Kabanata 19: Off Limits

3 1 0
                                    

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Diretso lamang ang lakad ko, palabas sa pasilyong patungo sa bulwagan. Nang makaliko ako sa isang medyo madilim at walang katao-taong koridor, kaagad kong winala ang aking presensya at anyo. Ibinalik ko rin ang totoong kulay ng aking mga mata upang mas malinaw at maliwanag ang aking paningin. Nang magawa ko na ang mga nais, lumabas na ako sa aking pinagtataguan.

Na sana'y hindi ko na biglaang ginawa dahil sa bumungad sa akin. Sa tingin ko'y aatakihin ako sa puso kahit hindi ko masyadong ramdam ang tibok nito.

Magkasalubong ang mga kilay habang tuwid na naglalakad, parang isang mabangis na hayop ang kabalyerong ito kung makatingin sa kahit saan. Mukha siyang may hinahanap habang ang isang kamay ay nakahawak sa eskabarde ng kaniyang espada at ang isa nama'y nakahawak mismo sa kaniyang espada.

"Nasaan na 'yon?" bulong niya sa sarili, sa tono'y mukha siyang galit at nanggigigil.

Napalabi ako at gumilid, halos hindi na nga ako humihinga. Pakiramdam ko'y nakita niya akong tumungo sa bahaging ito kanina noong nakikita pa ang katawang lupa ko. 

"Damn it!" Ginulo niya ang nakaayos na buhok. Galit siyang pumadyak na parang bata bago tumalikod mula sa aking gawi. Tinatahak na niya ang daan pabalik sa bulwagan.

Looks like he has an anger issue.

Napahinga ako ng malalim sa galak nang mawala na sa aking paningin si Trevor. Pumihit na ako sa daan papuntang Royal Library, hindi na nagmamadali at kalmado na ang aking mga hakbang. Nagmamasid ako sa paligid nang mahagip ng aking paningin ang nakahilerang portraits.

Napakurap ako. Mukhang ito ang lugar kung saan binati ni Ama at Master El si Princess Yraia, ang kapatid ng Mahal na Hari. Mula sa aking nilalakaran, nadadaanan ko ang mukha ng mga naging miyembro ng pamilyang dugong bughaw na ipininta pa siguro ng pinakamagaling na mamiminta sa bawat panahong nabubuhay sila.

Ang unang reynang sinabi ni Lily sa karwahe ay nasa harapan ko. Sobrang kinang ng ginintuan nitong buhok. Kumikinang din ang asul nitong mga mata ngunit parang may bahid ng ginto. Nakabibighani ang kagandahan nito. Samantala, ang unang hari naman ay may berdeng mga mata at mapusyaw na mahabang buhok. Ang kanilang mga anak ay halu-halo na ang nakuhang mana sa anyo mula sa kanilang mga dugong bughaw na magulang.

Sa kahabaan ng pasilyong pinagmamasdan ko, umabot pa ng sampung minuto bago ko narating ang portrait ng yumaong prinsesa. Nakilala ko ito dahil sa pangalang nakasulat sa ibaba ng kaniyang nakaguhit ng mukha. Simula nang makita ko ang buhok ng pinakaunang reyna, wala ng mas kuminang pa roon. Ngunit, ang prinsesang ito ay kakaiba. Mas lumamang ang kinang ng ginintuan nitong buhok. Hindi purong asul ang kaniyang mga mata. Kagaya ng sinaunang reyna, pinaghalong asul at ginto ang mga mata ng prinsesa. Ang kaibahan lamang ay mas lamang ang gintong bahagi kaysa sa asul—na nagmumukhang ang asul ay nakikisalo lamang ng tirahan sa kaniyang mga mata.

Napanganga pa ako sa kagandahan niya. Sa tingin ko nga'y mas lumamang na siya sa dyosa ng kagandahan o malaki ang pabor ng dyosa ng kagandahan sa kaniya dahil sa biyayang binigay.

Malamlam ang kaniyang mga mata at tila'y inaakit ka kahit nasa painting na lamang siya. Nakaawang pa ng kaunti ang kaniyang mapulang mga labi at parang nanunusok ang tangos ng kaniyang ilong. Bagay na bagay sa kaniya ang suot ng puting gown na may golden linings.

I think, she's the prettiest human I've ever seen.

"We thought the same thing," a voice interrupted my thoughts.

Napalingon ako sa bawat sulok. Walang tao. Walang kahit sinuman. Alam ko naman iyon. Dahil ang nagmamay-ari ng boses na iyon ay siyang pumasok sa panaginip ko't ginulo ang sarili kong paniniwala.

The Unwanted DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon