First Training

4 1 0
                                    

Kaiane's POV




Pumikit ako nang pagkatalon ko ngunit nagtaka ako nang wala akong naramdamang sa sakit sa pagkabagsak. Instead, I felt a body on my back and hands on my arms, guiding me.


"You can open your eyes," I heard his voice. I opened my eyes and saw Heath. "You're safe."


Ngumiti ako't nagpasalamat sa kaniya bago umalis sa bisig niya at inilibot ang aking tingin. Madilim, iilan lang ang nakikita kong ilaw ngunit hindi pa rin ito sapat para lumiwanag nang buo. Nakasabit din dito ang mga walang sinding tanglaw.


Para itong colosseum sa Rome. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit gabi rito? Kala-lunch lang namin kanina kaya dapat may araw pa. May mga upuan naman na nakapalibot ngunit ang iba ay natakpan na ng lumot at damo. Nasa pinakagitna kami.


"Heath? Nasaan tayo?" tumalikod ako pero wala siya. Iniwan niya ba ako mag-isa?


'Heath.'


Sinubukan ko siyang tawagin sa pamamagitan ng utak ko pero wala siyang sagot. Napasinghap ako nang ang mga ilaw ay namatay. Sa hindi malamang dahilan, ang mga tanglaw ay sunod-sunod na nagkaroon ng apoy.


Medyo lumiwanag kaya nakikita na ang ibang bagay na natatakpan ng kadiliman kanina. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking pawis dahil sa init na ibinubuga nito. "Ang init, gusto ko na bumalik. Nasaan na ba si Heath?!"


"Kanina pa siya wala, Kaiane," nagulat ako nang may marinig akong hindi pamilyar na boses sa likod ko. Humarap ako at nakita ang isang babae. She is tall and beautiful; based on her looks, I think she's in her early middle age; her hair is long and wavy in a yellow-blonde color; and her eyes are light brown.


"Kung marunong kang makiramdam, kanina mo pa alam na wala siya." something about her voice screams seems unusual. It felt powerful. "Kung magiging manhid ka lang sa paligid mo..."


I was shocked by what she said next. "Get out of Creature Campus. Umalis ka. Hindi na kailangan ng tatlo ng pabigat sa kanila. They can function without you, pero ikaw? Dedepende ka lang sa kanila. Bakit?"


"Kasi. Mahina. Ka."


Every word she utters goes right through my heart, slowly shattering it. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Mahina akong humalakhak. "Teka lang naman po. Wala pa akong isang araw dito..."


"The vibes you released ever since you stepped on campus were pure weakness. Lahat ng estudyante rito iniisip na bakit may pabigat nanamang nakapasok sa campus," she laughed.


"Hindi mo ba napansin? Ah. Oo nga pala..." her face suddenly turned serious, intimidating me. "Manhid ka. Wala kang pakialam sa paligid mo. You are selfish."


Magsasalita na sana ako nang tumalon siya at napasinghap ako nang mag-anyo siyang ibon. Sinundan ko siya ng tingin ngunit sa sobrang bilis niya ay hindi ko na nahagilap kung saan siya lumipad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Creature CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon