Chapter 3

140 0 1
                                    

"Jeremy?" Yan lang ang kinaya kong sambitin nung nakita ko yung taong nabangga ko. You see, ang lalaking toh ang unang naging ka-close ko other than kay Michael. Jeremy Molina ang pangalan niya, seventeen years old. Bago ako nagkaboyfriend, siya lagi kong kasama. Busy si kuya Prince nun, siya yung andun para sakin. Miski sa bahay nag-stestay siya. Lahat lahat actually, parang bahay na rin nila ang bahay namin. Dala dala niya little bro niya at dun sila natutulog. Ninang ko nanay nila Jeremy, they saw me as their own daughter ever since namatay mama at papa namin ni kuya. Kaya di naging problema ang pag "tira" nila samin. Bumibisita nalang sila ninong at ninang tuwing kukunin si little Jay pag papasok kami. At pag uwi ihahatid nila. Busy din sila ninang because like our deceased parents, they were handling different kinds of businesses. Sila pa nga nagturo kay kuya pano patakbuhin ang kompanya eh, since they were in one alliance.

Di naman ako na-carried away sa pagkekwento noh? Back to the real world......

"Uy! Princess," sabi ni Jeremy habang pinopoke braso ko.

"Sorry, nagulat lang. Kailan ka pa bumalik?" Tanong ko sakanya.

"Ahh, kahapon lang." Matipid na sagot niya sakin. Galing siyang Rome, may inasikasong business dun sila ninang at sinama sila. Bago sila umalis may away kami ni Jeremy dahil kay Chris. I started avoiding and ignoring him. Miski sa klase ganun din ginagawa ko sakanya kahit seatmate ko siya. Nagkainitan narin sila ni Chris nun.

"Umm.. Sige, una na ko. Punta na lang ako sainyo mamaya." Paalam niya ng biglang dumating sila Rafael at Jia.

"Oh, Jeremy! Kailan ka pa dumating? Tanong ni Jia sakanya.

"Kahapon lang, musta na kayo?" Tanong naman ni Jeremy sa lovers.

"Eto, going strong. Miss ka na namin bro, huli ka na sa balita." Sabi naman nitong si Rafael.

Imbes na mamili kami nun, lumabas kami ng National at pumuntang Mcdonald's. Nawalan ng sense yung paglilista ko ng ipamimili. Pero andito na si Jeremy, kaya ok lang? I guess...

 Si Rafael at Jia ang pumila para umorder ng kakainin namin. We sat across each other... awkwardly..

"Balita ko wala na kayo ni Chris ah," sabi bigla ni Jeremy.

"Ay akala ko late ka na sa news, updated ka naman pala eh." Biro ko sa kanya. Pero di siya tumawa...

"Sabi ko sayo wag kang nagboboyfriend ng tira tira eh. Magkakaklase pa naman din tayo. Musta kayo ni Cass niyan? Iniiwasan ka niya noon di ba?" Sabi ni Jeremy sakin. Tama siya, ako nanaman mali. Ang kasalanan ko lang naman yung minahal ko siya ng sobra. Masama ba yun? Oo, ako yung nasaktan sa huli... Pero atleast masasabi kong tapat akong nagmahal.

"Ayun, siyempre namamansin na siya ngayon. I guess ganun talaga. Tapos na, ano pang magagawa natin.. Kalimutan na yun, ibaon sa lupa." Reply ko sakanya. Di naman ako tanga para ibaon talaga sa lupa yun. Galit pa rin ako kay Chris at malabong mawala yun. Balang araw siguro, pero ngayon? HAH! Asa. 

"Bahala ka, ayaw mo kasing makinig sakin eh. Iiwanan ka rin niya, ganun ang ugali nun Princess. Don't even think na di ko alam mga kalokohan niyo. Kaya nga kita pinilit protektahan eh! Pero pinagtabuyan mo ko." Mahinang sabi niya sakin.. Nung una nagagalit na ko eh, kaso I know his intentions were good. Nakakabanas, nakakaasar! Sana nakinig ako. Nagpakatanga talaga ako, alam ko naman yun. 

Pinagpatuloy niyang magsalita, "sainyo ako titira sabi ni mama. Sa Rome na sila titira; binigyan nila ako ng freedom mamili. Basta daw kayo ni kuya Prince bahala sakin." Potchi. Argggh. Hanggang sa bahay aabot tong pagsesermon niya sakin. Aish.

"Eto na inorder natin!" Jia cheerfully said. 

"Kain na," sabi naman ni Rafael. Ang cute nung dalawa, nabanggit ko bang naka-couple shirt sila? Tuwa ako ohh. Haha! Pero para lang silang magkaibigan. Sweet pero di PDA. Uggh, don't you just hate that? PDA? Bitter nanaman ako. Lolsxz. Ganun kami ni Chris, linalanggam talaga kami ng bongga. Pero the heck, super naman yun. At the moment I didn't mind pero nahihiya naman ako nohh. Kaso yun. Tapos na diba?

Nagkukulitan sila na parang magbestfriends lang pero swear ang cute nilang tignan. Nakakainggit! Haha! Kami ni Jeremy? Ayuuuun. Ok na naman, di na awkward. Pero di rin masyadong naguusap nung kumakain. Nakikipagkwentuhan siya sa JiRaf couple. HAHAHA! Giraffe! XD Cute lang eh, ako na adik.

Nakikinig naman ako, ayokong sumali kasi busy bunganga ko sa kakalamon. Sa isang hotel para nakatira si Jeremy, sabi niya dadaanan niya mamaya mga gamit niya dun at magchecheck out tapos samin na tutuloy. Bakit kaya di itinawag nila ninang? Siguro sabi ni Jeremy siya na bahala. Stubborn talaga nitong mokong na toh. Nagkabalikan na daw sila nung girlfriend niya. Kaibigan din namin, Cheska ang pangalan. Nagkahiwalay sila dati kasi nawalan siya ng time para kay Cheska dahil inalagaan niya ko. Crush ko siya noon eh, kaso dumating si Chris at naibaling ko sakanya. Past is past sabi nga niya. Ganun naman lagi mga lalaki eh, madaling lumimot.

Iniwan ko sila, nagpaalam na ko. Kako next time na lang kami ulit mamili. Kasi tinatawagan na ko ni kuya, apparently tinawagan na siya nila ninang kaya kailangan ko ng mag-ayos ng bahay namin. Miski may kaya kami sa buhay ayaw akong i-spoil ni kuya. Pinapauwi niya ko, ewan ko. Pinagmamadali pa nga eh pero siniguradong bumili ako ng cake.

And when I got home? Kuya was pissed. There were two persons in deep tension waiting for my arrival. Gahhhd. 

When. does. the. agony. END?

Her Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon