Pagkapasok ko ng bahay nakita ko si Aiden at si Chris na nakaupo sa may sala namin. May pasa yung dalawa, nanlaki mga mata ko kaya linapag ko agad yung cake at tumakbo sakanila.
"Anong nangyari sainyo?!" Pasigaw kong tinanong.
"Tinatawagan kita, cannot be reached kaya nag-alala ako at pumunta dito. Kaso inabutan ko si kuya mo na sinusuntok si Chris kaya pumagitna ako. Tapos Prince accidentally punched me and he stopped. Up until now, kung di ka dumating di kami magsasalita," paliwanag sakin ni Aiden.
"Kuya naman, alam mo namang pag ginulpe mo si Chris para ka naring nag-commit ng animal abuse." Sarkastiko kong sinabi ng natatawa. Tumingin ako kay Chris na parang gulat sa sinabi ko. I told you I'm a different person, I won't let anyone take advantage of me anymore.
"Sorry?" Patanong na reply ni kuya Prince sakin. It seems na nag-cool down na siya. Good thing kasi CEO parin ng kompanya namin si kuya. Ayoko namang masira image niya di ba? Ng dahil lang sa isang kumag? PSH! NO WAY!
"Sorry," mahinang sabi ni Chris. "Mauna na ko."
Palabas na sana siya ng bahay ng biglang dumating si Jeremy dala-dala gamit niya.
"Oh bro, di naman makapal mukha mo noh?" Sabi agad ni Jeremy.
"Paalis na ko, welcome back." Sagot naman nitong si Chris.
"Wow, new look. Bagay sayo may pasa sa mukha. Lalo kang nagmumukhang hayop." Tuloy tuloy si Jeremy na pumasok ng bahay nang hatakin ni Chris ang kuwelyo niya.
"Di mo ba ko titigilan ha?!" Sigaw ni Chris sakanya. Ako naman ang nanghatak para awatin silang dalawa.
"Kung alam mo anong nakakabuti sayo umalis ka na. Kuha mo?" Sabi ko sakanya at tumungo siya.
"Bye." Paalam ni Chris bago tuluyang lumabas ng bahay.
Inasikaso ni kuya si Jeremy, sinamahan niya sa kwarto ko para ilagay yung gamit niya. Ganun nila kami ka-trust, ganun ko siya katrust.. Sadyang mabait talaga siya. Good boy in fact. At may respeto sakin. Unlike the kumag I know.
Inasikaso ko naman si Aiden. Ginamitan ko siya ng alcohol. Dinadahan dahan ko kasi nagwiwince siya sa sakit. Kinekwentuhan niya ko habang umaaray siya. Nakakatuwa, para akong nagagamot ng bata. Pero tumigil siya nung medyo dinidiinan ko na. Akala ko naman kasi nasanay na siya.
"ARAYYY!" Aiden yelped. Natigilan ako at tinignan ko siya. Naluluha mga mata niya, kinabahan ako. Nag-sorry ako agad.
"Ayoko na! Tama na!" Sabi niya na parang naiiyak. Mas nakikilala ko na si Aiden, pwedeng lalaking lalaki siya nung una, pero lumalabas pagkabata niya. Nung una pag nag-uusap kami parang lalaking lalaki, pero ang childish niya. Di naman masama yung pagiging chidlish niya, mukha namang mature yung utak niya, kung pumorma parang binatang binata pero yung habits niya parang baby.
"Last na, kailangan nating tapusin. Sige ka, lalala yan." Takot ko sakanya.
"Kiss mo cheek ko bilang kapalit, deal?" Tawa ako ng tawa, pero nanatili yung smirk sa mukha niya.
"HAHAHAHA! .... Ay jooooke! Seryoso ka?!" Tanong ko sakanya. Pinoke niya yung cheeks niya at nagpacute. Natawa ako. Pero harmless naman di ba? Atleast di lang kuya ang meron ko, may baby brother na rin ako. Fine, oo nung una bakla. Pero mas nakilala ko na siya. BAM! May little bro na ko.
Tinuloy ko yung naudlot na pagagamot ko sakanya tapos nung tapos na hinalikan ko cheek niya tapos tumayo.
"Oh yun na ah. Tara, maghahanda na ko ng kakainin saka yung cake ohhh." Sabi ko sakanya na parang walang nangyari. I don't like complications. Bro ko na yan.
Apparently pagkatapos mag-ayos nila Jeremy ay kinain na namin yung pagkain na niluto ni kuya. Tapos nung yung cake na kinakain namin eh dumiretso kami ng sala kasi nag-aya ng movie marathon si kuya ko. Apparently pinapatulog na ni kuya si Aiden sa bahay namin at pumayag parents niya. So may boys slumber party na kami. Adik lang eh. Usapan namin mamimili kami ng kanya kanyang movie na gustong panoorin. 6 pa lang naman and simula ng weekend bukas so walang problema kay kuya. At kami? HAH! Wala pang pasok. Ayon, back to the movies. Pinili ko ang Easy A, Jeremy's pick was I Am Number 4, Aiden's was Ice Age 3 and si kuya naman ay Year One.
Nung Easy A yung pinapanood namin, tawa kami ng tawa. Medyo naguluhan ako sa I Am Number 4 pero interesadong interesado yung mga lalaki. Nung rinest ko ulo ko sa shoulder ni Jeremy, inakbayan niya ko. Ganyan kami noon pa, napagkakamalan kaming magboyfriend, now you know bakit nagkagalit sila noon ni Cheska. Kaya nung naalala kong sila na ulet ay inalis ko yung ulo ko at dahan dahang tinanggal yung kamay niya. Nakakatakot din yung tingin ni Aiden eh, naging uncomfortable ako. Tapos nung malapit ng matapos, humiga naman si Aiden sa lap ko eh. Sabi niya gusto na niyang panoorin yung pinili niya. Para talagang maliit na bata. Ice Age 3 naman nakakatuwa, lahat kami parang naging bata ulet. Year One? Humagalakpak talaga kami. Pero awkward si Jeremy at si Aiden pag may *ahem* na scene. Kami ni kuya? Parang wala lang. Boys will be boys? Haha!
We slept at 5 am. Grabe! Bagsak sila agad pagkatapos ng Year One. Habang ako nakatulog mga 6 na dahil nag-ayos ako ng kalat.
Sa sala kami lahat natulog, si kuya sa may sofa. Kami sa may mattress na nilabas nila bago mag movie marathon. Natawa ako kasi nakacurl si Aiden habang yakap yakap yung unan. Si Jeremy naman? Natawa din ako kasi ang cute nung paghilik niya. At si kuya? Parang bato.
Pero pagkahiga ko, deadbol din ako agad. What a day!