RODRIGUEZ SISTERS

6K 62 9
                                        


Isang maganda at maaliwalas na araw na naman ang bumungad sa mansion ng Rodriguez. Ang pamilya na kilala ng lahat dahil sa angking pagiging matulungin nito sa syudad na kanilang sinasakupan. Pero lingid sa kaalaman nila kung ano ba talaga ang nangyayari sa buhay ng mga Rodriguez.

"Beth, wake them up," utos ng hindi pa naman ganon katandang lalaki na may hawak na dyaryo sa isang matandang kasambahay.

"Masusunod po, Senyor," sagot ng kasambahay.

Sinunod naman niya ang utos ng kanyang amo. Tinawag niya ang limang kasamahan at inutusan ang mga ito na isa-isang gisingin ang mga amo nila. Nagmistulang karera ang pag-akyat nila sa mahabang hagdang papunta sa kwarto ng mga ito.

Sabay-sabay nilang kinatok ang pintuan ng kanilang amo. Makailang katok na sila pero hindi pa rin bumubukas ang pinto, kaya ginamit na nila ang hawak nilang spear key para makapasok sa loob ng kwarto ng mga ito.

"Magandang umaga po, Senyora," sabay-sabay rin nilang bati sa mga amo nila na nananatiling himbing pa rin ang tulog.

Hinawi na nila ang kurtina na nakatakip sa malaking bintana upang masilayan ang liwanag ng araw sa kanilang mga amo.

"Anong ba! Can you close that fucking curtain?" hindi maiwasan ni Lisa ang inis sa katulong na bumukas ng kurtina.

"Oh.. Gohh.. Can you give me at least 30 more minutes to sleep?" reklamo ni Freen, sabay talukbong ng unan sa mukha niya.

"Dude.. My eyes hurt, can you close it?" bumaling si Lux sa kabila upang hindi matamaan ng sinag ng araw ang mukha niya.

"Wait, what? Umaga na, kakauwi ko pa nga lang," napabuntong-hininga si Engfa dahil hindi siya makapaniwala na umaga na naman.

"Don't you dare open that curtain," napalunok ang kasambahay sa sinabi ni Faye. Hindi na niya nagawang buksan ang kurtina sa takot na mapagalitan siya ni Faye.

"Pinapatawag na po kayo ng papa niyo, Senyora," nanginginig na sambit ng kasambahay kay Faye.

"I don't care," sagot nito sa kasambahay, sabay talukbong ng kumot.

Walang magawa ang kasambahay, hinayaan na lang niya ito. Lumabas ang kasambahay na dismayado. Napatingin siya sa ibang kasambahay na kakalabas lang din ng kwarto ng iba pa nitong amo, kagaya niya, dismayado rin ang mga ito.

Bumaba na sila para mag-report kay Beth na ayaw pang tumayo ng mga amo nila. Sa hagdang pa lang, napansin na ni Beth ang mga mukha nila, kaya napabuntong-hininga na lang ito.

"Senyor, ayaw pa pong bumangon ng mga anak niyo."

Napasinghap ang lalaki sa narinig niya mula kay Beth. Ibinaba nito ang dyaryo na binabasa niya at kinuha ang isang walkie-talkie sa guard na nakatayo sa tabi niya.

"I will count to ten, at kapag hindi pa kayo bumaba rito, alam niyo na ang parusang matatanggap niyo."

"10."

"9."

Bawat kwarto ng anak niya ay mayroong speaker, at nang marinig ito ng mga anak niya, agad silang nagsi-tayuan at dali-daling bumaba.

"3."

"2."

"1."

Naupo naman sila sa mga upuan. Lahat sila ay napapahilot ng leeg. Sinuri ng lalaki ang mga anak niya, ngunit kulang sila ng isa.

"Where is Faye?" Nagkibit-balikat ang apat.

"Chill, I'm here," wala namang sa mood si Faye na umupo sa tapat ng ama niya.

                 Lisa       Freen
Father - - - - - - - -- - - - - - Faye
                 Engfa        Lux

"Anong tong narinig ko sa mga kasambahay na inumaga ka nanaman ng uwi, Engfa?" tanong ng ama niya.

QUERENCIAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon