Kabanata 22: Ginintuan

6 1 0
                                    

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Lutang na lutang, pakiramdam ko'y nawala lahat ng lakas ko sa katawan. Nahahawa na ang aking suot na bestida't balabal sa mamasa-masang damo ngunit parang wala pa rin akong ganang tumayo. Sa tingin ko nga'y bumalik ako sa pagkabata. Bumalik ang lakas ko sa pagkabata.

Looks like my chaotic emotions is taking a toll on me.

Nang tumingala ako, ang sinag ng araw ang sumalubong sa akin at ang nagkakasalubong na mga dahon ng malalaking punongkahoy. Natanggal ang nakatabing na balabal sa akin, sanhi ng pag-alon at paglipad ng buhok ko. Natigilan pa ako nang makita ang kulay nito—ginintuan. Kalauna'y napangiti rin nang luminaw ang aking paningin at parang nakikita ko na ang kahit katiting na detalye.

Nasa aking orihinal na anyo ako. Talagang pinagdiskitahan ako ng aking sariling emosyon dahil kahit kontrol sa aking kaanyuha'y nawala. Mahina na lamang akong natawa sa nararanasan.

Emotion is my weakness, huh? Akala ko'y kaya ko ng gawin ang lahat, ngunit ang pagkontrol ng nararamdaman lang pala ang sisira sa mabuting imahe ko sa sarili.

Habang nakapikit, nakatingala, at dinadama ang malamig na simoy ng hangin, kusa na lang kumalma ang aking naghaharumintidong damdamin. Nanunumbalik na ang aking lakas, siguro nga'y kaya ko ng tumayo at makipaglaban sa isang halimaw. . . na sabi ni Ama'y ako. Ngunit kahit gano'n, hindi pa rin bumabalik sa dati ang aking anyo.

Nagkibitbalikat na lamang ako bago tumayo at pinagpagan ang nabasang manto. Sa aking pag-ikot, nawala na ang mumunting basa sa aking kasuotan.

Nagsimula na akong maglakad sa napadparan kong kagubatan. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito kaya nakakalitong napunta ako rito nang mag-teleport ako, hindi iniisip ang tamang lugar na pupuntahan.

The only things inside my mind earlier was peace. . . and acceptance—that led me here. What's this place, anyway?

Pamilyar ang hubog ng lugar. Kamukha nito ang gubat na madadaanan bago ang malaking tarangkahan ng akademya. Ngunit hindi naman ito ang eksaktong porma. Gusto ko mang gumamit ng kapangyarihan upang makabalik na aa dormitoryo, parang may humihila sa aking manatili muna rito at lasapin ang kapayapaang dulot nito.

Ginawa ko ang tawag ng aking puso. Dahan-dahan ang aking paglakad kahit walang kamuwang-muwang sa patutunguhan, nakapikit at tanging malakas na pandama lamang ang pinaiiral. Sa bawat paghakbang, tila'y sa akin lamang nakaikot ang oras. Dinadama ko pa ang ang masarap at malamig na samyo ng hangin, hinahaplos ang mahapdi ko pa ring pisngi. Nagkakantahan din ang mga ibon sa paligid na parang dinadamayan ako sa bigat ng aking nararamdaman.

Napahinto ako nang makalanghap ng kakaibang amoy. Sariwa. . . sariwang amoy. Sariwang amoy ng tubig. Kaagad kong minulat ang aking mga mata't binaybay ang naaamoy kong tubig. Hinahawi ko pa ang mga talahib bago napahinto sa may kumikinang na lugar.

Nandoon ang naaamoy ko.

I slowly let my feet stride towards the enchanting place. Payapa pa rin dito. Kahit maliwanag ang sikat ng araw, nagliliwanag din ang anyo ng tubig na aking nahanap. Napapalibutan ito ng malalaki't maliliit na batong may lumot habang natatabingan ng malalaking sanga ng punongkahoy. Kahit gano'n, hindi naging sagabal ang mga nahuhulog na dahon sa lawa. Nagmistula itong hudyat upang mas kuminang ang lawa.

Malalaki ang aking mga mata sa mangha nang mas lumapit pa ako. I've never seen this kind of body of water before, but I can tell this one's different from the rest. Naupo ako malaking bato na walang lumot. Ginawa kong upuan ang hinubad kong puting balabal bago napasandal malaking katawan ng punongkahoy sa 'king likuran.

Magaan ang aking loob habang pinagmamasdan ang lawa. Pakiramdam ko nga'y kinuha nito ang lahat ng agam-agam sa aking buhay habang tumatagal ang titig ko rito. Nagmistulang napakalaking dyamante ang lawa dahil sa misteryosong pagkinang nito.

The Unwanted DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon