Chapter 7

453 27 5
                                    

Risk.

Napailing na lang ako sa inakto niya. Baka galit pa rin siya sa pagkakasuntok ko sa kanya. Deserve niya naman 'yon dahil sa pag deny niya kay Celine. Matalino lang talaga siya sa academics pero pagdating sa love life, ang bobo.

Kinausap ko na lang ulit si Avi. Nakipagpalitan siya ng number sa akin. I can't say no because she's too nice.

Nang matapos makipag usap ni Ed, agad kaming dumiretso sa cafeteria. Nakita namin agad si Tobi at Gio na may nakahandang pagkain sa mesa.

"Thanks, bro! Mahal na mahal talaga kita. Pa-kiss nga si Papa Ed," Nguso ni Ed na ikinatawa namin.

Tobi showed his middle finger to him. "Here, kiss my middle finger," Natatawang sabi niya.

"Where's Yves?" I asked.

"Nauna na, kanina pa. May klase pa raw siya," Sagot ni Tobi at sumubo ng fries.

"Kumusta pakikipaglandian?" Gio asked while smirking.

"It's fine, dude. Kami na," Nakangiting sagit ni Ed. Napatingin kami sa kanya. "Don't ask if I courted her dahil hindi. Hindi uso sa akin 'yon," Pangunguna niya.

"We know. Inaalala lang namin ang chic mo dahil pinatulan ka niya," Pang aasar ko.

He showed his middle finger. "Ulol, sa gwapo kong 'to? Walang makakatan—,"

Nagulat kaming lahat dahil sa paghampas ng malakas ng kung sino sa mesa namin. Napatingin kami sa humampas. A boy with his handkerchief in his head. Yeah, a boy, because he's too short for a guy. Mas matangakad pa ata si Avi dito e, o mas matangkad pa nga ata.

"Sino si Gideon Ogihara sa inyo?" Mayabang nitong tanong.

Napakunot ako ng noo. "What do you need?" I asked.

Mayabang niya akong nilapitan. "Ikaw ba?"

"Hindi. Siya si Gio," Tinuro ko si Gio na nasa tabi ko.

Bigla niya itong kinewelyuhan na ikanagulat namin. "Tangina mo! Bakit mo hinalikan ang girlfriend ko?" Gigil nitong tanong.

"What are you talking about, dude? Nananahimik ako dito," Seryosong sabi ni Gio.

"Gago! May nakakita sa iyo na hinalikan mo ang girlfriend ko."

Narinig kong sumisipol si Tobi, si Ed naman ay nagpipigil ng tawa, habang ako ay kumakain ng fries habang pinapanood sila.

Gio chuckled and looked at him with a bored face. "Edi ang girlfriend mo ang sabihan mo. May boyfriend na pala siya, nakikipaglampungan pa siya sa iba."

"Pre, de javu. Si Dante nung sinugod ka rin," Natatawang bulong ni Ed. Natawa rin ako.

"Gago ka pala talaga e?! Kung alam mo nang may shota ang tao, bakit pinatulan mo pa? Ano, nauubusan ka na ba ng mga babae?"

"Tsk, I didn't steal your girlfriend. Kung alam ko lang, ako na mismo ang lalayo. Kaya dapat hindi ako ang sabihan mo dahil bago pa kami maglaplapan, tinanong ko muna siya, but she said, she's single," Sabi niya at pagkatapos ay ngumisi.

"Tanginang bunganga 'yan, walang tapal," Natatawang sabi ni Tob.

"Maybe she hates a shorty boyfriend, kaya naghanap siya ng matangkad," Pang aasar ni Gio.

Napatayo kami nang biglang niyang sinuntok si Gio ng malakas. Lumapit kami para umawat. Habang nakikiawat ako may humawak sa balikat ko. Pagkalingon ko, may kamaong dumapo sa mukha.

One Night Change (Sunshine and Midnight #1)Where stories live. Discover now