High School Life - Chapter 3

3 1 0
                                    

Nakatanggap ng mensahe ang buong barkada kay Nicolai pagkatapos ng ilang oras matapos ang klase. Dumiretso naman kaagad sila sa nakalagay na lugar kung saan sila magkikita-kita. Ito ang unang beses nilang magsama-sama (maliban kay Selena) matapos ang kaarawan ni Nicolai. Alam ng barkada na mahal ni Nicolai si Selena at ganoon rin si Selena kay Nicolai subalit hindi nila mawari kung bakit paniniwalaan ni Selena si Faith.


"May naisip na kayong paraan para magkaayos sila?" Tanong ni Gerald ng makaupo sa tabi ni Kathryn.

"Bakit hindi mag-share. Isa kang babaero panigurado marami kang alam sa pagpapabilog ng ulo ng babae." Sabi ni Kathryn.

"Hindi ako babaero, friendly lang ako." Sabi ni Gerald na halatang iniinis ni Gerald si Kathryn.


Simula pa noong nakaraang taon ay pilit ng inaasar ni Gerald si Kathryn at pikon naman ang huli. Walang nakaalam ng dahilan maliban na lamang kay Jason na iiling-iling tuwing aasarin ni Gerald si Kathryn.


"Magkakapikunan naman kayo. Tumigil na nga kayo." Sabi ni Jason at pinatayo nito si Kathryn upang magpalit sila ng pwesto.


Sa magkakaibigan si Jason ang tinuturing na kuya ng lahat dahil sa inaakto nito at siya rin ang pinakamatanda sa alahat. Halos malapit na siyang maglabinsiyam na taong gulang habang sila ay nasa edad na labing-walo at si Kathryn ang bunso na maglalabing-siyam na taong gulang pa lamang.


"Gerald naman kasi, alam mo namang pikon si Kathryn lalo pang pinipikon." Sabi ni Miley na umikot pa ang kanyang mata para ipakita kay Gerald ang iritasyon nito ngunit tumawa lamang ang huli.

"Mabalik tayo," sabi ni Aldred. "Paano natin igigitgit kay Selena na hindi siya niloko ni Nicolai." Dugtong pa nito.

"Basta ang alam ko seryoso siyang mapatawad ni Selena. Pinuntahan niya si abuelo." Sabi ni Demi.


Sa sinabi ni Demi ay lahat ng naroon maliban kay Nicolai ay nandilat ang mga mata na halatang gulat na gulat.


"He went to the dragon's den?" Gulat na tanong ni Aldred. Tumango naman si Demi.


Alam ng lahat na magpinsan si Selena at Demi, at nakatira si Demi sa kanyang abuelo simula ng pumanaw ang mga magulang ni Demi ay nakatira na siya sa kanilang abuelo kaya ganoon na lamang ang pag-aalala ng mga tao sa bahay ng kanilang abuelo kapag nawala siya roon. Alam rin nila kung gaano kahigpit ang abuelo nila Selena at Demi dahil ito ang pinuno sa lahat ng pinuno ng The Great Dynasty organization at hinarap ito ni Nicolai gayong alam nito na hindi sila pwedeng magkaharap.


"Nicolai is an Orca organization's second in line to the position which happens to be Aberdeen Empire's rival organization." Bulong na sabi ni Aldred.

"Alam niyo naman si Nicolai ayaw niya sa Orca pero napipilitan siya dahil hindi siya graduate pa." Sabi ni Gerald.

"At alam niyo rin na kapag umalis siya sa Orca number one most wanted siya sa buong miyembro nung organization na yun." Sabi naman ni Miley na may pag-aalala sa kanyang tono.


Matagal ng magkalaban ang Orca organization at ang The Great Dynasty organization. The Great Dynasty protects people at the cause of their souls while Orca organization want power at the cause of the people around them. Selena and Demi's grandfather, Aberdeen Empire is the current King of The Great Dynasty while Nicolai's father Jonas Empress is the current King for Orca.


"Wala akong pakialam kung kinausap ko ang dragon." Nagulat ang lahat ng biglang umupo si Nicolai sa bakanteng upuan.

"Buti hindi ka pinatay ng hari." Sabi ni Jason. Nagkibit-balikat naman si Nicolai, "hindi pa naman raw kasi ako miyembro ng organization ng tatay ko kaya pwede pa niya kong buhayin."

"Pare, gusto mo ng death wish? Kasi kami rito muntikan ng atakihin sa sinabi ni Demi tapos ikaw parang wala lang?" Sabi naman ni Gerald.

"Chill. Ano ba naman kayo, pinuntahan ko lang siya para i-explain yung side ko at alam yun ni Demi." Nilingon naman ni Nicolai si Demi at tumango ang huli. "Hindi pa nila ako pinatapos kasi." Paliwanag naman ni Demi.

"See. Don't worry, I already ask my dad about Faith. Let just hope she will not interrupt us." Hiling ni Nicolai.


Tumango na lamang ang mga kaibigan ni Nicolai subalit mayroong duda ang mga ito dahil sa maaaring humiling ang ama nito ng pabor kay Nicolai na may tungkol sa Orca kaya ito na huli sa kanilang pagtitipon ngayon.


Habang nagpaplano sila ay napatingin si Aldred kay Miley saka niya tinignan sina Jason at Demi na nagnanakawan ng tingin. Habang nakita ni Aldred na maya't maya ay tinitignan ni Gerald si Kathryn.


Napansin naman ni Gerald si Aldred na nakatingin sa kanya kaya tinignan niya rin ito na may tanong sa kanyang mukha. Umiling na lamang si Aldred subalit may ngisi ito sa labi at kinabahn si Gerald.

High School Life (Dandelle Georgina's Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon