High School Life - Chapter 1

1 1 0
                                    

"Selena, gising na malalate ka na naman sa unang araw ng klase mo." Narinig ni Selena ang boses ng kanilang kasambahay. Napabuntong-hininga naman si Selena dahil hindi na naman siya pinuntahan ng kanyang ina upang gising.


Simula ng maaksidente si Demi hindi na nakikita ni Selena ang ina niya. Lagi itong nasa organisasyong para raw magprotekta ng mga taong naaapi.


Napatingin si Selena sa kanyang orasan sa may bedside table niya at nakita niya ang oras at hindi siya makapaniwalang gigisingin siya ng kasambahay nila ng ganitong kaaga.


"Ya, four o'clock pa lang ng umaga." Naiinis niyang sabi.


Pumasok naman ang kasambahay na na nanggising sa kanya na tinaasan siya ng kilay. Napanbuntong-hininga naman si Selena dahil alam niyang hindi uubra ang pagdadahilan niya rito. Ang nangising lamang sa kanya ay ang nag-alaga sa kanyang daddy noong bata pa ito.


"Pwedeng five more minutes?" Pagdadahilan niya.

"Alam kong alas kuwatro pa lang pero sa tagal mong mag-ayos paniguradong mahuhuli ka niyan sa klase mo. Lunes ngayon tandaan mo, traffic ngayon." Sabi naman ito.


Wala namang nagawa si Selena at kumilos na papuntang banyo upang gawin ang dapat niyang gawin. Ito ang unang pasukan na hindi niya makakasama si Nicolai pero masakit ang nakita niya.


Nang matapos siya sa kanyang pag-aayos papasok sa eskwela ay sumakay kaagad siya sa pribadong sasakyan ng kanilang pamilya at umandar na ang sasakyan. Mga ilang minuto ang tinagal nila sa daan at napansin ni Selena na tama nga ang kasambahay nila na traffic ngayong araw. Nang makarating ang sinasakyan niya sa Aberdeen Empire Academy ay nakita kaagad niya ang mga kaibigan niya na nakatayo at hinihintay siya.


Nang makababa si Selena sa kotese ay nilapitan niya kaagad ang mga kaibigan niya. Ang kaibigan niyang si Miley ay nakasimangot na.


"Ang tagal mo, alam mo yun?" Sabi ni Miley.

"Nagpaganda pa kasi." Sabi naman ni Kathryn.


Nilapitan naman niya si Demi at niyakap. Ngumiti lamang ito sa kanya at hindi na kumibo. Simula ng nangyari iyon ay naging taboo na sa kanila na magtanong kung kamusta na lalo na kapag kasama si Demi.


"Halina nga sa room natin, baka magalit pa adviser natin." Sabi ni Kathryn.

"Kilala mo na ang adviser natin?" Nagtatakang tanong ni Miley at ganoon rin si Selena.


Ang alam ni Selena walang kilalang staff si Kathryn sa eskwelahan kaya paniguradong hindi malalaman ni Kathryn kung sino ang kanilang adviser maliban na lang kung ...


Hinatak ni Selena si Kathryn palayo sa iba nilang kaibigan, "may alam ba ang kuya mo?"

"KJ, knows what section we belong. Yun lang sinabi niya sa akin. Simula naman hindi mo pinansin si Nicolai nahati na ang barkada: yung sekreto nila, sila lang nakakaalam at yung sekreto natin, tayo lang nakakaalam." Bulong ni Kathryn.


Tumango na lamang si Selena at tinignan nila ang kanilang section. Hindi na nila inalam kung sinu-sino ang kanilang makakasama dahil ang importante sa kanila ay maka-graduate.


Matapos nilang malaman ang kanilang section ay naglakad na sila sa pamilyar na hallway ng eskwelahan. Lahat ng kaedaran nila na nag-aaral roon ay makikita mo ang iba't-ubang emosyon sa kanilang mga mukha. May nagtataka ( kadalasan mga freshmen or transfer students ito), may pagkamangha, may ibang naiinis at naiinggit.


Sino ba naman ang hindi maiinis o maiingit sa kanila dahil lahat ng estudiyante rito ay mayayaman at sila ang sentro ng attensyon sa ibang bagay pero pagdating sa eskwelahan na ito ay hindi sila ang kilala.


"Lalo silang gumaganda bawat araw." Sabi ng isang babae.

"Oo nga, eh, at sa huling taon na nila ngayon." Sabi naman ng isa.


Marami pang mga komento ang mga estudiyante roon pero hindi na lamang nila pinansin iyon.


Pagdating nila sa classroom, lahat ng kanilang kaklase ay tumahimik at tinignan sila. Hindi na lamang nila pinansin ang mga iyon at umupo sa pinakadulong upuan. Hindi nagtagal ay dumating rin ang kanilang guro.


"Good Morning, class. I am Mr. Romero." Sabi nang kanilang guro na nasa harapan ng klase. "I will be your adviser this year. and I want each of you to introduce yourself not just to me but also to your classmates." Dugtong nito.


Nagpakilala naman ang mga kaklase nila Selena at tahimik silang naghintay. Kahit wala silang ganang makinig ay nakinig sila dahil iyon ang turo sa kanila ng kanilang magulang huwag maging bastos sa kapwa.


Nang si Demi na ang magsasalita lahat sila ay tumingin rito at hinintay na magsalita. Tumayo ito ang nagpakilala, "Good morning everyone. My name is Demitria Perez, my friends call me Demi. If we are not friends call me Demitria."

"Good morning my classmates and Mr. Romero. I am Kathryn Cupido. I am not St. Valentine or the Goddess of Love or I am not related to any of it. Just because my surname is Cupido." Pagpapakilala ni Kathryn sa kanyang sarili. "My favorite color is yellow and not red. I didn't say I hate red, but I love yellow because it symbolized the brightest of the sun. Nang matapos ang kanyang sasabihin ay umupo na siya at si Miley na ang tumayo.

"Good morning everyone, I am Destiny Hope Cruz, or my friends call me Miley. I want you all to smile to avoid negativity comes inside of you." Sabi ni Miley at bago siya umupo ay kumindat pa siya sa akin. Nang tumayo ako lahat ng classmates namin ay tumingin sa akin at parang interisado sila sa sasabihin ko.


Sanay na magsalita si Selena sa harap ng tao dahil sinasanay na siya ng kanyang mga magulang kahit sa simpleng pamamaraan. Magsasalita na sana si Selena ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon ang hindi inaasahan ni Selena.


"Sobrang swerte naman natin! Classmates natin ang buong Empire!" Sabi ng isang estudiyante sa klase.


Nang pumasok sila sa loob ng klase ay nanghingi pa sila ng tawad sa guro dahil nahirapan raw silang hanapin ang kanilang klase at alam ni Selena na nagsisinungaling ang mga ito dahil napansin ni Selena na nakakunot ang noo ni Kathryn.


Alam na alam ni Kathryn na kapag pasukan ay inaalam ng nakakatandang kapatid niya ang kanyang section gayun din ang mga kaibigan nito pero eto sila at nahuli sa klase. Natutuwa ang lahat ng magbabarkada na magkakasama sila maliban na lang sa dalawang taong naroon: si Selena at si Demi.

High School Life (Dandelle Georgina's Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon