// Present //
Sa isang maliit at payak na bahay sa Maynila, tahimik na nakaupo si Raiver sa tabi ng bintana. Tulad ng mga nagdaang taon, halos hindi pa rin siya makatulog ng maayos. Bumabaha sa kanyang isipan ang alaala ng trahedyang naganap noong kabataan niya-isang alaala na patuloy na humahabol sa kanya, kahit saan man siya magtungo.
"Hindi pa rin kita nailigtas," bulong ni Raiver sa sarili nang maalala niyang muli ito kahit pilitin niyang sabihin na hindi niya ito kasalanan.
Araw-araw, sinisisi ni Raiver ang sarili sa pagkamatay ni Marco. Pakiramdam niya'y wala siyang karapatang maging masaya o magtagumpay sa buhay dahil sa nagawa niya. Their moments as bestfriends are like a dream that slowly becomes a nightmare.
-----------------------------------
// Flashback: The Accident //
Isang mainit na hapon, nagpasya sina Raiver at Marco na magtungo sa ilog malapit sa kanila. Palaging maingay at masaya ang ilog pag pumupunta sila roon, ngunit sa araw na iyon, tila may kakaibang pakiramdam si Raiver.
"Pre, sigurado ka bang ligtas dito?" tanong ni Marco habang nilalakad nila ang mabatong daan patungo sa ilog.
"Oo naman, Marco. Ilang beses na tayong nakapunta dito, di ba?" sagot ni Raiver, kahit hindi rin maganda ang pakiramdam niya sa mga oras na ito. "kita mo andito na agad tayo" dagdag pa nito.
"Oh paunahan sa ilog!" sabi ni Marco na tuwang-tuwa habang kumakaripas ng takbo papuntang ilog.
"hintayin moko" sabi ni Raiver na hindi naman nagpatalo sa pakikipag unahan.
Sobrang saya ng araw na iyon para sa mag kaibigan dahil ngayon nalang sila nakagala na magkasaka, ngunit sa pagkakataong ito, tila ba pinaglalaruan sila ng tadhana. Habang naglalaro sa tubig, bigla na lamang umulan nang malakas, at dumaloy ang tubig nang napakabilis. Si Marco, na hindi marunong sa paglangoy, ay nahirapang lumangoy pabalik.
"Pre, tulong!" sigaw ni Marco, pilit na kumakapit sa isang sanga.
Sinubukan ni Raiver na abutin ang kamay ni Marco, ngunit ang malakas na agos ay hinatak siya palayo. Nakita ng dalawa niyang mata na unti-unting nilulunod ng tubig si Marco at nahihirapan ng huminga. Tumakbo siya pabalik sa bahay nila upang humingi ng tulong, ngunit huli na ang lahat. Nang makabalik sila sa ilog, wala na si Marco.
-----------------------------------
// Present //
Pinilit ni Raiver na kalimutan ang nangyari sa pamamagitan ng pag-abala sa trabaho. Siya'y naging isang matagumpay na arkitekto, ngunit kahit gaano pa siya kaabala, hindi pa rin niya maiwasan ang mga bangungot tungkol kay Marco.
Habang iniimpake ang kanyang mga gamit para sa isang bagong proyekto, may tumawag sa kanya. mula ito kay Remy, na kaibigan niya ngayon.
"Raiver, ano g ka na? naka oo na si Jax at Darren" sabi ni Remy.
"Oo pre, g" sagot naman ni Raiver
Nagpasya si Raiver na pumunta sa park upang mag-isip-isip. Habang nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno, naalala niya ang kanilang mga kwentuhan ni Marco tungkol sa mga pangarap nila pag laki. Si Marco ay gustong-gusto talaga mag arkitek, kaya nung namatay si Marco ay ipinangako ni Raiver na siya na ang tutupad nito para sa kaibigan niya na yumao dahil sa kanya.
"Bakit kailangan mangyari ito?" tanong niya sa sarili. "Kung narito ka lang sana, Marco."
-----------------------------------
// Flashback: The Funeral //
Noong araw ng libing ni Marco, tila bumagsak ang mundo ni Raiver. Nakita niya ang mga magulang ni Marco na halos walang kibo sa sobrang kalungkutan. Hindi niya magawang lapitan ang mga ito dahil sa matinding pagkakasala na bumabalot sa kanyang puso.
"Raiver," tawag ng ama ni Marco, ang kanyang boses ay puno ng pighati. "Salamat sa pagpunta." dagdag pa nito.
"Patawad po, hindi ko siya nailigtas," sagot ni Raiver, halos hindi makatingin sa kanila.
"Hindi mo kasalanan, anak," sabi ng ina ni Marco, pilit na ngumingiti sa kabila ng luha. "Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo."
Ngunit para kay Raiver, walang sapat na salita o paliwanag ang makakapagpabago sa kanyang nararamdaman. Naisip niyang kahit anong sabihin ng mga magulang ni Marco, mananatili ang katotohanan na siya ang dahilan ng pagkawala ng kanyang kaibigan at siya ang dahilan ng pagkawala ng kanilang anak.
-----------------------------------
// Present //
Nagising si Raiver mula sa kanyang mga alaala at nagpasya. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at naglakad pauwi. Kailangan niyang harapin ang kanyang nakaraan, at marahil, ang Past Island ang kanyang tanging pag-asa.
Nang sumunod na araw, nag-impake siya ng mga gamit na kakailanganin sa paglalakbay. Kasama na dito ang mga papel na barko na ginawa nila ni Marco noong sila'y bata pa, isang bagay na lagi niyang dala-dala upang alalahanin ang kanilang pagkakaibigan.
Habang patungo sa daungan, naramdaman niya ang kaba sa kanyang dibdib. Ngunit kasabay nito ay may bahagyang pag-asa na baka, sa wakas, mahanap na niya ang katahimikan na matagal na niyang hinahanap.
Pagdating niya sa daungan, nakita niya sina Remy, Killua at Ashton. Nakaupo ito sa isang gilid
"San na kaya yung iba?" tanong ni Remy, "tinatawagan ko na sila eh ang tatagal naman ng mga yun" dismayadong si Remy dahil anong oras na pero di pa din sila umaalis.
"Di pa pala kayo kumpleto," sagot ni Raiver, at nakita niyang padating na din si Darren.
Habang umaalis ang bangka mula sa daungan, naramdaman ni Raiver ang halong takot at pag-asa. Alam niyang hindi magiging madali ang kanilang paglalakbay, ngunit handa na siyang harapin ang kanyang nakaraan. Kinuha niya ang papel na barko at muling tiningnan ito bago itago sa kanyang bulsa.
"Ngayon, handa na akong harapin ka" sabi ni Raiver na puno ng determinasyon.
Habang tinatangay ng alon ang kanilang bangka, ay puno ng pag-asa si Raiver na sa wakas, makukuha niya na ang kapatawaran na inanais niya. Ang kanilang paglalakbay ay nagsisimula pa lang pero alam niya na handa na siyang harapin ang konsensyang pilit siyang nilulunod pababa.
§————————————————§
Past Island: Regrets and Guilt
Written by: @Clintoooon_
DISCLAIMER : This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, or events and incidents are either the products of the author's imaginations or used in a fictitious manner. Any resemblances to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
@All Rights Reserved. Clintoooon_. 2024.
BINABASA MO ANG
Past Island: Regrets and Guilt (Past Series #1) [COMPLETED]
Mystery / ThrillerStatus: Completed Started: June 20, 2024 End: July 22, 2024 Published Date: June 27, 2024 Years after losing his mother, Remy is haunted by the regret of not being there to say goodbye. Recalling her stories of a mystical Past Island, where the livi...