Faye POV
"Bro, kanina ka pa dyan! Pinapatawag kana ni Lolo — hindi raw magsisimula tong party hangga't wala ka."
Ang OA naman ng mga tao dito. Tumayo na ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Mukha namang akong tao, kaya oky na 'to.
"Tara na."
Habang pababa kami ng hagdan, palakas ng palakas ang tunog ng musika na pinapatugtog nila. Napatingin naman sa amin ang mga bisita.
"Nandito na pala sila!"
Napalingon sa amin ngayon ang lahat ng bisita — mapabata man o matanda. Napapikit ako ng biglang tinutok sa amin ang spot light. Ang sakit sa mata.
"Ladies and gentlemen, I want to introduce to you my granddaughters!"
Bigla namang nagpalakpakan ang mga bisita, pero hindi ko sila maaninag dahil sobrang dilim ng kinatatayuan nila. Sumenyas ako na alisin na nila ang spot light dahil talagang masakit na.
"Let the party begin!"
Laking gulat ko nang may biglang humila sa akin — hindi ko alam kung sino. Hinanap ko ang ibang kapatid pero hindi ko na sila maaninag.
"Excuse me, miss, do I know you?"
Hila lang siya ng hila sa akin papunta sa pool area. Nakasuot siya ng puting crop top at short shorts. Parang sanay siyang mag-party, at mukhang galing din sa mayamang pamilya dahil sa kintab ng alahas na suot niya.
"Nope, but let me introduce myself. I'm Francesca, but you can call me Baby for short."
Napangiwi ako ng nguso ko sa sinabi niya. Baby my ass. Kinuha ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"You look so young for me. Kaya maghanap ka na lang ng kasing-edad mo."
Iniwan ko na siya at hinanap ang apat. May dumaan na crew na may dalang alak, kaya kumuha ako ng isa. Hindi ako nagpapansin sa mga nakakasulong ko dahil ang tanaw ko ay nasa malayo — parang si Engfa yung nakikita ko.
"Ouch!"
Tinignan ko naman ang bumanga sa akin. Nakahawak siya sa noo at pagtingala siya sa akin, nagkatitigan kaming dalawa. Parang kaming dalawa lang ngayon ang nandito sa pool area. Hindi ko alam kung nabibingi na ako, pero wala talaga akong marinig kundi ang tibok ng puso ko.
"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"
Bigla niya akong itinulak ng mahina at iniwan. Wait, parang pamilyar yung boses niya. Haharapin ko sana siya pero nagulat ako na nasa dulong bahagi na siya ng pool. Ang bilis niya naman.
"Fa!"
Tawag ko sa kanya na ngayon ay nagtatakbo habang kasayaw ang mga babaeng mukhang... basta.
"Faye, bakit nakakunot na naman yang noo mo? Come here, let's enjoy this night!"
Hinila niya ako papunta sa gitna. May lumapit na babae sa akin at sinayawan ako.
"You don't know how to dance. Don't worry, ako ang bahala sa'yo."
Bigla siyang tumalikod, kinuha ang kamay ko at nilagay sa katawan niya. Nilapit pa niya ang katawan niya sa akin kaya napangiti na lang ako. Hindi naman siguro masama kung magsaya rin ako paminsan-minsan.
Ininom ko ang alak na kinuha ko kanina at may kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa katawan ko — yung parang nagpapasayaw sa akin. Sa rami ng nainom kong alak sa buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Kinuha ni Engfa ang basong walang laman at pinalitan ito ng may laman. Nakisayaw muna ako sa kanila bago ko tinungga ang hawak kong alak.
Ilang oras ang nakalipas — ilang baso na ang nainom ko at umiikot na ang paningin ko. Napadako ang tingin ko sa pool at napaisip akong tumalon doon.
BINABASA MO ANG
QUERENCIA
RandomThis is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie Freen x becky
