangal, anak. Pasalamat ka nga at kami na ang naghanap ng trabaho para sa'yo.” Napanguso nalang ako. “Maligo ka na para makapunta kana doon sa farm ni Mr. Ramirez.” Dagdag ni mama.

“Bakit sa farm pa talaga, ma? Isipin niyo nga po, ma. Bagay ba sa akin na magtrabaho sa isang farm kasama ang mga kayop at mga tanim? Engineer—”

“Huwag ka ng mapili diyan, Katherine! Hinihintay mo bang magalit ako sa'yo?” Nakapamewang na hinarap ako ni mama.

Napabuntong-hininga nalang ako at hindi na umimik. Tumayo ako saka tahimik na pumasok sa banyo para maligo na. Bago ako makapasok sa banyo, narinig ko pang isinarado ni mama ang pintuan ng kwarto ko sign na lumabas na siya.

“Sa farm talaga?” Hindi ko makapaniwalang bulong sa sarili ko at nagsimula ng basain ang katawan ko.

“Bakit hindi ko pwedeng gamitin ang kotse ko? Ma, lo, anong ibig-sabihin nito?” Naiinis kong sabi kay mama at lolo. Kinuha kasi ni mama ang susi ng kotse ko dahil hindi ko din daw 'yun magagamit sa farm.

“Walang maayos na kalsada patungo sa farm ni Mr. Ramirez, apo. Kaya kailangan mong lakarin ang daan patungo doon.” Paliwanag ni lolo.

“Bakit po kasi sa farm pa talaga? Pwede naman sa isang kilalang company—”

“Gusto mo palang magtrabaho sa isang kilalang company, bakit hindi ka nagapply nong mga panahon na bakanteng-bakante ka pa? Ang ginawa mo ay magkulong sa kwarto mo at magluksa dahil iniwan ka ng boyfriend mo sa mismong graduation niyo.” Seryuso akong napatingin kay mama dahil sa mga sinabi niya, nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko.

“Aalis na po ako, mama at lolo.” Pabulong ang boses kong sabi.

“May maghahatid sa'yo doon sa farm, apo. Ingat ka, bibisitahin ka namin doon pag may libreng oras kami ng mama mo.” Bulong ni lolo sa akin matapos ko siyang yakapin.

“Ayusin mo 'yang sarili mo doon, Katherine. Alalahanin mo na hindi mo kami kasama doon, kaya mag-ingat ka palagi.” Hinalikan ako ni mama sa kaliwa kong pisnge.

“Opo. Sige, alis na po ako.” Pilit akong ngumiti saka inayos ang malaking backpack na nakasabit sa likod ko.

Lumabas ako sa bahay namin at naglakad patungo sa highway, pagkadating ko doon ay may sumalubong sa akin na dalawang babae. Pareho silang nakasuot ng makakapal na jacket.

HARVEST OF HEARTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon