Kabanata 04: Akademya

9 2 0
                                    

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Pangatlong araw na namin itong paglalakbay. Mula sa aming bansa patungo sa kontinente ng Heul, kaharian ng Lireo-kung saan nakatayo ang akademya-ay kinakailangan pang maglakbay ng isang linggo upang marating ito. Tatlong araw na nakasakay sa kalesa, dalawang araw'ng maglalakbay sa karagatan, at dalawang araw muli sa pagsakay ng karwahe upang marating ang mismong akademya. I can always use my unlimited teleportation to immediately go to the academy, but the coachman might probably notice my disappearance and will report it to my father; it will cause a ruckus that I don't want to happen. Kaya kahit nabuburyo na ako sa byahe, tinitiis ko na lamang. Tutal, sasakay naman kami ng yate papunta roon.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nagagamit ang aking pagbabalatkayo dahil nakasakay pa rin ako sa kalesang pagmamay-ari ng bansang Drakia. Lahat ng galaw ko rito'y hindi ko alam kung malalaman ba nila o ano. Pero dalawang oras nalang naman at makakalaya na ako. Kaunting tiis nalang.

° ° °

Two hours had passed inside that boring transportation, and finally, a new view came into my covered eyes. Kahit balot na balot ang aking kabuuan ay nakikita ko pa rin ang napakagandang tanawin ng karagatan ng Drakia na nakakonekta sa lahat ng kontinente ng bansa. The moon's light illuminated the scenery as gushing cold wind hugged my fully covered body. Nanunuot pa rin sa aking kaibuturan ang lamig kahit bibig ko nalang ang nakikita sa aking pagkatao.

"Binibining Rania, ibinilin ng iyong ama na hanggang dito nalang ang aking pagsama sa iyo. Ako'y babalik na ho sa kastilyo at ipagbibigay-alam ang iyong ligtas na pag-alis."

Nabalik ako sa sariling ulirat nang marinig ang boses ng kotsero. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakayuko ito habang hinimas-himas ang ulo ng kaniyang dalawang kabayo. Sa tatlong araw naming magkasama, masasabi kong isa siya sa mga taong nagbigay-galang at nagpapakita ng kabaitan sa akin sa kastilyo. Kaya karapat-dapat siyang bigyan ng pabuya.

Nakatutuwa siya.

Sabik kong kinuha ang maliit na bag na mayroong daan-daang lamang gamit mula sa aking bulsa. Hinalughog ko ang isang pouch ng gintong naimbak ko, at nang makuha ko iyon, walang-pasabing hinablot ko ang kaniyang kamay, na siyang ikinagulat niya ng husto, at nilapag ang supot ng ginto. Alam kong alam niya kung ano ang laman no'n base sa nakatatawa niyang ekspresyon kaya nama'y nilagay ko ang aking hintuturo sa 'king bibig at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

"Maraming salamat sa pagsama sa akin hanggang dito, Sir Jire. You're one of those people who treated me well as a human, so you deserve that gift. I hope that's already enough for your family's wants and needs," I whispered, only him can hear, "So long, Sir Jire. Do take care of yourself and your family, and be a loyal servant to our country."

Hindi ko na siya tiningnan nang mas matagal pa. Mahahawa lang ako sa umiiyak niyang mga mata kaya nagsimula na akong lumakad papuntang daungan.

It's already close to midnight, so the numbers of passenger in this hour isn't that shocking. We're only eight. After paying to the cashier, I went to the room that's assigned for me and wait for its departure. Hind pa ako inaantok dahil palagi naman akong tulog sa kalesa kung hindi kami titigil upang magpahinga at kakain.

A vanity mirror inside this room caught my attention. I remember my plan on disguising as someone else for this mission. Tumayo ako sa kama at umupo sa harap no'n matapos siniguradong naka-lock ang pintuan. Sumeryoso ang aking mukha, pumikit ang mga mata, at naisa-imahe ang gusto kong mangyari sa aking pagkatao. Nang maibukas ang aking mga mata, nakikita ko na ang babaeng may buhok na kakulay ng putik at may mukhang pinagplanuhan ko bago umalis.

Excited, I stood up from the seat and went to the bed again. Nang maalalang iyong puting buhok at pulang matang ako pala ang nakita ng kahera sa yate, binalik ko ang dating anyo. Baka itapon ako bigla sa dagat kapag nakita nila ang ako na kulay tsokolate ang buhok at iba ang mukha.

° ° °

Small particles of glitter appeared after my teleportation from the port to the woods towards the academy's gate. 5 seconds passed and the shining dust effect disappeared. Nagsimula na rin akong maglakad sa itinuturong direksyon ng mga boses ng ibon. Naglalakihang kahoy ang nakapalibot sa akin, at kung hindi pa ako ginagabayan ng bantay ng kalikasan ay kanina pa ako nawala. Thanks to this newly unlocked power, so useful.

I already activated my disguise when I had the chance to hide from the people earlier. Sa dalawang araw at gabi sa yate ay wala akong ibang ginawa kun'di ang pagsasanay ng kapangyarihan at pagkakabisado ng mga bagay na dapat kong malaman, gawin, at iwasan sa akademya. Even if it was so boring, I endured it. The excitement I felt that time also killed the boredom.

Natigil ang huni ng mga ibon na naging sanhi ng aking paglinga sa paligid. And I never regret that action of mine, as I can now see the controversial gigantic gates of academy.

Napakalaki, gaya ng bibig kong nakanganga ngayon.

Papasok ba talaga ako rito? 'Di kaya malalaman nila ang pagkatao ko? Ngayong nasa harapan na ako ng aking pakay, pakiramdam ko'y bumahag na ang buntot ko.

Tanga-tanga ka kasi, Rania, e. Sino ba'ng nag-utos sa 'yo na mag-volunteer? Attention seeker talaga.

Napapabuntong-hininga, inilibot ko ang aking paningin. Naalala kong saktong ngayon ang unang pasukan ng akademya. Maybe it is coincident that I traveled at the right time. Marami na ang mga estudyanteng nakakalat ngayon sa harap ng dambuhalang gintong tarangkahan. Ngayon din kasi ang araw kung saan darating kaming mga transferee. Kahit iba ang rason ko sa mga nandito, hindi ko pa rin mapigilang ma-excite sa mga mangyayari habang nandito ako.

Siguro naman malaya na ako rito . . . hindi 'gaya roon.

May isang lalaking malapad ang ngiting nakapaskil sa kaniyang labi ang biglang sumulpot. Natigil ang iba sa pakikipagdaldalan at pagmumuni-muni, kagaya ko. Pinalakpak nito ang kaniyang mga kamay, kinukuha ang atensyon ng ibang hindi nakapansin sa kaniya. Kakulay ng mga dahon sa normal na puno ang kaniyang mga buhok at ganoon din ang mga mata niyang parang mata ng pusa. Hindi maipagkakailang gwapo ang isang 'to kumpara sa mga lalaki sa amin.

Muntik na akong mapahagikgik sa naisip. Totoo pala talagang mas angat ang ganda ng mga taga-rito kumpara sa amin. Maybe a punishment from the god of creation to the god of destruction.

"Good day, newcomers! Welcome to Academia de Lireo! I am Master Ferio Terria, your escort for today." His voice echoed everywhere. Para namang nakakita ng kakaibang bagay ang mga kasama ko dahil sa paglaki ng kanilang mga mata. He can control sound waves! Ang astig!

He cleared his throat, his wide smile still there. "I will be giving you heads up of what things you should and shouldn't do inside the academy, but just the basics since all you must know are already inside the handbook that I will distribute later on. Listen and enjoy! Once again, Welcome to Academia de Lireo!"

Umani ng palakpakan ang kaniyang hindi masyadong mahabang talumpati. Sari-saring mga komento ang maririnig sa mga baguhang katulad ko. Ang iba ay kinakabahan pero karamihan ay nasasabik.

Unti-unti nang bumubukas ang malaking tarangkahan habang may binibigkas si Master na mga salitang hindi ko maintindihan. Iyan yata ang makapagpabukas sa gigantic golden gate. Nasisilip na namin ang loob. Nakakasilaw. Nakakapanabik. Nang tuluyan nang nabukas, isang minutong katahimikan ang namayani. Pakiramdam ko'y tulad ko, nakanganga, nanlalaki ang mga mata, at nagpipigil ng kanilang hininga ang aking mga kasama sa pagmasid ng napakalaking istraktura sa aming harapan.

Kaya naman pala lumalagpas na sa mga ulap ang tarangkahan! Dahil ang nasa harapan namin ay mukhang hindi paaralan, isang napakalaking palasyo na sa tantya ko'y mas malaki sa palasyo ng kaharian nila. Ginto ito at napapalibutan ng mga diyamanteng hindi nagpapatalo sa pagkinang.

A golden paradise... Indeed, this kingdom gave all its effort to take care of their future knights.

"Alright! Kindly form a line and I'll tour you around while spitting basic rules and regulations. Hurry up!"

Ito na ba ang simula? Sa dalawampung taong nakakulong sa lugar na iyon, sa wakas ay nakalabas na ako at naging kapaki-pakinabang pa.

I hope this mission will be successful. May the god of destruction guide me toward its land's prosperity and victory.

- eggarru -

The Unwanted DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon