Chapter 12

486 33 9
                                    

Jealous.

After the mass, Mom and I headed straight to the cemetery. Nandidito na kami sa harap ng puntod ni Dad habang nagsisindi ng kandila.

"Hi, hon, " Bati ni Mom. "We're here again to visit you. It's been a long time since you left us," Rinig kong hikbi ni Mom.

Inalo ko siya. "Mom, let's sit," Sabi ko at inalalayang umupo. "Ang tagal na. Hindi ka pa rin nakaka move on kay Dad?"

She shooked her head. "Ang hirap bitawan ng Daddy mo."

"But you need to move on, Mom. You deserve to be happy, and Dad also wants it," I said it with concern.

"I'm trying, but I still can't."

"Then try again. Ilang years nang wala si Dad, at kailangan mo na siyang pakawalan."

She smiled at me and caressed my cheek. "I'll try, Anak. Thank you for being with me always," she said. "I'm glad that you're really happy."

Napakunot ako. "Huh?"

"Ngayon lang kita nakitang ganitong kasaya. Your eyes is shining. Are you in love?" Tanong niya na ikinagulat ko. "Don't be shy, I'm your Mom. So, do you?"

"Mom, hindi," Pagtanggi ko.

"Weh?"

Natawa ako. "Yes, Mom, I'm not in love. Ikaw lang ang babae sa buhay ko," Ngiting sabi ko.

"Sus! Huwag ka nang mambola dahil ang dami mong babae."

"It's just for fun, Mom, and you're not."

"Galing talaga mambola."

"But mom, I'm serious. You deserve to be happy, and it's okay if you meet someone," I sincerely said. "It's better if you have someone who will take care of you. Huwag kang puro trabaho."

"Yes, Sir," at sumaludo na ikinatawa nming dalawa. "And you deserve it too, anak. You have the freedom to love, so you can love whatever or whoever you want. Pero sana hindi maldita dahil hindi kami magkakasundo. Gusto ko 'yong mabait, at aalagaan ka. Baby kita, tas hahayaan lang kita sa taong hindi ka kayang alagaan? No, hindi ako papayag."

"Mom, I'm not a baby anymore."

Pinisil niya ang pisngi ko ng mahina. "But you're still my baby kay dapat bini-baby ka rin."

"Pero sila dapat ang bini-baby ko dahil ako ang lalaki," Pakikipagtalo ko.

"It doesn't matter kung sino ang baby sa inyo. 'Yung iba ngang guys, biglang nagpapababy especially kapag in love e."

"Kakanood mo 'yan ng K-drama, Mom," Natatawang sabi ko.

"It's a fact, son. 'Yung Daddy mo kaya ganun sa akin, nagpapa baby lalo na kapag may sakit siya," She smiled na parang may naalala.

"Iw! Nakakatakot palang ma-in love si Dad," Sabi ko habang hinihimas ang braso ko.

"Kapag ikaw ay minulto niyan, sige ka!"

Natawa na lang ako.

Umuwi na rin kami dahil may gagawin pa raw si Mom sa company kaya ito ako ngayon, nasa condo na ulit.

Bigla kong naalala na mag ba-bar nga pala kami mamayang gabi para i-celebrate ang pagkapanalo ni Raze. I took out my phone at hinanap ang number ni Raze.

Cai:
raze, my friends wants to celebrate your win at your bar.

Raze:
what time?

Cai:
8 in the evening.

One Night Change (Sunshine and Midnight #1)Where stories live. Discover now