Chapter 6

38 0 0
                                    

"Princess! Gising naaaaa!" Sigaw ni Aiden sakin habang yinuyugyog ako. 

"Uhhh, ayoko pa!" Tapos bigla niya kong yinakap ng mahigpit.

"AIDEEEEEN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 

Tinignan q orasan, 3 na ng hapon. Ang bilis! Parang kanina lang eh kakatulog ko pa lang ulit. Pero alam mo ba bakit ako napasigaw? Nakasalamin si Aiden! O__________O

"Bakit parang gulat ka diyan Cess? Nakalimutan mo na bang katabi mo kaming natulog?" Tanong sakin ni Jeremy.

"A-a-aid-e-e-en... Sa-sa-salamin!" Utal utal kong nasabi. 

"Di mo pa pala ako nakitang suot 'to. Haha! Malabo mata ko eh," sabi niya.

Kanina pa daw mga 1 pm sila gising kaya nakakain na sila. Pero tinirhan naman ako kaya ok lang. Bale samin daw muna magstestay si Aiden, aalis daw sila Isaw. Pupuntang Japan para asikasuhin ang ibang papeles dun. Tapos may business na aayusin din kaya titigil daw ata siya for one year or home school doon. Ang saya ni Aiden kasi daw makakasama niya ko, si Jeremy naman walang comment. Ganun naman yun lagi eh. Ibig sabihin dalawang lalaki sila sa kwarto ko. May kaagaw na nga sa banyo, di ko pa maeenjoy privacy ng kwarto ko. TT_________TT Pero ok na rin yun, atleast mga kaibigan ko naman.

Pinlano na nila Aiden at Jeremy mga gagawin namin bukas. Pagkatapos daw naming mag-simba, di na daw kami kakain ng lunch kasi didiretso daw kaming tatlo sa isang party na ni di ko alam na imbitado pala kami. Anniversary daw kasi ng JiRaf kaya ayun, gusto daw magcelebrate or something.

Pagkagaling sa simbahan, dinrive kami ni kuya Prince sa may bahay ni Rafael. Ginreet namin parents niya at nakitang andoon na sila sa may living room at nagkakasiyahan. Ngayon talagang kompleto, Ang JiRaf (Jia & Rafael) at C2 (Chris & Cass) na loveteam ay masayang nagkekwentuhan sa may sofa. Sila Michael, Carmina at si Joshua ay walang sawang nagkakaraoke. Kami naman na mga bagong dating siyempre kumain muna. Takaw takaw ko talaga kahit kailan, kinukuha ko pa yung mga pagkain sa plato ni Aiden. Si Jeremy naman busy sa phone niya kasi katext ang girlfriend niya. 

"Ohh, Princess.. Bakit mo naman inaagawan si Aiden?" Panunuksong tanong sakin ni Rafael.

"Ehhhh~ Kasi naman inagawan niya ko, inubos niya yung mga siomai!" TT___TT

"Bagal mo kasi eh. Oh eto," inalukan ako ng siomai. Para ngang sinusubuan na ko eh kasi nilapit niya sa may bunganga ko. Kaya inopen ko na lang mouth ko, pero bigla ba namang sinaksak yung siomai! 

"Ang sama nito!" Sabi ko sa kanya na waring nagtatampo. 

"Ayiiiiiiiieeeeeeeeee~ Lumelevel up na si Aiden!" Kantiyaw naman sa kanya ng barkada. 

"Wehhhh? Level up ba yun?" Singit nanaman nitong si Chris.

"Manahimik ka nga diyan," sabi ni Jeremy. "Akala mo sino ka ah. Madali ka atang nakalimot sa kalokohan mo." 

"Oo nga naman," sangayon mismo ng nobya niya.

"Ohh, Cass naman.. Boyfriend mo ko tapos ginaganyan mo ko." Pagtatampong sabi ni Chris.

"Totoo naman eh, madali mong nalimutan kasalanan mo. Magkakabarkada pa man din tayo, magpakasensitive ka naman. Aminado ka dapat, hanggang ngayon. Kaya wala kang karapatang mag-act na parang bata diyan." Sermon sa kanya ni Cassandra. 

Natameme sila lahat... Nagconcentrate nalang sila sa kantahan habang kami ni Aiden eh wala pa ring tigil sa paglamon.

Kung di kami nagtawanan ni Aiden dahil sa nung cake na kinakain namin eh kapwa kaming may frosting sa upper lip. Pinunasan ko ng tissue yung akin, tapos siya pilit inaabot ng dila niya. Natawa ako, super adorable! Kaso nakailang trys na siya di pa rin niya naalis kaya hinawakan ko chin niya para iharap siya sakin. Dahan dahan kong tinanggal yung frosting at halatang gulat at kinakabahan siya sa ginagawa ko. Nanlaki mga mata niya, nginitian ko siya. Tapos dahan dahan niyang nilapit mukha niya sakin....

OH

MY

GOSH!

Yan lang tumatakbo sa utak ko.

Pumikit na mga mata niya....

Di ko malaman anong gagawin ko.....

He was only an inch away....

Kinuha ko yung cake na isusubo ko na sana at dinikit sa labi niya. Napahalagakhak talaga ako. 

"Panira ka naman ng moment eh," pabulong na sabi ni Aiden.

"Ano? Anong sabi mo?" Tanong ko, ganyan talaga pag bingi. Huhuhuhuhu!

"Wala, may parada bukas ng mga bingi, sumama ka ha!" Biro niya sakin.

"Hmpf! CHE! Ewan ko sayo~"

"Tampo na yaaaan! Haha!" Piningot niya ilong ko tapos ginulo at pinat ang buhok ko. Tapog gaaaaahd. Yung ngiti niya na parang bata. Nakakakilig. Pero di pwede, kasi friends lang dapat muna. Mahirap ng masaktan. <///////////////////////////////////3

"Tapos na ba kayo sa lampungan niyo diyan?" Sabi bigla nitong si Chris. Di pa rin tumigil miski pinagsabihan na ng girlfriend.

Di ko na napigilan, sinugod ko na....

Sinampal. 

Si girlfriend niya? Di ako pinigilan, I guess she knew na he got what he deserved. Tumakbo na ko palabas, nakakaasar na. Di na kinaya ng mga luha kong nakakulong sa mga mata ko. Kumawala na sila unti unti. 

Pero hinatak ako bigla at yinakap. 

Humagulgol na ko sa mga bisig ni Aiden....

Her Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon