// a day before the journey //
|| Remy’s Point of View ||
“Pre asan ka na?” tanong sa akin ni Ash.
“Ito na malapit na, ang bigat kaya ng dala kong to” sagot ko, habang dala-dala ko ang paper na puno ng mga chips kasi napagkasunduan namin na pagsama-samahin na ang mga pagkain namin sa apartment ni Killua kasi siya na daw magdadala nito since mas malapit bahay niya sa dock.
habang papunta ako sa elevator eh may biglang bumangga sa akin na lalaki na naging dahilan para masira ang paper bag na dala ko at kumalat ang mga chips sa loob nito.
“Mang Karlos?” tanong ko sa lalaki na nasa harap nang maaninag ko kung sino ito, at siya ang tatay ni Killua di ako pwede magkamali.
He looks pale, and seems to be in a rush. Hinawakan niya ang kamay ko at bakas sa mukha niya ang kalungkutan, marahil ay nami-miss niya na ang anak niya.
“Mang Karlos ano pon—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang tumakbo na si Mang Karlos. Kinuha ko muna ang mga chips na nagkalat bago subukang habulin siya kaso hindi ko na siya naabutan.
Pagtaas ko sa apartment ni Killua eh naabutan kong naglalaro si Jax at Raiver ng ML habang si Ash naman ang sumalubong sakin na kanina pa ako hinihintay, sabay bukas ng isang bag of chips.
“Asan si Darren at Killua?” tanong ko.
“Bumaba, bibili ng alak na dadalhin natin,” sabi ni Ash sakin habang abala naman si Jax at Raiver sa paglalaro. “Bakit hindi ka humingi ng paper bag?” tanong naman ni Ash.
“Ahh, para kasing nakita ko si Mang Ka—” naputol ang sasabihin ko nang biglang pumasok si Killua.
“Oh andyan ka na pala Remy,” bati sa akin ni Killua pagpasok niya. “Mga pre, alam niyo ba na parang nakita ko si Papa kanina habang pabalik ako dito?” patuloy ni Killua.
“Actually nakita ko siya pre sa baba, nagkabanggaan nga kami eh pero nagmamadali siya eh kaya di ko na nakausap” sabi ko.
“Baka binabagabag ng konsensya niya, wala na akong pake sakaniya at sana tuluyan na siyang mawala” sabi ni Killua, bakas na bakas pa din sa kanya ang galit na meron siya sa kaniyang ama.
“Asan pala si Darren? akala ko magkasama kayo?” tanong ni Raiver, habang abala pa din sa paglaro.
“Nawala siya bigla habang nakapila ako sa convenience store sa baba eh” sagot ni Killua.
“SAVAGEEE!” biglang sigaw ni Jax na kinagulat namin.
“KS ka lang naman eh! tsk!” biro ni Raiver.
“Ang ingay, rinig kayo ng mga kapitbahay” reklamo ni Darren pagkapasok niya, may dala dalang milktea.
“Oh pre, san ka galing? bat bigla ka nawala?” tanong ni Killua.
“Bumili ng Milktea, ito oh sainyo” sabi ni Darren sabay abot ng milktea saamin.
“Yown, salamat pre!” sabi ni Raiver, tapos na sila maglaro ni Jax.
________________________________________________________________
|| 3rd Person’s Point of View ||
Killua's apartment was cramped, but it served its purpose. malapit lang ito sa dock, so it was a convenient base for all of them. The group had gathered there, each of them preparing in their own way for the adventure that lay ahead.
The apartment was a chaotic mess of packed bags, supplies, and nervous energy. Killua is in the small kitchen, preparing coffee and snacks for everyone. His friends were spread out around the living room, double-checking their gear and discussing the plan.
BINABASA MO ANG
Past Island: Regrets and Guilt (Past Series #1) [COMPLETED]
Mystery / ThrillerStatus: Completed Started: June 20, 2024 End: July 22, 2024 Published Date: June 27, 2024 Years after losing his mother, Remy is haunted by the regret of not being there to say goodbye. Recalling her stories of a mystical Past Island, where the livi...