"Val! Dito!"
Hinanap ko ang boses ni Maxine sa labas ng 7/11 at tumabok papasok sa loob nang makita ko itong kumakaway sa'kin. Nang makapasok, agad ko namang binaba ang gamit ko sa lamesa.
"Grabe naman yang prof niyo, laging OT ah." Aniya.
Umupo ako sa upuan at umubob sa lamesa. Tama nga si Maxine, grabe na talaga si prof! Laging over time! Hindi niya yata alam ang early dismissal! Paano ba naman, kapanahunan niya pa yata ang mga dinosaurs!Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis, good thing nalang isang subject lang ang papasukan ko this day."Oh nag text na sakin si Lee, ma-lalate daw siya. Haba daw ng pila sa LRT." Lagi namang late si Lee sa mga meet up namin, kaya hindi na kami magtataka kung may palusot s'yang ganap.
Kinuha ko ang tubig ni Maxine at inubos ito ng isang lagukan. "Ay! Grabe ah hindi pa ako nakakainom, hindi mo man lang ako tinirhan?"
I shook my head and took a deep breath to calm myself down and ignore Maxine for a minute. Hinubad ko ang ID ko at sinuksok ito sa loob ng bag ko, as well as my stethoscope. "Ayoko na talagang mag lakad!" Reklamo ko habang pinapay-payan ang sarili dahil sa init.
"Wala kabang payong na dala? Akala ko lagi kang handa whether bumagyo or umulan?" Pag tanong niya. I looked at her and give her my best sarcastic smile I could ever show. "Well, someone borrowed it last week to give it to her crush. Any bell can ring?" Tumingin siya sakin at napatawa nalang dahil alam niya kung sino ang tinutukoy ko.
"Gutom kana ba? Gusto mo?" Inalok niya sakin ang walang laman na tsitserya, trying to change the subject. Inirapan ko nalang siya at kinuha ko nalang ang cellphone ko checking for any texts.
"San ba tayo mag lu-lunch? Jollibee ba? Or dito nalang?" I looked at Maxine once again, na ngayon naman ay namamapak ng gatas.
"Ang tanda mo na para d'yan, namamapak ka parin ng gatas? Hindi kaba na hihiya?" I asked.
Inirapan lang ako neto at ipinagpatuloy ang pamamapak ng sachet ng gatas. Hindi mo a-akalain pero, this person is a medicine major. Dugyot nga lang.
"At least gatas pinapapak ko, hindi kagaya ni Lee na puro lalaki lagi ang pinapapak." May point nga naman siya.
"Starbucks nalang kaya tayo?" Maxine requests. Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang wallet ko, I checked my money kung may pang gagastos pa ako. 500 nalang ang allowance ko, di na kaya para sa Starbucks. I shook my head and sighed.
500 pesos is my allowance for the rest of the week, kaya hindi pwede gumastos ng malaki. "To expensive, plano ko kasi 50 pesos lang gagastusin ko per lunch."
"Treat ko." Umiling ako at binalik ang wallet sa loob nang bag ko.
"You're spoiling me too much, Maxie." She rolled her eyes on me and continued to finish the milk.
"Hindi naman kita sinisingil eh."
"Kahit na. Hindi naman kasi pu-pwede na lagi mo akong ililibre." Umubob nalang ulit ako hanggang sa naka tulog. After 25 minutes, naka dating nadin si Lee.
Binaba niya ang hawak hawak niya laptop at umupo sa tabi ko. "Kung hindi lang ako coding ngayon, siguro hindi ako amoy araw!" Reklamo niya.

BINABASA MO ANG
Heart Strings
RomanceValerie, a 21-year-old college nursing student, visits the Municipal Hall of Manila, expecting nothing out of the ordinary. But when she unexpectedly crosses paths with a strikingly handsome stranger, she can't help but be intrigued. His presence ca...