CHAPTER 40

21 0 0
                                    

Narrator's POV

Alas siyete na ng umaga at nakahanda na ang lahat sa kasal na magaganap ngayong araw. Nagsisidatingan na ang mga bisita na imbitado sa tagpong mangyayari ngayon.

Sa isang silid naman ng bahay ni Levi ay naroroon si Katherine kasama ang dalawang babae na umaasikaso sa kanya. Iyong isa ay sa make-up at ang isa naman ay sa kanyang wedding dress na isusuot ngayon.

Pinili ng dalaga ay dress imbes na gown ang gusto ng kanyang lolo. Mas gusto kasi ng dalaga ang dress dahil ito'y simple lang at hindi mahirap ilakad, kumbaga hindi masyadong sagabal ang laylayan nito sa mataas niyang takong.

Sunod-sunod na pinuri nung dalawang tagapag-ayos si Katherine nang matapos na siyang ayusan.

“Simple lang po ang make-up mo, Katherine. Pero ang ganda-ganda mo.” Saad ng dalagitang babae na umasikaso sa make-up ng dalaga.

“Bagay na bagay din sa'yo ang puting dress mo, iha. Para kang diwata kung tingan.” Puri din nung isang babae na medyo may edad na.

Ngumiti si Katherine kina Carla at Lita na siyang umaasikaso sa kanyang ngayon. “Salamat po. Pero medyo kinakabahan po ako, e.” Kabado niyang sabi.

“Nako huwag mong isipin iyang kaba mo, iha. Baka magkapareho ka sa akin noong ikinasala ako. Nadapa ba naman ako habang naglalakad patungo sa altar dahil sa panginginig ng mga tuhod ko dala ng subrang nerbiyos.” Ibinahagi ni Lita kay Katherine ang nangyari sa kanya noong ikinasal siya sa kanyang kabiyak.

“Baka po matulad ako sa inyo. Subrang nanginginig na din po kasi ang mga tuhod ko, pati ang mga kamay ko.” Ipinakita ng dalaga ang kanyang mga kamay na nanginginig ngayon.

“Ikalma mo po ang sarili mo, Katherine. Buntis ka pa naman po, bawal po sa'yo ang makaramdam ng mga sensitibong pakiramdam sa ngayon. Tsaka, dapat maging masaya ka dahil ngayong araw ang pag-iisang dibdib niyo ni boss Levi.” Nakangiting sabi ni Carla.

Tumango-tango naman si Katherine at kinalma ang sarili sa pamamagitan ng pagbuga ng hangin. Pinaypayan niya din ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga palad, pakiramdam niya kasi ay maalinsangan parin ang paligid niya kahit na may aircon sa kanyang silid.

Ilang sandali pa ay pumasok na sa silid ang kanyang ina at kanyang lolo. Ngumiti ang dalaga sa mga ito at sinalubong naman agad siya ng isang mahigpit na yakap ng kanyang ina.

“Masaya ako para sa inyo ni Levi, anak.” Wika ng kanya ina matapos siyang pakawalan nito.

“Salamat po, ma. Masaya din po ako na medyo may nakahalong kaba.” Tugon ni Katherine sa kanyang ina.

“Nandoon na sa labas ang pari at lahat ng mga bisita, pati si Levi ay nandoon na din at tanging ikaw nalang apo ang hinihintay nila. Kaya tara na para masimulan na ang seremonya.” Inilahad ni Emilio ang kanyang isang palad sa harap ng kanyang apo.

Agad naman iyong tinanggap ni Katherine at hinawakan din ng dalaga ang kamay lang kanyang ina. Lumabas silang tatlong sa kwartong iyon, nakasunod naman sa kanila sina Lita at Carla na parehong tahimik lang.

Pagkarating nila sa venue ng kasal ay agad itong nag-umpisa. Naunang pumasok ang flower girl, abay, at ang ring-bearer bago si Katherine.

Hawak ni Katherine sa kanyang dalawang kamay ang isang kumpol ng puting rosas. Nang si Katherine na ang papaso papasok ay tumindi ang panginginig ng kanyang tuhod.

Mabuti nalang at nakaalalay sa kanya ang kanyang ina at lolo para siguraduhin na magiging maayos ang paglalakad niya.

Nang maihatid na siya ng kanyang ina at lolo kay Levi, ay agad siyang kinumusta ng binata dahil napansin nito ang panginginig ng dalaga pati ang panlalamig ng mga kamay nito nung hawakan niya sa palad ang dalaga.

HARVEST OF HEARTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon