Prologue

739 29 13
                                    

Warning ! R-18, vulgar language.

Mine.

"Kuripot mo, Cai. Hindi ka ba binibigyan ng tatay mo?"

"Tanga, nakabaon sa lupa ang tatay ko. Gago ka ba?" Inis kong sabi. Lahat sila humalakhak.

"Lahat ata ng kinukulay sa buhok ni Tobi, napupunta sa utak," Natatawang sabi ni Ed.

Madalas kasi iba't iba ang kulay ang buhok niya. Feeling koreano.

Tinaas ni Tobi ang gitnang daliri niya, at pagkatapos ay inakbayan ako, "Sagot ko na ang alak. Basta pumunta kayo. Deserve natin magsaya ngayon, lalo na at kakatapos lang ng hell week natin."

Siya at si Yves kasi ang pinakamayaman sa amin. Pero ang pinagkaibahan; si Yves ay hindi kung ano-ano ang ginagastos, pero siya, waldas nang waldas ng pera. Madalas manlibre dahil wala na raw siyang mapaggastusan. Although hindi kami naghihirap sa buhay, may ipagmamalaki rin naman kami dahil may magagandang trabaho ang magulang namin, pero iba pa rin ang yaman nila Tobi at Yves.

Sumabay ako kay Tobi sa pag-uwi dahil wala akong dalang sasakyan. Hassle din kasi kung magdadala pa 'ko. May taga hatid naman kaya okay lang.

Nang makarating ako sa condo ko, agad kong hinanap si pumpkin.

"Pumpkin, baby..." nang makita ko na bukas ang banyo, agad akong pumunta dun. "There you are. Nandyan ka na naman sa favorite spot mo," Agad ko siyang binuhat mula sa tunk ng toilet.

She's pumpkin, my 1 year old ginger cat. I adopted her last year. Nakita ko siya sa parking lot, sa baba. I almost ran her over, buti na lang mabilis siyang nakaiwas.

"Are you hungry? Lagi ka na lang tulog," I petted her.

Binaba ko muna siya para lagyan ang pakainan niya. Mas magastos pa 'to kaysa sa akin. Gaya ng sinabi ni Tobi, kuripot ako pero pagdating kay Pumpkin, hindi ako nagdadalawang isip na bilhin lahat ng luho niya. Hindi ko rin iniisip kung magkano aabutin.

Pagkatapos ko siyang asikasuhin, pumunta agad ako sa kwarto para magpalit. Mamaya na 'ko maliligo, tutal madami pang oras.

Habang nagbibihis ako, biglang nag-ring ang cellphone ko.

Mama...

"Hello, ma," Sagot ko sa tawag.

"Hello, son. Nag-send na 'ko ng allowance sa bank account mo, pang isang buwan na iyon. Pero magsabi ka pa rin kapag kulang o may kailangan ka."

"Okay, ma. Thanks."

"Ikaw, umayos ka. Okay lang mambabae pero bawas-bawasan mo naman. Sa susunod na dalaw ko diyan, baka may makita na naman akong panty na nakakalat kung saan saan."

Napairap na lang ako. Paulit-ulit lang ang mga sinasabi niya sa tuwing tumatawag siya.

"Oo na, ma."

"Caius Esvan Norcros, umayos ka."

"Yeah, whatever. Bye, ma, I love you," Sabay baba ng tawag.

Lumabas na 'ko ng kwarto at umupo sa sofa. Tinignan ko 'yung messages at unang binuksan ang gc namin.

Tobias:
*/location. ayan, kung saan ginaganap yung drug race.

Federick:
gagi, race club? si raze may ari niyan, 'diba?

Tobias:
yes, why?

Caius:
who's Raze?

Gio:
u don't know raze!? kilalang-kilala 'yan sa school natin.

Caius:
we're also famous, mf.

One Night Change (Sunshine and Midnight #1)Where stories live. Discover now