UNANG TAGPO

1.6K 48 13
                                        


Faye POV

"Nandito na po tayo sa mansion ng lolo niyo, Sinyora," anunsyo ng driver.

Inunat ko ang mga braso ko at tumingin sa labas ng bintana. Walang pinagbago ang lugar na ito.

Nangalay ang puwet ko sa magdamag na pagkakaupo. Sino ba naman ang hindi mangangalay kung mahigit apat na oras ang biyahe?

Isa-isa kaming bumaba ng sasakyan. Sinuri namin ang labas ng mansion. Abala ang mga hardinero sa paggupit ng malalaking halaman. Ang dami ring maids na papasok-labas ng mansion.

"Sobrang ganda talaga ng detalye nitong mansion. Sana sa akin 'to ipamana ni Lolo," sambit ni Lisa.

Tama si Lisa. Sobrang laki nito at napakaganda ng mga detalye. Kung tititigan mo itong mabuti, mapagkakamalan mong luma ang mansion dahil sa madilim na kulay gray nito. Pero kapag malapitan, mamamangha ka sa ganda nito.

"I'm glad nakarating kayo nang ligtas dito. Now, give me ten push-ups!"

Nagkatinginan kaming magkakapatid. Walang gustong sumunod sa utos ng matanda.

"I said, now!"

Bigla kaming nakarinig ng hampas ng latigo kaya agad kaming dumapa sa lupa para sundin ang utos niya.

"8"

"9"

"10"

Sabay-sabay naming pagbilang. Pagkatapos, tumayo na kami at nagpagpag ng kamay habang hinihingal.

"Follow me."

Kinuha na ng mga maids ang mga bagahe namin. Sumunod kami sa matanda papasok sa loob ng mansion.

Pagpasok mo pa lang, may malaking picture na agad na bubungad sa'yo. Larawan ito ni Lolo noong general pa siya. Sa gilid naman ay ang picture namin kasama siya, at sa kabila, larawan naming lima.

"Ano na naman ang kagaguhang ginawa ninyong lima kaya't ipinatapon kayo ng ama niyo rito?" tanong ni Lolo.

Nakayuko lang kaming lima at walang gustong sumagot.

"Ngayon, naging pipi na kayo? Have a seat. Alam kong napagod kayo sa warm-up natin."

Umupo kami sa sofa na sobrang lambot. Ang comfy sa puwet, hindi katulad ng upuan sa kotse.

"Hindi na kayo bata para parusahan pa. Kung tutuusin, puwede na nga kayong mag-asawa."

"Lolo, alam mo namang wala sa bokabularyo namin 'yan," sagot ni Lisa. Paano ba naman kasi hindi siya nagseseryoso sa relasyon, at ang pinakamatagal na nakarelasyon niya ay tatlong buwan.

"Palibhasa, init lang kasi ng katawan ang hinahanap niyo, hindi 'yung init ng puso niyo. Well, saan pa ba kayo nagmana? Edi sa akin din. Katulad niyo lang din ako noon, sex lang din ang habol ko sa mga naging girlfriend ko. Ngunit noong makita ko ang Lola niyo, nagbago bigla ang ihip ng buhay ko."

Ito na naman ang mahiwaga niyang kuwento tungkol sa love story nilang dalawa ni Lola. Sawa na kami sa paulit-ulit niyang kuwento, pero hindi namin ipinapaalam sa kanya.

"Ang tanong, saan namin mahahanap ang babaeng magpapabago ng ihip ng buhay namin?" tanong ni Lux sabay akbay kay Lolo.

"Baka may kilala ka diyan."

Hinampas lang siya ng matanda dahil sa kapilyuhan nito.

"Well, I know someone na may anak na magaganda."

Napairap ako sa sinabi nito. Then what? He's gonna force those women na pakasalan kami? That's bullshit.

"Can I excuse myself? My butt hurts. I want to rest," paalam ko. Gusto ko munang humiga sa malambot na kama. Hindi pa kasi ako nakakabawi sa pagtulog simula kagabi dahil ginugulo ako ng isip ko.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon