Chapter 6

978 36 3
                                    

Clueless.

When I got into the elevator, I leaned forward with both hands in my pockets.

I don't know what I feel; I can't name this feeling. Hindi naman ako nasasaktan, at wala rin naman akong nararamdaman nung nakita ko ulit si Celine.

Kung wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya, saan nanggaling ang inis ko? Hindi ko na talaga maintindihan maski sarili ko; nawalan ako bigla ng gana sa lahat.

Pagkapasok ko sa condo, hindi ko inaasahan na may mga gagong nakaupo sa couch, nanonood ng tv at may mga alak sa table.

"Wow, feel at home?" I said sarcastically. Napasama talaga na binigyan ko si Gio ng duplicate key. "Wala naman akong sinabi na gusto kong uminom."

"Pero kami, gusto ka naming uminom," Nakangisi na sabi Ed.

"Sinabihan ko na sila, but this fuckers doesn't have ears," Si Yves.

Gio stood up, and rested both of his hands on my shoulders. "Nakalimutan mo na ba ang motto natin? Iinom mo ang problema kasama ang mga tropa," Pilit niyang sineseryoso ang mukha niya na ikinatawa ko.

Umupo na rin ako. Wala naman akong magagawa dahil nandidito na sila, at may mga nakahanda pang alak. Pero wala akong balak magpakalasing ngayon dahil wala akong gana.

"Syempre hindi makukumpleto ang inuman na walang kantahan," Ngiting sabi ni Tobi habang may pinipindot sa remote. "Ang kantang ito ay para sa iyo, pareng Cai," Sabi niya sa microphone na hawak niya. Natawa na lang ako.

Sila Tobi, Ed, at Gio ang may mga hawak na mic. Napangiti at napailing na lang ako sa mga pinaggagawa nila. But thanks to them dahil kung wala sila, baka buong magdamag ako nag-iisip.

"Yah, yah, yah," Kanta ni Tobi at pagtapos ginaya ni Gio ang tawa ng nasa kanta kaya lahat kami humagalpak.

"O.C. Dawgs, ExB!" Kanta ni Ed.

"Kalimutan mo na 'yan, sige, sige maglibang. Wag kang magpakahibang, dapat ay itawa lang. Ang problema sa babae dapat 'di iniinda. Hayaan mo sila ang maghabol sa'yo, 'di ba?" Si Tobi habang tinuturo pa ako.

"Sabi ko naman sa'yo, lahat 'yan nagloloko. Pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayo, oh-oh. Kaya 'wag nang uulit pa, kaya 'wag nang uulit pa," Si Gio.

"'Eto na naman tayo," Si Ed

"Tayo," Second voice nung dalawa.

"Kailan ka ba matututo?"

"Tuto."

"Pag-ibig ay sakit sa ulo."

"Ulo."

"Kaya 'wag kang magpapaloko."

"Loko."

Lumapit sa akin si Ed na parang hiphop ang lakad. "Bakit ba ang bilis mo na maniwala d'yan? 'Di ka pa ba nadala sa'yong nakaraan? Ilang beses pa ba na kitang papayuhan? Ayaw ko lang naman na ikaw ay masaktan," Ina-actingan niya ang pagkanta na ikinatawa ko. "Hindi kita sa dina-down, down, down, 'pag pumili ka kasi. Karamihan kasi now kung makuha madali. Madali lang magpakamot 'pag may nangati, kaya ngayon pa lang mag-isip ka, p're!"

"P're, dahan-dahan lang sa iyong pagkahibang, sa isang nilalang na dapat nila-lang mo lang. Dapat kalimutan mo mga problema na 'yan, dahil kahit sa tignan ay-yay-yay babae lang 'yan," Si Tobi habang nakatingin pa sa akin.

"Alam ko na alam mong libre maging tanga. Pero ang masama do'n, balak mong araw-arawin pa. Ang mga ganyang babae, 'di dapat iniinda. Tumigil ka, sa dami ng tanga, 'wag ka na maging isa," Kanta ni Gio na parang pinapamukha sa akin bawat lyrics ng kanta.

One Night Change (Sunshine and Midnight #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon