High School Life - Chapter 6

1 1 0
                                    

"Kathryn, could we talk?" Biglang bulong ni Jason kay Kathryn. Tumango naman si Kathryn at pumunta sila sa labas ng bar kung saan nagsasaya ang mga barkada niya.


Sa lahat ng magbabarkada si Kathryn lamang hindi pwedeng pumasok sa bar na ito kaya lamang ito nakapasok dahil tiyuhin ni Kathryn at may ari ng bar.


"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Kathryn pagkalabas nila sa bar.

"Tungkol kay Gerald." Sabi ni Jason at nanlaki ang mata kaagad ni Kathryn. "Relax, hindi kita sesermunan o kahit ano. May gusto lang akong malaman."

"Ano yung, kuya?" Sabi ni Kathryn.

"May gusto ka ba kay Gerald?" Tanong ni Jason. Sa sinabi ni Jason ay lalong nanlaki ang mata ni Kathryn at biglang kumabog ang kanyang dibdib. "Simpleng payo lang, alam mo ang dating reputasyon ni Gerald at alam nating hindi na siya ganoon pero mahirap ng masabihan ka. Alam mo naman ang mga sinasabi sa'yo ng tao."

"Hindi ko –"

"Don't lie to me. Kathryn," lumingon muna sa kaliwa't kanan si Jason bago bumulong. "Kuya mo ko. Magkapatid tayo sa ama at kahit anong mangyari proprotektahan kita. Gusto mo bang sabihin ko 'to kay kay ate Kim?"

"Kuya naman."

"Kaya nga, nahahalataan kita na may gusto ka. Ayos lang naman sa akin na magkagusto ka pero yung inaakto mo parang hindi na tama. Parang sinusunod mo ang mga komento sayo ng tao." Nalungkot bigla si Kathryn at nagbuntong hininga.


Kathryn is being called slut, whore, and any term that is associate to those words. Hindi man pakita ni Kathryn na nasasaktan siya pero nasasaktan siya sa mga komento ng tao sa kanya. Ngayon pa na nagkakagusto siya kay Gerald lalong dadami ang komento sa kanya ngayon pa at hindi niya mapigilang magpapansin rito.


Alam ni Kathryn na nag-aalala lamang sa kanya si Jason dahil nakakatanda niya itong kapatid. Oo, kapatid lamang niya ito sa ama pero isa pa rin siyang Poe at malaking eskandalo kapag malaman ito ng kanilang ama. Kapag nalaman rin ito ng nakakarami ay mapipilitang umuwi ang kanyang ate Kim galing sa Korea dahil isa siya sa mga exchange student ng Aberdeen Empire Academy.


"Ilang buwan na lang Kathryn, eighteen ka na. Kahit hanggang doon lang ang paghihintay mo." Tumango si Kathryn. "Halika na, iuuwi na kita. Hanapin ka pa ng mama ko baka ako pagalitan." Tumango na lamang ulit si Kathryn.


Pumasok sila sa loob at nagpaalam sa barkada na kailangan na nilang umuwi. Lahat naman ng barkada maliban kay Gerald at Demi ay nagtataka na magkasamang umuwi si Jason at Kathryn.


"Sila ba?" Tanong ni Selena.

"Imposible." Sabay na sabi ni Gerald at Demi. Napalingon naman silang dalawa sa isa't-isa.

"May alam ba kayong dalawa?" Tanong ni Miley.

"Panigurado may alam yang dalawang yan." Komento naman ni Aldred.

"Hayaan niyo na kung may alam sila o wala. Kung sila o hindi, relasyon nila iyon." Sabi na lang ni Nicolai at sumang-ayon naman ang lahat.


Ilang oras pang nanatili ang barkada sa bar at umuwi na sila sa kanilang mga bahay na may ngiti sa mga labi dahil magkabati na si Selena at Nicolai.


High School Life (Dandelle Georgina's Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon