After an hour, kumain nanaman ako. Pinagluto ako ni kuya eh. Pagkakain naligo na rin ako agad at nung chineck ko yung cellphone ko at nakita kong 6 messages. Tatlong GM tapos yung isa unknown number.
09xxxxxxxx: Annyeong Princess!
Yung dalawa? Galing kay Chris.
Chris: Sorry kanina.
Chris: Galit ka pa rin ba?
And I was like, o___O Are boys really that clueless? Sarap sapakin eh. Pfft. Nagreply ako sakanya nonetheless.
Me: Di, ok lang. Np.
Pagkatapos tinignan ko ulet yung unknown number at naisip ko na baka si Aiden yun.
Me: Aiden, num. mo 2?
And you know what? Nagreply agad.
09xxxxxxxx: Yes, save mo na. Bat ngaun lng u nagrep? Bc ba?
Me: Sorry, kakain at kakaligo ko lang uli eh. Sinave ko na.
Aiden: Good, l8ers na lng ha. I'll call you. :)
Linapag ko na yung cellphone ko. Natatawa kasi may lalaking nagtutuon ng pansin sakin. Pagkatingin ko pa sa Facebook ko eh may friend request galing sakanya. Pero siyempre mahirap ng magkagusto, di ko pa naman kilala ng husto yung tao. Miski pinsan pa siya ni Isaw. Galing siyang ibang bansa, iba ang values dun. Nakaka-grrr. Naalala ko nanaman yung paghawak niya sa kamay ko kanina. Kinikilig ako, pero still. Nababanas pa rin. Naglaro pa ko ng Battle Realms, I know ang laos ko. Eh sa yun lang alam kong laruin eh. Tapos nag ring naman cellphone ko.
"Sorry sorry sorry sorry~ Naega naega naega meonjeo~" Natawa pa ko kasi napasayaw pa ko bago ko sagutin, pero natigilan ako nung nakita kong pangalan ni Aiden ang nakalagay sa screen.
"Hello? Aiden?"
"Yep, hi Princess!" Masayang bati niya sakin. Napatawa ako, parang bata kausap ko.
"Bakit naisipan mong tumawag? Nakaunli ka?" Tanong ko sakanya.
"Oo, nagpaturo ako kay Isaw eh. Gusto ko kasing subukan." Paliwanag ni Aiden sakin.
"Aba, bakit parang lahat sakin mo sinusbukan?" Birong tanong ko sakanya.
"Wala lang magawa. Saka di naman masama kung susubukan eh.” Reply naman sakin ni Aiden. Not the reply I was really hoping for but why expect right? Friendship is the only thing I should and could offer.
Napatelebabad kami nitong si Aiden, thirty minutes din tinagal. Kung di siguro ako tinawag ng kuya ko eh baka umabot pa yun hanggang sa inantok kami. Naka Super150 kasi tong si Aiden kaya chika to the max kami. Tinawag ako ng kuya ko kasi Minsan Lang Kita Iibigin na. Gabi gabi pinapanood namin ang gwapo kong asawa. Haha! Kung gano ako kapatay na patay sa mga Koreano, ganun din kay Coco. Pagkatapos naming manood, nagtimpla naman ako ng gatas namin ni kuya at dumiretso na sa kwarto ko. Nakahiga na ko nung may nag-text.
Chris: Hey, ano ibig sabihin ng abdicate?
Hayyy. Eto nanaman yung lokong yun, pag may kailangan lumalapit. Pero siyempre kailangan magpakabait.
Me: Abdicate - give up either position or power.
Nag-beep nanaman cellphone ko. Another text.
Aiden: Goodnight Princess. Dream of me? ^^
Napatawa ako. Kinilig din siyempre. Aiden talaga oo. Tapos may isa nanamang text.
Chris: Thanks.
Ang cold noh? Psh. Kung ako sa lalaking yun makokonsensiya ako pero noooooo~. Talagang ganun yung lokong yun. Di ko na siya pinagaksayahan sabihan ng NP. Si Aiden nalang nireplyan ko.
Me: Stop your cheesiness. You must be reeeeeaaaally sleepy. Goodnight din! :)
I put my phone to silent mode to rest in peace. Antok na ko eh, ayoko ng magpuyat. I've got things to take care off.
Days passed, panay text at usap kami ni Aiden sa cellphone. Kinukulet nga ako ni Isaw na baka maging "cousin-in-law" ko daw siya if there's such a thing.
Ang bilis talaga ng panahon! After three weeks tapos na ang masasayang araw namin. Tinawagan ko si Jia, yun yung kaklase naming galing sa bakasyon niya mula China. Swerte noh?
Jia Tan, a seventeen year old half-Chinese half-Pinoy girl. Mom niya Filipino, and her dad was from Chinatown. Kakauwi lang niya galing China kaya di namin siya nakasama nung nag-MOA. Kasundo ko siya, lalo na pagdating sa K-Pop. Pag may problema ako, no matter how she seems so inexperienced eh papayuhan niya ko ng advices na super correct.
Nung nakausap ko siya tama daw timing ko kasi pupunta daw siya nung boyfriend niya sa National Bookstore, sama na daw ako. Nahiya ako bigla, kako baka nga naman nakakaistorbo ako sa date nila. Pero sabi niya maiintindihan naman daw ni Rafael. Kung di ko lang talaga kabarkada yung dalawang yun eh di ako mapapa-oo ni Jia.
Rafael Bautista, sixteen years old naman. Siya ang boyfriend ni Jia. One year younger siya sakanya pero they don't care. Love huh? Unlike most couples, they are not very sweet. Sabi nila di naman daw kailangan nun eh. And you know what? That's the best kind of relationship you can find yourself in. Si Rafael as an individual ay makatao. Proud Christian and very intelligent. Gwapo din yan siyempre. Bagay na bagay sila ni Jia.
Usapan namin magkikita nalang kami dun. And habang naghihintay ako, I bumped into someone.
"Oh Princess, andito ka pala."
