Chapter 3

413 22 1
                                    

Karma.

It's already 11 in the evening. As of now, 'yung tatlo ay lasing na, kami lang ni Yves ang hindi dahil hindi kami masyadong uminom.

"Yves, uuwi ako. Wala kasama si pumpkin," Sabi ko.

"It's too late tas lasing na mga taga hatid at sundo mo," Nginuso niya sila Tobi na nakadukdok na sa table. "Ang aga mo kasi nag anak," Biro niya na ikinatawa ko.

"Mag co-commute na lang ako."

"Are you sure?"

Tumango ako at tinapik siya, "Una na 'ko, magpapaalam lang ako kila Tito."

"Okay, take care."

Nag-insist sila Tito na ihatid ako ng isa sa mga driver nila, pero tumanggi ako dahil nakakahiya, kaya ito ako ngayon nag aabang ng taxi.

Mag bo-book sana ako kaso wala nang available. Kung mag je-jeep ako, kailangan ko pang mag tricycle para makapunta sa sakayan. E wala ring tricycle.

I put my left hand in my pants pocket while the other one has a cigarette.

Napatingin ako sa kotseng umilaw. Nagtaka ako kung bakit bumusina. Hindi ko na lang pinansin at nilibang ang sarili sa paninigarilyo.

Maya maya lang ay tumapat ang isang sport car kung nasaan ako. Isang gray Aston Martin. Ito 'yung kotseng bumusina.

Ang angas ng kotse.

Bumaba ang bintana ng kotse, and I didn't expect the person inside.

"Get in, I will take you home," Senyas ni Raze na pumasok ako pero kinunotan ko siya ng noo.

"No, thanks. Dadating naman na mamaya 'yung binook kong taxi," Pagsisinungaling ko. Ang totoo ay walang available na taxi ngayon.

"There's no available taxi at this late hour. Get in. Your kid is waiting for you at home, right?"

I raised my eyebrow at him. Hindi ko alam kung matatawa ako sa narinig ko. Pero narinig niya ba pinag uusapan namin ni Yves? Kalalaking tao, ang chismoso.

Tumingin ako sa oras. 15 minutes na pala akong nag iintay. I sighed and opened the passenger seat.

Sa kalagitnaan na ng byahe, wala pa rin nagsasalita. Sobrang awkward. Kulang na lang hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko.

He faked a cough, so I turned my gaze at him.

"So, do you have a kid?" He asked curiously.

Balak ko sanang isagot na wala pero naisipan ko na pagtripan siya to lessen the heavy atmosphere.

"Yeah, I have a daughter," Ngisi ko. But it's actually true that I have a daughter, hindi nga lang tao.

"Where's her mom?"

"Wala, iniwan kami," Umiwas ako ng tingin at tumingin sa bintana para hindi niya makita na natatawa ako.

"Oh, sorry."

"No, it's fine. Matagal na rin naman." I pressed my lips together para mapigilan ang tawa na gusto nang kumawala. Masyado kasi siyang seryoso.

"How old is she?"

Tumingin ako sa kanya, "Yung anak ko?" I asked, and he nodded. I crossed my arms, "Turning 2 sa November." Sagot ko.

It's true that my pumpkin is turning 2 on November 7, the day kung kailan ko siya kinupkop.

I sighed in relief when we arrived.

"Uhm, thanks?" I awkwardly said.

He smiled, "Welcome."

One Night Change (Sunshine and Midnight #1)Where stories live. Discover now