Sa isang malaking lupain nakatira ang pamilya Garcia. Sobrang lawak man ng lupain nila, simple naman ang pamumuhay nila.
"Gumising na kayo, anong oras na." panggigising ng isang matandang lalaki sa mga anak nitong babae.
May hawak-hawak siya ngayon ng sirang stainless na palanggana at pinapatik ito ng stainless na kutsara, kaya gumagawa ito ng nakakabulabog na ingay.
Nakapikit namang umupo ang mga anak niya sa kama. Yung iba ay papungay-pungay na sa paglalakad, habang si Yoko naman ay ang sarap pa rin ng tulog.
"Yo, gumising ka na," tapik ni Charlotte kay Yoko na ngayon ay ang himbing pa rin ng tulog. Siguro maganda ang panaginip nito, kaya ayaw pang magising.
"Oummm," sabi ni Yoko at minulat niya ang mata niya dahil biglang pinisil ni Jennie ang ilong niya.
"Gumising ka na, prinsesa. Anong oras na" sabi ni Jennie.
"Ate Jen, naman eh... Naputol tuloy yung panaginip ko," padabog nitong tumayo sa kama nila. Inabot nito ang kumot na ginamit nilang magkapatid at tinupi.
Meron kasi silang kasunduan na kung sino ang huling gumising, siya ang magtutupi ng higaan nila.
"Napanaginipan mo na naman ang prince charming mo," pangaasar ni Prom sa kanya. Parati kasing nakwekwento ni Yoko na napapanaginipan niya raw ang prince charming niya, kaya yun ang parati nilang pang-aasar sa kanya.
"Ang panget niyong kabonding, parang hindi ko kayo kapatid," sabi ni Yoko ng matapos niya matupi ang kanilang tinulugan. pumasok na siya agad sa loob ng CR para mag-hilamos.
Hindi malaki, at hindi rin maliit ang bahay nila; tamang-tama lang para sa kanilang pamilya. May tag-iisang kwarto sila, pero mas pinili nilang mag-kumpul-kumpol sa iisang kwarto.
"Gising na pala ang mga dalaga ko. Sige na, umupo na kayo at kakain na tayo," sabi ng ina nila. Humalik muna sila sa kanilang ina bago umupo sa kani-kanilang mga upuan.
"Pagkatapos niyo kumain, mag-bihis na agad kayo, dahil kailangan natin mag-tanim," utos ng ina.
"George, ang init-init pag tataniman mo sila? Hindi ka ba naaawa sa mga anak mo?" tanong ni julia sa asawa niya.
Pinakita ng mga dalaga ang nakakaawang mukha sa kanilang ina. Alam nila na ang ina lang nila ang makakapag-pabago ng desisyon ng kanilang ama.
"Oh, sige, ikulong mo sila rito sa bahay hanggang sa mamuti ang mga mata nila, dahil wala silang makain," sagot ng ama nila, medyo nakakatawa pero may halong pangamba.
Napaisip ang ina nila sa sinabi ng asawa niya.
"Kung bakit kasi puro babae pa ang binigay ng may kapal sa atin," sabi niya.
Humigop lang ng kape ang kanilang ama at kinuha na ang sumbrero niya, sabay dungaw sa labas.
"Hayaan niyo na ang ama niyo, sige na, mag-almusal na kayo," utos niya.
Nagsimula nang kumain ang mga dalaga, pero hindi nila maiwasang malungkot dahil sa sinabi ng ama nila.
Nang matapos na sila sa pagkain, agad niligpit ng mga nakakatanda ang pinagkainan, habang yung iba ay nag-bihis na.
"Pag talaga dumating ang prince charming ko, sasama talaga ako agad para makaalis na rito," sabi ni Yoko.
Natawa si Becky sa sinabi niya, hanggang ngayon kasi, yung prince charming pa rin ang naiisip niya.
"Sige, isama mo na rin ako," sabi ni Charlotte.
"Hindi pwede. Hintayin mo yung sayo," sagot ni Yoko.
Kinuha niya ang bota niya sa ilalim ng kama at binalot ang sarili niya para hindi gaanong maarawan mamaya kapag nagbilad na siya sa araw. Ganoon din ang ginawa ng mga kapatid niya.
BINABASA MO ANG
QUERENCIA
RandomThis is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie Freen x becky
