Chapter 02

12 2 0
                                        

"Nak!" Napatingin ako sa likod ko at nakita si mama bitbit-bitbit ang basket ng paninda niya.


"Ma, sorry ngayon lang ako naka dating." Umupo si Mama at inabot ko agad ang tubig na binili ko kanina. "Hay nako, ako nga dapat ang mag sorry, madami kasing bumili sa loob kaya natagalan ako." Pahingal niyang sinabi. Sinabi ko naman na kasi kay Mama na tumigil muna siya sa mga sidelines niya, pano siya gagaling neto kung ayaw n'ya akong pakinggang?"Naka inom kana po ba ng gamot n'yo? Baka mamaya hindi pa po kayo umiinom?" Tumango si Mama at muling tumayo.


Kihuna ako ang basket at ako na ang nag bitbit neto at naglakad papuntang sakayan ng jeep."Oo nga pala anak, tumawag sakin ang Papa mo. Punta daw tayo sa bahay nila, welcome party daw para sa Kuya Luke at Kuya Lanz mo."


They're back? OMG! They are really back! Teka, dapat isuot ko yung binili nila sakin last month sayang naman kasi kung hindi nila makikita na suot ko yun."Magkikita na din kami after a year!"



"Kaya dapat pag uwi natin ay maghanda na tayo, susunduin daw tayo ng driver nila. Love na love ka talaga ng Papa mo." Masayang bigkas ni Mama.


Napa ngiti nalang din ako sa sinabi niya. My Mama may not give me something expensive, pero the way she sacrifice her career for me is something meaningful for me and her. "Ma, Okay lang ba sa inyo na ganito nalang kayo?" Pagiba ko ng usapan.


Tumingin siya sakin. "Na ano anak?"


"Na sinuko mo lahat, yung mga pangarap mo sa buhay." Ngumiti siya sakin at tumigil sa paglalakad.


"At sino namang nag sabi na sinuko ko yung parangap ko sa buhay?" Napatigil din ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.


"Nung nabuntis ako sayo, dun ko na realize na ikaw na pala ang pangarap ko. Kasi lumaki ako na ako lang mag isa, walang kapatid, walang pamilya. Siguro ayun yung binigay sakin ni Lord, kasi ayun at ayun lang naman ang pangarap ko kahit nung nasa entablado pa ako." Binaba ko ang mga hawak hawak ko at niyakap nang mahigpit si Mama.


"Umiiyak kaba? Aysus naman... Ang laki na talaga ng baby ko." Hinaplos niya ang ulo ko habang pumapatak ang luha ko isa isa.


"Tara na, tama na ang drama. Baka hindi na tayo umabot n'yan sa party." Bumitaw ako sa pag kakayakap at natatawang humarap kay Mama habang pinupunasan ang basa kong pisnge. Muli kong kinuha ang mga gamit sa sahig at nag patuloy maglakad papuntang sakayan ng jeep.


Mahigit 20 minutes ang byahe namin mula city hall to apartment ni Mama, kaya naman ay naka idlip pa ako ng saglit dahil sa antok. Nang makababa, nag lakad pa kami ni Mama palooban since nasa kabilang kalye ang inuupahan ni Mama. "Mauna kanang pumasok, bibli lang ako ng shampoo." Tumango ako at pumasok sa loob ng bahay at inisa-isa ang mga bitbit namin paloob.


This place really never gets old. It's been a month since the last time I stayed here, why? midterms! Kaya lang naman ako pumayag mag karoon ng sariling apartment is beacause sobrang layo ng inuupahan ni Mama sa University ko, kasi minsan anim na beses akong pumapasok sa isang linggo. Baka sa susunod na sem, sa Uni na ako naka tira. Madami na ngang babayaran sa mga gamit ko sa pagnu-nurse ta's dadagdagan ko paba ang problema ni Mama? Kapal ko na non.


"Joey!" Binuhat ko ang alagang pusa ni Mama at tinadtaran ito ng mga halik sa mukha. "I've missed my baby! How are you? Tumaba ka, miss mo rin ba ako?"


Heart StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon