High School Life - Chapter 7

1 1 0
                                    

Walang mapangahas na magsalita habang umiiyak si Kathryn. Si Jason at Nicolai ay iniisip nilang may ginawang masama si Gerald kaya iniisip nilang sugurin ito ng magsalita si Kathryn at sinabi rito ang kanyang napagtanto.


"Mahal ka kasi niya." Sabi ni Jason. Doon naman nagtaka si Kathryn at si Nicolai.

"Paano mo naman naman?" Tanong ni Nicolai rito.

"Nanghingi kasi ako ng permiso sa kay Jason at sa daddy nil ana kung pwede ko siyang ligawan." Biglang sabi ni Gerald.

"Nangako ka sa akin, Gerald." Sabi ni Jason.

"And I keep it. Hindi ko siya pinakialaman sa gusto niya, hindi ko siya niligawan o ano man. I keep my distance as you've said, I just tease her every time the group are together." Nakataas na kamay ni Gerald habang sinasabi ito.

"Gerald, paano kung saktan mo si Kathryn? Paano kung bumalik ka sa dati?" Tanong ni Nicolai.


Lahat ng barkada ay bunso ang turing kay Kathryn kaya ganito na lamang ang tanong ni Nicolai kay Gerald. Napansin ni Kathryn ang mga mata nitong malungkot dahil sa Nakita niya ay kumirot ang kanyang puso.


"Hindi naman na maaalis sa akin iyan. Alam niyong kung ilang taon na kong walang nilalandi. Pinipilit kong alisin iyon pero hindi mawala-wala. Nakatatak na sa akin yung mga sinasabi nilang babaero, playboy, Casanova, at kung anu-ano pa. Alam ko lahat yun. Pasensya, Jason. Hindi pa nga ako nanliligaw pero umiyak na si Kathryn dahil sa akin." Sabi ni Gerald.


Ngumiti si Gerald pero hindi ganon kalaki at kitang-kita sa mga mat anito ang lungkot. Tumango naman si Gerald at umalis sa bahay ni Jason. Pipigilan sana ni Kathryn si Gerald pero nakaalis na ito at hindi na niya nahabol.


"Paano niya nalaman na magkapatid tayo, kuya? At paano nalaman ni Nicolai na magkapatid tayo?" Nagtatakang tanong ni Kathryn.

"Five months ago, nakita kong lagi ka niyang sinusundan ni Gerald pag-alis mo sa eskwelahan hanggang sa makauwi ka sa bahay mo at matutulog ka na. Niloloko ko siyang stalker mo at hindi siya na aasar hanggang sa pumunta rito sa bahay para hingin ang permiso ko na ligawan ka." Sabi ni Jason.


Hindi makapaniwala si Kathryn sa sinabi ni Jason kaya napagdesisyunan niyang kausapin si Gerald subalit hindi niya alam kung saan ito hahanapin dahil si Gerald ang pinakamailap na tao sa buong barkada.


"Kuya, I want to talk to him." Sabi ni Kathryn sa kanyang kuya.


Hindi alam ni Kathryn kung saan niya hahanapin si Gerald pero si Jason at Nicolai ay alam kung saan pupuntahan si Gerald. Dalawang lugar lang naman pupunta si Gerald at paniguradong hindi sa uuwi ito sa bahay niya.


Kahit gabi na ay pinuntahan ni Jason at Kathryn ang lugar kung nasaan si Gerald. Hindi na sumama si Nicolai dahil may gagawin pa raw ito at hindi na lang inalam nila Jason at Kathryn dahil maaaring tungkol ito sa organization na ayaw naman nitong makabilang.


Pagkarating nila sa lugar ay nagtaka si Kathryn dahil sa isang bahay sila pumunta subalit mukhang alam na alam ni Jason ang lugar dahil pinarada n anito ang kotse at tinuro nito ang kotse ni Gerald.


"Anong lugar ito kuya?" Tanong ni Kathryn.

"Lugar kung saan mo mas makikilala si Gerald." Sabi naman ni Jason.


Nakakunot ang noo ni Kathryn na sumunod sa kanyang kapatid at pagpagpasok nila sa loob ay nakarinig siya ng iba't-ibang sigaw ng bata. Paglingon niya Nakita niya si Gerald na nakikipaghabulan sa mga bata.


"Sabi na ng aba nandito ka lang." Sabi ni Jason. Doon naman napatigil si Gerald sa paghabol ng isang bata at napatingin sa kanila. Nakatingin ito ng matagal sa kanya bago nilingon muli si Jason. "Nasa bahay sila mommy at daddy kaya dito muna ako."


Nagtaka lalo si Kathryn dahil parang ayaw ni Gerald na makasama ang mga magulang nito. Magsasalita na sana si Kathryn ng may isang bata ang lumapit kay Gerald.


"Kuya kain na raw po sabi ni, sister."

Ngumiti naman si Gerald at saka nilingon sila. "Hindi na ko makikipag-agawan sa inyo, lods. May sumusundo na sa akin, eh." Pagdadahilan ni Gerald.


Nang bumalik ang bata sa loob ay niyaya naman ni Gerald sina Jason at Kathryn sa may paradahan ng mga sasakyan. Pagkarating nila sa may paradahan ay nagbuntong-hininga si Gerald.


"What are you guys doing here? Jason, gabi na mapano pa kapatid mo." Sabi ni Gerald. Sa sinabi ni Gerald ay kumirot ang puso ni Kathryn dahil parang diring-diring banggitin ni Gerald ang pangalan niya subalit iba naman ang nasa isipan ni Gerald. Ayaw ni Gerald na mawala ang kanyang pagtitimpi kaya hangga't maaari ay hindi niya ito tinitignan o tawagin man lang ang pangalanan nito.

"Gusto kang makausap ng kapatid ko." Sabi ni Jason at pumasok na ito sa kotse at naiwan sa labas si Kathryn at Gerald.


Hinihintay ni Gerald si Kathryn na magsalita pero mukhang nawalang ng dila si Kathryn dahil hindi na niya alam kung paano sisimulan ang kanilang pag-uusap. Sinulyapan ni Kathryn si Gerald at nakita niya itong nakatingin sa kanya ng masinsinan.


Habang hindi nagsasalita si Kathryn naaalala ni Gerald unang babaeng minahal niya subalit niloko lamang siya. Hinihiling ni Gerald na kapag niligawan siya ni Kathryn at sinagot na siya nito ay hindi siya lokohin tulad ng pangloloko sa kanya ng nakaraan niya.


Kathryn is from a rich family. I hope she is not like her.


"Gerald?" Tawag ni Kathrn. "I am sorry."

"Basted kaagad?" Sabi ni Gerald.

"Hindi, sa binasted kita. Nanghihingi ako ng tawad kasi hinusgahan kita, alam kong mali pero nahusgan kita. I should never ever judge a book by its cover and because I judge you, I got hesitated with my feelings. Earlier at the library, you help me a lot and then –"

"Nalito ka sa mga inakto o at sa panghuhusgang ginawa mo?" Tanong ni Gerald at tumango naman si Kathryn.

"I never told to anyone, why I became a Casanova for almost two years or less. I got betrayed and not cheated on, Kathryn. The first girlfriend that I courted and loved used my love for her to get my family's company. She doesn't love me, and my family knows about it but never stop me, because of that I've felt that I've betrayed them."


Sa pagkwento ni Gerald hindi napigilan ni Kathryn ang lumuha dahil maling-mali ang kanyang pagkakakilala. Ang naging dahilan kaya maraming napaiyak si Gerald ay dahil sa isang babaeng iyon.


"When I met you guys, I want to protect all of you. That is why I tried my best to change but whatever I do that title will never go away. I did that to myself, and I am paying for that consequence. Later, I fell in love again, but this time with you. I want to court but then I heard those girls saying bad things to you and saying that because of your characteristic you are perfect match to me. Hindi ako natuwa kasi ang sabi isang malandi at isang playboy bagay sa isa't isa, nasaktan ako. Kasi ikaw, hindi mo ginawa ang isang bagay para sabihan ka nga ganun pero sinabihan ka kaya tuwing uuwi ka o aalis ka ng bahay mo pinipilit kong sundan ka. Hanggang sa nalaman ko ang tungkol sa inyo ni Jason at nanghingi ako ng permiso para ligawan ka. He didn't agree to court you."


Sa kwento ni Gerald lalo siyang nagtaka bakit ayaw ng kuya niyang ligawan siya ni Gerald. Isa lang ang pumasok sa kanyang isipan at ito ay ang alamin ang nasa loobin ng kuya niya.

High School Life (Dandelle Georgina's Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon