Section O

3 1 0
                                    

Kaiane's POV



Dumating ang dalawa pang tao kaya napabalikwas kami ng posisyon. I cleared my throat to easen the atmosphere. Umalis siya at tumabi siya sa dalawa. Unang nagsalita ang isang lalaki.


"Hi, tol! Remember me?" sabi ng lalaki. Napa-'Aww' siya nang medyo matagal ang pagsagot ko. Pamilyar ang boses niya... Teka... Boses...


"Pierre?!" hindi ko makapaniwalang sabi. Tumili naman siya na parang babae at hinawakan ang dalawa kong kamay sabay talon papaikot kaya naki-tili na rin ako.


Tumigil kami nang makarinig ng tawa mula sa babaeng kasama niya. Ang clingy pala nito ni Pierre at nakayakap lang sa kaliwang braso ko, dalawa kaming nakaharap sa babae.


Nanlaki ang mata ko nang hawakan ng babae ang tainga ni Pierre at itinabi sa kaniya. Para namang batang pinagalitan ng nanay dahil nakanguso. The woman cleared her throat before speaking.


"Pardon him, Kaiane. Ganiyan lang talaga siya. So I guess we haven't properly introduced ourselves? From Section O—"


Hindi natapos ang sinasabi niya nang lumapit sa akin ang lalaking katabi ni Heath para bumulong. "O means Oracle, by the way." sabay kindat.


The woman sighed and continued. "I'll explain it to you later but we'll introduce ourselves first." sinamaan niya si Pierre ng tingin, emphasizing 'we'll'.


"So what I was saying, from Section O - Supreme, I'm Vivian Rox Fidalgo, a witch. You can call me Viv, nice to meet you." we shook hands. So siya pala ang kaisa-isang babae na kinakausap ko.


"Kilala mo na ako, 'di ba? Ako lang kasi 'yong kumakausap sa 'yo, e, 'no?" sumusulyap-sulyap siya kay Heath na ikinatawa ko. Nakita ko ang pagsiko niya kay Pierre. "Pierre Witte Coleman, pinakapoging werewolf. Classmate tayo, tol. 'Wag ka mag-alala, makikita mo ako araw-araw."


Palihim akong suminghap. Classmate kami? Edi werewolf din ako?


Tumingin ako sa natitirang lalaki. Napagtanto kong siya ang nakita kong pogi sa section ng vampires. "Heath Zax Yates. Vampire."


"Yates?" takang tanong ko nang marinig ang pamilyar na apilyido. "Same surname sa principal?"


I saw him nod. Vivian told me that Heath and the principal are siblings. Ah, kaya pala. Hindi ko namalayang nakatitig lang kami sa isa't isa nang um-'ehem' si Vivian.


Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Pierre sa tabi niya. Minataan ko siya nang palihim niyang tinuturo si Heath at bumubulong ng "Crush mo". Inirapan ko siya. I mouthed 'Alam ko!' back, hiding my smile.


Hindi ko na ide-deny na crush ko siya kasi totoo naman 'yon. Pero hindi na niya 'yon kailangan malaman, 'no. Unless, madaldal 'to si Pierre.


Ako na pala ang magpapakilala. Magsasalita na sana ako nang mauna si Vivian. "We already know you, don't worry. Let's go inside?"

Creature CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon