Chapter 10

12 0 0
                                        

Dali dali akong tumakbo sa hallway since na late na akong nagising. Bagong semester, bagong schedule! Pero ayos lang yun sakin since pasok naman na ako sa dean's list! "Hi Valerie! Goodluck sa first day!" Sabi ng nakasalubong kong nursing student.


"Sorry, maya tayo chika!" Pag sagot ko habang natakbo. Nang makarating sa room ikinalma ko ang sarili ko dahil sa hingal ko na para bang aso.


"Cruz? Present ba si Cruz?"


"Present po!" Pagsigaw as soon as I arrived inside the room habang naka taas ang kanan kong kamay. "First day, tapos, late?" Pag taas ng kilay ni Prof sa akin. "Traffic po sa Edsa Ma'am, kaya po late." Pagrarason ko.


"Okay, but please agahan next time." I nodded my head and proceeded to enter the room. Umupo ako sa sulok kung saan ako madalas umuupo, since dun ang pinaka malamig na pwesto sa lahat. Kaya lang naman walang naupo dito ay dahil mas gusto nila na nasa harapan, mga worthy for latin honors.


Nilibot ko ang mga mata ko, checking kung may panibago ba kaming saltak na irregular dito. I mean, hindi naman yun bago sakin; just making sure na kilala ko ang mga mukha ng classmates ko for this semester, baka kasi mamaya may pa groupings tas hindi ko man lang kilala yung taong i-pair sa akin.


"Gomez, check. Herra, check. Manipol, check. Agot, check—oh? May bago nga?" Naningkit ang mata ko since naka upo siya sa bandang gita. He was wearing the male nursing uniform, obviously! Pero, his face seems familiar... para bang nakita ko na talaga yang mukhang yan!


Humarap ka.


Haharapn nayan~~


Tumingin siya sakin at—sinasabi ko na nga ba eh! Familiar ka talaga kuya! That brown hair dude—he was the one nung nakaraan! Si gago!


Tinaasan ako neto ng kilay at muling ibinalik ang atensyon sa unahan. Taray mo ah! Dutdutin ko kaya yang mga mata mo?


"Sungit ah, as if patay na patay ako sa kanya!" Bulong ko sa sarili ko at muling ibinalik ang atensyon sa unahan.


Matapos ang mahigit dalawang oras sa unang subject na 'to, nanguna na akong lumabas ng room since gutom na gutom na ako.  Akala ko introduce yourself lang ang gaganapin, deretsong discussion agad si Ma'am! Hindi man lang nag pa warm up ng mga utak namin.


"Balik daw sa room si Sanchez at si Cruz!" Tumigil ako sa kalagitnaan ng hallway at napatingin sa sumigaw ng pangalan ko. Ano na naman?! 'Di pa ba sapat ang dalawang oras na klase?!

Nag martsa ako pabalik sa room na may sama ng loob, sino ba naman ang hindi magagalit sa ganon?! Pagdating sa pinto agad akong napatingin kay sungit.


So, siya pala si Sanchez?


I'm not gonna lie, matangkad siya, pogi—medyo hawig niya si Robert Pattinson pero much handsome version! Then yung brown hair niya na naka slicked back, keri naman ang face. Minus point ka sa sama ng loob ko.


"Oh Cruz, okay please close the door and sit beside mister Sanchez." Sinunod ko ang utos ng prof namin at umupo sa kaliwang side ni sungit. "I choose you two for our representatives for the intramural!"


Nanlaki ang mga mata ko at hindi makaimik sa narinig na anunsyo. Is prof being for real? Bakit ako? Eh may muse naman kami ah! Pati, bakit siya pa? Ang beauty ko ay di dapat pinapareho sa mga masusungit na ugali!


"Ma'am, pwede po bang hindi na po ako ang isali n'yo d'yan? Bakit hindi nalang po si Lei? Siya naman po talaga ang muse ng klase eh."


Napakamot nalang sa batok si Ma'am at nginitian ako. Alam ko na 'to, don't tell me ang council ang nag sabi? Please don't...


Heart StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon