Chapter 4

400 27 4
                                    

Strawberry.

We went straight to my condo after picking up pumpkin. Gusto daw nilang tumambay. Wala rin akong magawa dahil nasa iisang sasakyan kami.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin na hawak ko. Hinawakan ko ang pisngi ko na namumula pa rin.

Ang mukha na 'to ay pinagkaingat-ingatan ko tas nasampal lang ng isang babae.

"Ayos ba, bro?" Akbay sa 'kin ni Gio habang nakangisi.

"Ihanda mo na 'yang mukha mo sa susunod baka hindi lang siya ang susugod sa 'yo," Halakhak ni Ed.

"Gayahin mo kasi kaming lowkey lang at hindi agad nagpapalit. Pinaglalantaran mo kasi pagiging hayok mo sa kama," Sabi ni Tobi na busy sa cellphone.

"Sila na may kasalanan nun kung hindi nila maintindihan ang one night stand," Inis kong sambit at pagtapos ay idinuro ko sila isa isa, "At huwag nga kayong magmalinis na akala niyo na ako lang babaero dito. Katulad niyo lang rin ako, ulol."

"At least ako lowkey lang," Pagtatanggol ni Ed sa sarili niya.

"At least ako kapag gusto ko lang. Twice a month lang ata ako may ikinakama," Si Tobi.

"At least ako hindi agad nagpapalit," Si Gio na proud pa sa sinabi.

"Nang-aagaw lang?" Pangbabara ko.

Humagalpak sila ng tawa.

"Mang-aagaw ka pala e," Pang aasar ni Gio.

"Parang hindi inagaw ang ex ko, ah?" Pabalik na pang aasar sa akin. Natawa na lang ako. "At hindi ko naman kasi alam na taken na sila. Pasalamat nga sa 'kin mga boys dahil nalalaman nilang lalakero ang mga jowa nila," Pagdadahilan niya.

"Ano ka, tester?" Si Tobi.

"Parang ganun na nga," Natatawang sagot niya. Natawa rin kami sa sagot niya.

"Lahat naman tayo may baho, si Yves lang talaga good boy sa atin. Kaya huwag na kayo maglabas ng baho ng isa't isa."

Tama naman si Tobi, si Yves talaga ang walang baho sa amin. Hindi talaga siya bagay sa grupo namin na puro katarantaduhan ang alam.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil tumunog iyon.

Raze:
hey, get ur wallet tom in the cafe at 12pm.

I raised my eyebrows dahil para siyang nang-uutos.

Cai:
which cafe?

Raze:
cafe medalia

I frowned. I don't want to go back there dahil baka may manampal na naman sa mukha ko.

Cai:
pwede ba sa ibang cafe na lang?

Raze:
why? it's near the school. may pasok ako bukas.

Cai:
nvm.

"Sino 'yan?" Dungaw ni Gio sa phone ko na agad kong pinatay.

"Wala. Chismos ka."

"Babae? Bakit mo tinatago? Hindi ka naman ganyan dati, ah? Pinagmamalaki mo pa nga e," Sunod sunod na tanong nito habang pinanliliitan ako ng mata.

"It's my mom, Gio."

"Ah, hindi ba sugar mom?" Natatawa niyang tanong.

Mabilis ko siyang sinipa sa binti na ikinatawa niya. Gago talaga.

While we were drinking, the doorbell suddenly rang.

"May inorder kayo?" Takang tanong ko.

"Si Yves 'yan, pinasunod ko dito," Sagot ni Tobi at tumayo para buksan 'yung pinto.

One Night Change (Sunshine and Midnight #1)Where stories live. Discover now