CHAPTER 4

37 0 0
                                    

Katherine's POV

“Bakit nakatapis kana ng twalya, iha?” Pansin ni manang Lita sa akin ng naka-upo na ako sa tabi niya.

Naiilang naman akong ngumiti kay manang at pasikretong sinulyapan ang amo namin na naka-upo sa harap ko. Bakit diyan pa siya umupo?

“Medyo nilalamig lang po ako, manang.” Pilit akong ngumiti saka inayos na ang pagkain sa plato ko.

Mabuti nalang at hindi na nagtanong si manang Lita, pero pansin ko ang naghihinala niyang mga tingin sa akin.

“Boss Levi, ano po ang plano niyo sa darating na fiesta dito sa bayan?” Napatingin kami kami kay manong Inshung dahil sa tinanong niya sa amo namin.

“Katulad parin nong nakaraan, manong.” Ngumiti ang boss namin dahilan upang lumabas ang dimple niya. “Kaya alagaan niyong mabuti 'yung mga baboy na kakatayin natin.” Dagdag niya pa.

“Sisimulan ko na din bang gumawa ng mga invitation card, boss?” Ngiting kita ang gilagid na tanong nung babae na nakapink. Siya 'yung babae nabangga ko kanina doon sa labas.

“Hindi na Bea, dahil may sekretarya na ako at siya na ang bahala sa mga invitation card..” Tumingin siya sa akin kaya mabilis ko siyang tinaasan ng isang kilay.

“M-may bagong sekretarya kana, boss Levi?” Hindi makapaniwala na tanong nung babae na nagngangalang Bea.

“Oo si Katherine.” Banggit niya sa pangalan ko. “Miss Katherine Hontiveros, siya ang bago kong sekretarya.” Ngumiti siya sa akin kaya pasimple akong umismid.

“Ikaw?” Gulat na napaturo sa akin si Bea, nakatayo na din siya ngayon. “Seryuso ka ba boss? Pwede naman ako—”

“Ikaw ang hardinera dito sa bahay, Bea. Hindi kita pwedeng maging sekretarya dahil walang ibang papalit sa pwesto mo bilang hardinera.” Putol ni Levi sa kanya.

Hindi na umimik si Bea at padabog nalang na umupo sa upuan niya. Halos isang oras din kaming nanatili sa bahay nung amo namin, nagkwentuhan pa kasi sila.

“Salamat po, manang!” Antok kong usal, panay na din ang paghikab ko. Hinatid ako ni manang Lita at Carla dito sa kubo ko.

“Walang ano man, iha. Sige, mauna na  kami ni Carla.” Nakangiting saad ni manang, kumaway pa sa akin si Carla kaya ngumiti din ako bago isinarado ang pintuan ng kubo ko.

Humiga ako sa kama ko habang hawak ang cellphone ko. Nag-online ako sa facebook at bumungad sa akin ang sabog kong notification.

Pinindot ko 'yun at nakita kong mga likes at comments lang pala 'yun sa profile ko. Nag-change profile kasi ako habang nandito sa farm at ngayon 1.5k na ang naka-react.

Ilang minuto lang akong nag-online at nag-out din agad ako. ichinarge ko 'yung cellphone ko bago ako natulog, mabuti nalang at may kuryente ang mga kubo dito.

Bumangon ako ng maaga kahit antok na antok pa ako. Kailangan kong pumunta ngayon sa bahay ng amo ko, sinabi niya pa naman sa akin na pumunta daw ako doon ng 5:00 AM kasi pupunta kami sa bayan.

Nagbihis ako ng pantalon at t-shirt na sinapawan ko ng makapal na jacket, mamayang pag-uwi nalang namin ako maliligo.

Lumabas ako sa kubo ko at sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan, mukhang tulog pa lahat ng trabahador dito sa farm.

Napahikab ako at saka sinimulan ng maglakad patungo sa bahay ng amo namin, malapit lang naman naman 'yun.

Yakap-kayap ko ang sarili ko, subrang ginaw talaga. Nagsisi din ako na hindi ko dinala ang cellphone ko, wala tuloy akong pang-ilaw sa daan ko.

HARVEST OF HEARTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon