High School Life - Chapter 8

1 1 0
                                    

Matapos ang usap ni Kathryn at Gerald ay umuwi si Kathryn na may kaunting nalalaman kay Gerald. Habang si Gerald naman nadatnan niyang nag-aaway na naman sa kabilang kwarto ang kanyang mga magulang kasama ang kanyang tiyuhin at sinisisi na naman siya ng kanyang tiyuhin sa paglugi ng kompanya ng kanilang pamilya.


Ilang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay sinisisi pa rin siya ng kanyang tiyuhin at minahal niya iyong babaeng iyon. Sa sobrang bigat na ng kanyang damdamin at hindi na niya alam kung kanino siya hihingi ng tulong ay gumawa siya ng isang bagay na hindi nararapat.


Kinabukasan pagpasok nila sa eskwelahan ay nagulat ang buong barkada na may benda ang kaliwang pulsuhan ni Gerald at pinagtatakahan ng lahat mukhang hindi naman ito nabalian.


"Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Kathryn.

"Wala 'to." Sabi ni Gerald pero hindi naniniwala ang barkada.


Matapos ang klase ay hiniling ni Nicolai na magkita-kita sila sa tambayan nila dumating ang lahat maliban kay Gerald. Kung sino pa ang kailangan nilang daluhan ayun pa ang wala. Kaya napagdesisyunan nilang pumunta na lamang sa bahay ni Gerald at laking gulat ng mga babae na alam ng mga lalaki ang bahay ni Gerald.


Pagkarating nila roon ay sinalubong sila ng ina ni Gerald. Nakilala kaagad nito ang mga lalaki subalit hindi ang mga babae.


"Tita, this is my girlfriend Selena Empire, and our friend: Demi Perez, Miley Cruz and Kathryn Cupido." Pagpapakilala ni Nicolai at lahat sila bumati rito.

Kapansin-pansin ang mga titig ng ina ni Gerald kay Kathryn at naiilang si Kathryn. "Your last name sounds familiar." Sabi nito.

"Tita, mommy po ni Kathryn yung sikat na fashion designer sa Cupido's House of Fashion." Pagkwento kaagad ni Jason.

"Sabi na nga ba. Anyway, Gerald is upstairs, and he don't want to be disturb." Malungkot nasabi ng ina ni Gerald.

"Tita, gusto lang naman naming malaman kung anong nangyari sa kanya dahil pumasok siyang may benta." Paliwanag ni Nicolai.

"Mga hijo, unang beses 'tong nangyari.at gusto ko siya ang magsabi." Sabi nito at tinapit ang balikat ni Nicolai. Umalis naman ang ina ni Gerald pero bago ito umalis ay binilin sila sa isang butler.


Hinatid naman sila ng butler papunta sa kwarto ni Gerald pero kapansin-pansin ang tingin ng butler na ito kay Kathryn at naiilang siya. Pagpasok nila sa kwarto ni Gerald ay kitang-kita nila ang braso nitong walang benta pero kitang-kita rito ang napakalaking sugat at tinahi iyon.


Sa nakita ni Kathryn ay may ideya na siya kung anong nangyari kay Gerald at hindi siya nagkamali sa naisip niya. Tanging naisip na lamang ni Kathryn kung gaano kabigat ang nararamdaman nito at gusto niyang makatulong rito.


Matapos nilang puntahan si Gerald ay nagpaalam si Demi na kailangan na raw niyang harapin ang matagal na niyang gusting harapin.


"Do you need us to be there?" Tanong kaagad ni Selena na alam ang ibig sabihin ni Demi.

"Hindi na. Kailangan kong harapin iyon mag-isa." Sabi ni Demi. Sa munting pagpapaalam ni Demi ay nakatingin lamang si Jason at hindi kumikibo. Nang maka-alis ang sasakyan ni Demi ay lahat tinignan si Jason.

"Hindi mo ba siya susundan?" Tanong ni Kathryn sa nakakatanda niyang kapatid.

"Kahit sumunod ako ipagtatabuyan niya ako. Susuportahan ko na lang siya sa malayo." Sabi ni Jason.

"Ano bang nangyari sa kanya?" Tanong naman ni Nicolai.

"Hindi mo sinabi sa kanila, Jason?" Tanong ni Miley at umiling ito.

"Tatlo kaming hindi nakakaalam. Fill us in, please?" Tanong ni Aldred.

"We broke up because she was raped."

High School Life (Dandelle Georgina's Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon