CHAPTER 34

21 0 0
                                    

Katherine's POV

“Lahat ng pagkain na ibibigay niyo kay Kath dapat hindi matatamis, iwasan niyo ang paggamit ng asukal at gatas sa pagkain niya o sa panghimagas niya. Nakuha niyo ba ako, Manang Luz at manang Alisa?”

Napangiti ako ng habang nakikinig kay Levi na nakikipag-usap ngayon kina manang Luz sa kusina. Rinig ko ang lahat ng sinabi niya dahil nandito ako sa sala nakaupo habang kumakain ng kanin na may halong avocado.

Sa mga nagdaang araw halos lahat ng kinakain ko ay may nakahalong avocado. Hindi ko alam dito sa sarili ko, pagbinigyan kasi ako ng pagkain na walang avocado parang nandidiri ako at ayaw ko itong kainin. Siguro dahil sa paglilihi ko kaya nagkaganito ako.

“Bakit nandito ka sa baba? Dapat nasa kwarto ka para magpahinga tulad ng sinabi nung doctor.”

Napatingin ako kay Levi na umupo sa tabi ko, pansin ko pang sinulyapan niya ang pagkain na kinakain ko ngayon.

“Sigurado akong mahilig sa avocado ang magiging anak natin.” Aniya sabay tingin sa mukha ko na nakatingin din sa kanya, sandalian kaming nagkatitigan hanggang sa naramdaman kong hinihimas niya ang aking tiyan. “Sabi ni doc 2 weeks ka ng buntis. Sayang at bawal pa nating malaman kung babae o lalaki ba ang pinagbubuntis mo para mapaghandaan ko na ang mga gamit niya at ang pangalan niya.”

Kakagaling lang kasi namin kahapon sa doctor para ipacheck up ang pagbubuntis ko. Sinabi ng doctor na medyo masilan ang pagdadalang tao ko kaya kailangan kong mag double ingat sa mga pagkain na kinakain ko at sa mga galaw na ginagawa ko.

“Subrang nababagot na ako dito sa kwarto, Levi.” Saad ko kay Levi matapos kong umupo sa dulo ng kama ko.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay na nakapaibabaw sa mga hita ko.

“Para kay baby at sa kaligtasan mo, kailangan mong mabagot dito.” Ngumiti siya. “Kailangan ko din na maging mabuting ama kay baby.” Pinisil-pisil niya ang palad ko.

Napabuntong-hininga nalang ako. “Hindi pa naman malaki ang tiyan ko, e. Gusto kong tumulong sa negosyo na sinisimulan mo ngayon.”

Inalis niya ang isang kamay niya na nakahawak sa kamay ko, ginamit niya 'yon upang hawiin ang butil ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

“Pwede ka namang tumulong. Pero hindi na muna sa ngayon. Ako na muna ang bahala sa negosyo natin.”

“Natin?” Kumunot ang noo ko.

Nakangiti siyang tumango. “Oo natin. Para sa atin nang magiging anak ko, para sa pamilya natin.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang sarap pakinggan na tinatawag niya na kaming pamilya ng magiging anak namin kahit na hindi pa kami kasal.

Napatitig ako sa singsing na nakasuot sa isa kong daliri. Kumikinang ang bato na nasa gitna nito, hindi 'yon malaki pero lubos ang presyo nito sa puso ko dahil bigay ito ng taong mahal ko.

“Sa baba muna ko o baka gusto mo na dito nalang muna ako sa kwarto mo. Sasamahan kita at dito ko nalang din aasikasuhin ang mga papeles na kailangan kong asikasuhin.” Bulalas niya.

“Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko at si baby, hindi pa naman ako nahihirapan sa paggalaw ko kasi hindi pa malaki 'yong tiyan ko.”

Tumango siya at marahan akong hinalikan sa noo ko. “Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka o may gusto kang kainin.” Sumulyap siya sa cellphone ko.
——

Levi's POV

[Levi, gusto ko ng piniritong Ampalaya.]

Napahinto ako sa sinabi ni Katherine sa akin sa kabilang linya. “Pritong Ampalaya? Meron bang gano'n?” Nagtataka kong tanong.

HARVEST OF HEARTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon