"Ring ding dong~ Ring ding dong~"
Nagising ako ng cellphone ko. Tawag? Text pa lang yun noh.
Binuksan ko yung text at binasa: Sama ka mamaya. Punta daw MOA. -Michael
Nagreply ako agad sakanya: Sige, salamat dude.
Pagkareply ko tinignan ko orasan at nagulat ako. 2 am?! Bakit pa kaya gising yung ugok na yun? Chicks nanaman siguro inaatupag. Natulog ako agad, madami pa kong gagawin noh.
.
.
.
.
"Princess! Gising na!" Ginigising nanaman ako ng napakabait kong kuya. Hay nako kuya Prince! Cool ba? Prince at Princess Villariza.
"Anong oras na ba kuya?" Tanong ko sakanya habang kinukusot ko mga mata ko.
"1 pm na po senyorita. Anong oras ka ba natutulog ha? Dahil wala lang pasok kaya puyat ka ng puyat." Porque wala na kaming parents si kuya ang gumaganyan sakin araw-araw. Ganyan din ako sakanya pag siya naman may ginagawang mali. Salitan kami kumbaga.
"Kuya, nagising ako kagabi dahil kay Michael okay? Nagtext siya na aalis daw kami ngayon. Ay potchi! May lakad nga pala kami!" Tumakbo na ko papunta sa banyo nung naalala ko na may pupuntahan ako.
Naligo ako ng mabilis. Di na pwedeng magbagal bagal at baka hinihintay na nila ako. Sinuot ko yung typical outfit, skinny jeans plus shirt. Sinaksak ko sa maliit na bag ko yung wallet at cellphone ko tapos dumiretso naman ako sa sala kung nasaan ang dining table namin. Nakaupo si kuya dun habang nanonood ng TV.
"Di ka aalis hangga't di ka kumakain," utos ni kuya sakin.
"Ehhhh~ Kakain nalang ako sa MOA ok kuya?" Nag-pout ako at nagpacute para payagan na niya kong umalis.
"Princess, malaki ka na pero parang bata ka parin." Sabi niya sakin habang ginugulo ang buhok ko.
"Hay nako kuya! Aalis na ko, bye! Love yah!" Paalam ko sakanya. Nagmadali akong lumabas ng bahay para di ko na siya marinig na tumutol. Sumakay na ko ng jeep para makarating na sa meeting place.
Ako nga pala si Princess Villariza. 16 year old girl na. Paglaki ko gusto kong maging teacher. Si kuya naman, naging president ng kompanyang tinaguyod ng pumanaw na parents namin. Ever since na nag-graduate siya, siya na tuluyang nagmana nun. Ako? Gusto nilang magkaroon ako ng interests sa family business pero ayoko at hindi nila ako napilit. Pero miski big girl na ko eh baby pa rin trato ni kuya sakin. Pag boboyfriend? Nasubukan ko naman pero sa huli sasabihin lang sakin ni kuya na tama siya at mali ako.
Pagkadating ko sa mall, tinawagan ko agad sila Michael. Sabi nila na sa may The Racks na daw sila kaya pumunta na lang ako dun. Ginawa ko ang sinabi niya at nakita kong kumakain na sila sa loob. Kompleto halos ang barkada:
Si Michael Herras ay ang kaibigan kong 17 years old na. Nursery pa kami nung nagkakilala kami pero simula nun? We were the best of friends. Madalas pa nga kaming napagkakamalang magkapatid eh. Makulet siya, matakaw at kuripot.
Carmina Cuevas, 17 years old. Kaklase ko siya since nung elementary days namin. Maganda din yan, ang daming nakapila. Masipag mag-aral at magaling kumanta. Lagi akong dinadamayan niyan, mapatawanan man o iyakan.
Joshua Reyes, 17 years old. Eto yung matapang samin pero mabait at sobrang matulungin.
Isabelle Perez, 15 years old. Isaw ang tawag namin sakanya. Siya ang baby ng grupo namin dahil siya pinakabata. Mainisin siya pero magaling mag-isip ng mga bagay bagay. At dahil siya pinakabata eh siya madalas pinagtatanggol at pinakaclose ko. At pinakaclose ko siya dahil tinutulungan ko siya sa crush niya kay Michael.