Kabanata 16: Hints

3 1 0
                                    

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Blinding. Suffocating. Confusing.

I don't know where does this consciousness of mine has landed. Ang huling naalala ko na lamang ay ang liwanag na sumakop sa paningin ko bago pa man ako nakahiga sa higaan. Matutulog na sana ako nang tuluyan matapos kong maipahatid ang sulat at mag-ayos ng sarili. Ngunit heto't nandito ako.

Tanging nakasisilaw na liwanag lamang ang aking nakikita. Hindi rin ako masyadong makahinga dahil sa bigat ng pakiramdam na nababalot sa lugar. Nakabibinging katahimikan din ang namamayani. Hanggang sa. . .

"My child, you're here," isang boses ang namayani sa nakabibinging katahimikan.

Napaigtad ako sa narinig. Hindi iyon doon nagtapos. Ilang ulit ko iyong narinig na parang walang hanggan ang pag-echo ng tunog. Bigla-bigla, mayroong mga outline ng orasan sa aking buong paligid. Kahit saan ako tumingin, kahit saan ako magpalinga-linga, mga orasan na nasa iba't ibang oras at nakatutok ang mga kamay ang nasa paligid ko. Lumitaw rin ang iba't ibang laki at uri ng mga orasa. Kumikinang ang mga lamang buhangin nito na animo'y binudburan ng ginto at diyamante. Akala ko'y hanggang paningin ko lamang sila, pero sabay-sabay na tumunog ang mga iyon.

Nakabibingi.

Sunod-sunod na tunog ng gumagalaw na orasan.

Para akong nabingi sa tunog at nabulag sa liwanag ng mga ito nang biglang. . . mawala ang lahat. Nagsalita na naman ang boses. Malalim ito pero mukhang mamahalin. Kung nag-anyong bagay lamang ang nagmamay-ari ng boses na ito, siguro'y isa siyang diyamante. Pakiramdam ko ri'y siya ang nagmamay-ari sa boses na narinig ko noong oryentasyon naming mga baguhan. Noong tumigil ang oras. . .

Oras? Anong kinalaman ko sa oras?

Nanlaki ang aking mga mata nang mapunta ako sa isang silid. Tatakbo na sana ako sa may pintuan nang hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Nakatuod lamang ako habang nakatingin sa isang lalaki sa aking harapan. Kilala ko siya. Kilalang-kilala. Siya ang lalaking ayaw akong tanggapin bilang anak niya. Maaliwalas ang kaniyang mukha at mukhang wala pang galit sa mundo. Nakangiti ito habang nakipagtitigan sa akin.

Anong ginagawa ni Ama rito? Anong ginagawa ko rito?

Huli ko ng namalayan na nakangiti na rin pala ako. Hahawakan na sana ni Ama ang aking kamay nang magbago na naman ang senaryo.

Base sa makukulay na mga palamuti, berdeng mga halaman, mababangong bulaklak, nasa hardin ako. Nang igala ko ang aking paningin, nandito na naman si Ama, nagsasalita at mukhang walang problema sa mundo sa sobrang aliwalas ng kaniyang mukha. Mas bata nga lamang ng maraming taon ang itsura ni Ama rito.

Tumayo siya sa pagkakaupo at pumitas ng isang rosas na bulaklak bago bumalik ulit sa kinauupuan. Ibinigay niya iyon sa 'kin nang may malapad na ngiti. May sinabi siya ngunit hindi ko iyon marinig sa hindi ko malamang dahilan. Napangiti ako-o kung ako nga ba itong perspektibo ko? Saka ko kinuha ang bulaklak at inamoy. Nang ginawa ko 'yon, nakita kong nataranta si Ama at akma na sanang kukunin ang bulaklak nang mawala na naman ang senaryo.

Napunta ako sa isang pasilyo. Hindi ito pamilyar sa akin ngunit mukha itong palasyo sa sobrang elegante at laki ng paligid. Sa bawat pader ay may malalaking painting ng iba't ibang mukha. Nakalulula ang taas ng kisameng mayroong mga guhit at kulay ng sinaunang mga tao. Nakatapak din ako sa magarbong ginintuang carpet. Nang pagmasdan ko ang aking kabuuan, tila'y nakasuot ako ng mahigpit na corset sa loob at enggrande ang aking gintong kasuotan. Mataas din ang takong sa sapin ng aking paa.

Nasaan ako?

Gusto kong humakbang pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang pinamumugaran kong katawan. Mukhang nailagay lamang ako sa perspektibo niya upang tingnan ang mga pangyayari.

Ang tanga mo, Rania, napakatagal bago mo napagtanto. Pero, bakit? Ano'ng ginagawa ko rito? Para saan?

Kaagad nanlaki ang aking mga mata nang namataan ko ang paparating na pigura ng aking ama. Sobrang seryoso ng mukha nito habang kausap ang isang taong hindi ko inaasahang makikita ko-kausap niya si Master Boriel Ferinza. Ang aking ama ay nakasuot ng unipormeng kapareho ng kay Master El; a white long-sleeved uniform topped with a golden vest, also paired with a white rough linen pants. Mayroon silang gintong kapa at malalaking espada sa gilid na nakasilid sa eskabarde nito.

My father was a knight in imperial palace? How? What happened now? I don't. . . quite understand.

Nang namataan nila ang babae kung nasaan ako nakikigamit ng perspektibo, kaagad silang yumuko at itinapat ang kanang kamao sa kanilang dibdib. "Greetings, Princess Yraia."

P-Princess?

Naramdaman kong umalog ang katawan kung nasa'n ako, marahil tumatawa ito at ngumingiti. Hindi ko man marinig ang pinagsasabi nila, pakiwari ko'y nagkamustahan silang tatlo pero ramdam ko ang pagkailang ng aking ama sa harapan. Hindi ko lamang maisip ang dahilan.

Biglang nagbago na naman ang eksena. Ngayon ay nasa isang gazebo naman, may mga tsaa sa lamesang aming kaharap kung saan kami nakaupo. Siguro ay ako pa rin ang prinsesa dahil nasa aking harapan si Ama, nasa gilid naman niya ang isang lalaking pamilyar ang mukha. Ginintuan ang buhok nito kagaya ng babaeng kinakatawan ko, maaliwalas din ang kaniyang itsura. Nang ngumiti ito ay lumabas ang kaniyang biloy sa kanang pisngi at kumurba ang mga mata.

Kamukha niya ang Prinsipe ng Lireo na si Meshach.

"My dear sister, you are not hiding it well," he voiced out that I miraculously heard. Ngunit pagkatapos ng mga katagang iyon, bigla na lamang bumalik ang lahat sa una.

Unti-unting nawawala ang mga kulay sa paligid at bumalik ang dating purong puti, habang ako ay napapalibutan ng malalaking orasan at orasa. Nang tingnan ko ang sarili, nabalik na rin ako sa sarili kong katawan.

Pigil-hininga kong inilbot ang aking paningin nang biglang nagsalita na naman ang boses ng kung sino, "Those are hints. It is up to you on how you'll use it for your own benefit."

"Wh-Who are you? Where are you?"

"It is not the right time to reveal myself yet, not until you'll the decipher your own identity." His words were absolute-as if he knew everything from the beginning, and just waiting for every pieces to connect in the puzzle board he created.

My brows furrowed. "What are you talking about? H-Hindi ba ako ang taong inaakala kong ako?" tanong ko sa gitna ng boses kong nanginginig.

"Hmm?" he only hummed.

Napasabunot ako sa ginintuan kong buhok habang kagat-kagat ang sariling labi. I probably look miserable now. Tumatagos sa aking utak ang bawat patak ng orasa at tunog ng orasan. Pinapadagundong ng nasa likod ng boses ang aking puso sa pamamagitan ng kaniyang mga tanong. Tanong na hindi ko na masundan pa ang puno't dulo.

"Ano ba'ng mayro'n sa mga ipinakita mo? Why. . . why are you doing this?" I asked with questions that almost caught my breathe; it's as if a pulled trigger, my tears cascaded nonstop.

Bakit niya ba ito ginagawa? Sino ba siya? Ano ba'ng kinalaman niya sa pagkatao ko? Bakit niya ginugulo ang sana'y mabilis kong misyon?

Wala na akong maintindihan. Ang mga senaryong nakita ko kanina lamang ay unti-unting bumalik sa 'king alaala. Napasabunot na naman ako sa mga hibla ng aking buhok habang humihikbi. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Kahit saang anggulo ko tingnan, wala akong makuhang matinong sagot sa mga tanong ko. . . at sa mga sinabi niya.

Wala akong kuwenta. Wala akong. . . wala. . . wala nga ba akong kuwenta? Totoo ba ang sinabi ni Ama? Ang kinikilala kong ama na ibang-iba sa nakikita ko sa mga senaryo?

"Stop thinking such foolishness. You have a purpose. . . and that is to find your purpose, my child."

Mas lalo akong nalula sa sinabi niya. Hanggang sa magdilim ang dating purong puti at tuluyan na akong nawala sa katinuan at nilubayan ng kamalayan.

- eggarru -

The Unwanted DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon