CHAPTER 32

23 0 0
                                    

Katherine's POV

Paika-ika akong lumabas sa banyo. Subrang sakit ng pagkababae ko, pakiramdam ko ay nabalian 'yon ng buto.

Inayos ko ang pagkakabalot ng puting twalya sa katawan ko bago ipinagpatuloy ang paghakbang palapit sa kama.

Nakahanda na doon ang damit na susuotin ko ngayon, inihanda ni Levi. Mga damit 'yon ni Levi na ibinigay niya sa akin para may pamalit naman daw ako.

“Masakit parin ba?” Tanong niya sa akin nakatingin siya sa pagitan ng aking dalawang hita.

Matalim ang mga mata ko na tumingin sa kanya. “Subrang napunit.”

Ngumisi siya. “Pinagsisihan mo ba?” Kita kung kinagat niya ang pangibabag labi niya. Pinipigilan ang pagngisi.

Uminit ang magkabila kong pisngi sa tanong niya. Yumuko ako at unti-unting umiling. Bumalik din sa aking isipan kung ano ang mga kahalayan na ginawa ko kagabi.

“Dumito ka nalang kaya sa hotel. Sa tingin ko hindi mo talaga kaya na maglakad. Magpahinga ka nalang.” Naglakad siya palapit sa akin. “Babalik ako mamaya, bibisitahin ko lang sila at kakausapin ko din si Prosecutor Kim at Prosecutor Lim.”

“Mga anong oras ka babalik?" Tanong ko, sumulyap din ako sa wall clock na nandito sa kwarto. 10:37 AM na, 10:05 AM kasi kami nagising dahil sa pagod kagabi.

“Siguro mga 2:00 PM or 3:00 PM.” Sagot niya. “Aalis na ako, papahatidan kita sa room service ng pagkain dito.” Bigla niya akong hinalikan sa aking labi.

Mabilis lang 'yong halik na ginawa niya, pero parang nakadikit parin ang malambot niyang labi sa labi ko.

“Ingat ka sa pagmamaneho.” Bilin ko sa kanya.

Tumango siya. “Magingat ka din dito.” At naglakad na siya palabas sa kwarto.

Pagkalabas niya sa hotel room namin, umupo ako sa dulo ng kama at nagbihis na ng damit. Malalaki 'yong t-shirt pero 'yong pajama, tamang-tama lang sa akin.

Matapos kong magbihis ay humiga na ako sa kama, niyakap ko ang unan na nasa tabi ko tapos inabot ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng side table.

Inopen ko ang aking FB account at bumungad sa akin ang sumasabog kong notification at message. Inuna kong pindutin ang message, nakita ko ang limang chat sa akin galing sa mga kaibigan ko doon sa manila, tinatanong nila kung nasaan ako.

Nireplyan ko sila na nasa isang farm ako, nagtratrabaho. Hindi ko na sila hinintay na magreply dahil agad na akong nag log out.

Nanood nalang ako ng video sa youtube. Sinearch ko ang MSA at lumabas agad ng love story animation nito.

Pinindot ko 'yong isang video at nanood, tumagilid ako sa aking pagkakahiga para mas maging komportable ako sa panonood.

Tatlong MSA videos na ang natapos ko nang makaramdam ako ng antok. Muli kong inilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng side table para patulog na. Ipinikit ko ang aking mga mata at agad din akong nakatulog.
——
Levi's POV

“Dapat ka din makulong! Pinatay mo ang anak namin, pinatay mo si Clint. Attorney dapat din siyang makulong at parusahan.” Galit na galit na turan ni tita Alyana sa attorney na nasa pagitan namin.

“Self defense ang ginawa niya. Ninais din na gahasain ng anak niyo si Ms. Hontiveros.” Wika ng pulis.

Napamaang si tito Carlo, tatayo na sana ito para kwelyuhan ang abogado pero agad din siyang napigilan ng pulis na nasa likuran ng mag-asawa.

“Bitawan mo ako! Sasapakin ko lang 'yang walang mudong abogado na 'yan.” Nagpupumiglas nitong sabi.

“Mr. Ramirez, ano? Pwedeng-pwede na silang ikulong sa mga ginawa nila. Gusto mo pa ba silang makaharap sa korte?” Tanong ni attorney sa akin.

“Gusto ko, sana gusto din nila.” Sagot ko naman.

“Kahit na mag harapan pa kayo sa kotse, Mr. Ramirez. Talo parin sila dahil subrang tibay ang mga ebidensiya na hawak natin. Hindi na kaya ng hilot ang kanilang nagawa.” Singit ni prosecutor Kim sa usapan namin.

Napalingon ako sa kanya at muli akong napabuntong-hininga. “Tanungin muna natin kung gusto nila akong makaharap sa korte, prosecutor Kim, o baka gusto nilang makulong na hindi dumaan sa husgado.” Tumingin ako kina tito at tita na parehong matalim ang tingin sa amin.

“Ano? Mr and Mrs. Marquez, magdisisyon na kayo. Gusto niyo bang makaharap si Mr. Ramirez sa korte?” Masamang titig lang ang isinagot ni tito at tita kay prosecutor Lim.

Ilang minuto naming hinintay ang kanilang sagot, pero wala kaming nakuha sa kanilang dalawa.

“Dahil wala kaming sagot na nakuha sa inyo. Mukhang inaamin niyo na guilty kayo sa mga kasalanan na nagawa niyo, ibigsabihin makukulong kayo. Tama ba ako, attorney?” Seryusong tinitigan ni prosecutor Lim ang attorney.

Tumango ang attorney. Simbulo na makukulong sina tito at tita dahil sa mga ginawa nila. Hindi ko narinig na umangal si tito at tita, kaya nagusap kami nung dalawang porsecutor at pagkatapos ay nagpaalam na akong umuwi sa hotel.

“Kumusta ang lakad mo?” Tanong ni Katherine sa akin matapos ko siyang halikan sa kanyang noo nong pinagbuksan niya ako ng pintuan.

“Makukulong silang dalawa.” Sagot ko, naglakad kami papasok sa kwarto at parehong umupo sa maliit na sala na nandito.

“Ikaw? Anong gagawin nila sa'yo, napatay mo si Clint at si Elsa.” Nag-aalala niyang bulalas.

“Sinabi ni attorney na self defense lang daw ang ginawa ko, hindi ako makukulong.” Lumiwanag ang mukha niya, kumurba sa labi niya ang isang matamis na ngiti.

“Ibigsabihin, makakasama kita?” Turan niya. Halatang-halata sa kanya na masaya siya sa ibinalita ko sa kanya.
——

Katherine's POV

“Pa'no kaya kung ganitong design nalang ng sticker ang gagamitin natin?” Ipinakita ko kay Levi ang ginawa kong design.

Kinuha niya sa kamay ko ang iPad saka tiningnan ang design na gawa ko. “Simple lang pero magandang tingnan, parang ikaw.” Napaangat ang kilay ko sa sinabi niya. “Ito na ang design natin.” Tumango ako at kinuha sa kamay niya ang iPad saka isinave ang design. 

Isang linggo na ang lumipas nang makauwi na kami dito sa farm. Ang tita at tito naman ni Levi ay tuluyang nakulong. Hinatulan sila ng panghabang-buhay na pagkakakulong.

Ngayon inaasikaso namin ang design ng sticker na gagamitin sa mga product na sinisimulan na ng farm na gawin. 'Yong mga Jam, candy, at wine na minsan kong isinaseggest ko sa kanya noon.

“Anong ulam natin, manang?” Tanong ko kay manang Luz pagkapasok ko sa kusina.

“Ginisang— Anong nangyayari sa'yo, iha?” Nanlaki ang mga mata ni manang na humarap sa akin. “Bakit ka namumutla, iha? May problema ba?”

Hindi ako sumagot, napatakip lang ako sa aking bibig at mabilis na tumakbo patungo sa CR dito sa baba.

Agad akong yumuko sa bowl at doon sumuka. Ewan ko kung bakit ako nasusuka, basta ang alam ko nandiri at nahihilo ako sa amoy ng bawang na ginigisa ni manang.

“Anong nangyari sa'yo, iha? Bakit bigla ka nalang tumakbo papasok sa CR?” Bulalas ni manang pagkalabas ko sa banyo.

“Hindi ko po alam. Siguro dahil sa amoy ng bawang.” Sagot ko at tinakpan ang bibig at ilong dahil naamoy ko na naman ang bawang. “Sa kwarto nalang po muna ako.” Paalam ko.

Hindi sumagot si manang at tinitigan niya lang ako. Hindi ko iyon pinansin at naglakad na ako paakyat sa hagdan, siguro na pagod lang ako sa ginawa namin ni Levi kanina doon sa taniman ng mga palay.

Agad akong humiga sa kama ko nang makapasok na ako sa kwarto. Ipinikit ko ang aking mga mata para matulog.

To be continue...

HARVEST OF HEARTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon