✰ Prologue:
----------------------------------------------------------------------------------------------
Meet F8 o Foevahh 8finity (F∞) Magkakaibigan mula pagkabata. Since grade 1 or 2 magkakaklase na sila hanggang ngayong Graduating na sila ng high school. Hindi sila bullies, meanies or kung ano ano pa man tulad ng iniisip niyo. Hindi nila ginagaya ang F4. Sadyang trip trip lang talaga nila na ganun ang pangalan ng barkadahan nila. Hindi rin naman sila tinuturing na 'special students' sa school nila dahil para sa kanila, lahat sila pantay-pantay. Hindi porket sikat ka o ano ay sasantuhin ka na.
Binubuo ng iba't ibang katangian. May swimmer na mahilig sa potato, may ubod ng talino lalo na sa larangan ng Math, may malabo ang mata pero magaling sa volleyball at basketball, may childish na mas bata naman talaga sa kanila ng isang taon, may isip batang ubod sa lakas ang trip, may heartbreaker na hindi mo malaman laman kung sino talagang gusto niya, may gwapo pero palatawa at masaya kasama at may isang taong yun na nasakanya na ang lahat; maganda, mabait, mayaman, matalino, talented, LAHAT NA!
Hindi man sila pare-parehas ng mga katangian, mayroon pa ring iisang bagay na nanatili sa kanilang lahat. Ang kanilang PAGKAKAIBIGAN. Pagkakaibigan na hindi masisira ng kung sino o ano man.
Siguro nga darating yung araw na kailangan na nilang maghiwa-hiwalay para abutin ang kanilang mga sariling pangarap pero para sa kanila, sila ba rin ang FOEVAHH 8 kahit anong mangyari. FOREVER SILANG MAGKAKA-IBIGAN.
Oo, meron din namang mga taong gusto sumira at naiinis sa kanila pero hindi nila pinapansin ang mga yun. Ang mahalaga, magkakaibigan sila.
Ano kayang mangyayari kapag dumating ang araw na pinaka-kinakatakutan nila? Na kailangan na nilang maghiwahiwalay?
Tara na't magbasa para malaman natin kung anong mangyayari sa last year nila sa pagiging high school students :)
✄---------------------------------------------------------------------------------------------------------
F8 (Foevahh 8finity) members:
Bea Malonzo- napakagaling sa larangan ng swimming. Madami na siyang napanalunan na awards, medals, certificates at trophies sa larangang ito. Napakahilig rin niya sa 'Potato' sa di malaman laman na dahilan. Hindi niya favorite ang mga katagang, "Hay nako, nakakasira ng araw." Pramis di niya favorite yun! Subukan niyo lang siyang busitin at baka lunurin niya kayo sa swimming pool.
Daniel Leshawn Hwang- ang kaibigan nilang daig pa ang calculator sa sobrang bilis magsolve ng iba't ibang math problems. Takbuhan siya ng lahat kapag mayroon silang hindi nagegets sa Math. Napaka-sweet niya pero hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend tulad ni Brentt. Eto kasi ang motto niya: 'Study first.' May nagugustuhan siyang iba at parehas sila ng nararamdaman sa isa't isa ngunit mayroon siyang isang kaibigan na palihim na may gusto sa kanya. Awts lang noh mga dre?
Martina Alyssa Lee- hinahangaan ng marami dahil sa kanyang ganda, bait, talino at galing sa napakaraming bagay. Siya ang 'SC President'. Siguro nga't meron rin siyang ilang 'haters' ngunit hindi naman siya nagpapa-apekto sa mga ito dahil ang alam niya lang, FINOLLOW SIYA NI CHACHI GONZALES SA TWITTER, Tapos! Oo, Idol niya si Chachi. Madami rin siyang manliligaw ngunit iisang tao lang ang nagpatibok ng kanyang puso at yun ay si..... Hayyy secret muna! Basahin niyo nalang
Diana Valencia - ang kaibigan nilang kulang sa height ngunit sobrang lakas ng trip. Masayahin siyang tao at halos dinadaan niya na lang lahat ng bagay sa pagtawa. Beware dahil nakakamatay ang pagtawa niya. Huwag na huwag mo siyang mamaliitin kahit maliit siya. Naniniwala siya na balang-araw, magiging endorser din siya ng Cherifer. Mahilig siyang tumugtog ng piano at medyo malalim din magtagalog.
Tiarra Laureen Lazaro- sa unang tingin aakalain mong isang sipa lang at matutumba na siya pero wag kayo! Wag na wag niyo siyang mamaliitin dahil halos kabisado na niya ata lahat ng uri ng sports lalo na ang basketball at volleyball. Talagang mapapanganga ka pag nakita mo siyang maglaro. Akala mo'y isa siyang dalagang Pilipina ngunit normal naman siyang tao para magka-crush at yun ay si.... Chicklet :P
Chantael Thania Nimer- childish din kung maituturing pero talagang matatakot ka sa kanya pag nagalit siya. Siya ang pinakabata sa barkadahan pero ayos lang naman sa kanila dahil masaya siyang kasama. Mahilig siya sa letrang 'K'. Mas matangkad pa siya sa crush niya kahit mas bata siya pero wala siyang pakealam dahil yun ang tinitibok ng puso niya. Anubeyyy!! Makulit man siya, pagdating sa taong gusto niya, natitiklop siya.
Emrick Mico Sanchez- Ang 'playboy' o 'heartbreaker' ng barkada. Halos lahat ng nadadaanan niyang babae tumitili sa kanya. Wala siyang nililigawan na babae dahil sila mismo ang kusang lumalapit sa kanya, ni wala pa nga siyang naging girlfriend na umabot ng 1 buwan. May makikilala siyang babae na bibihag ng puso niya ngunit sa kalaunan ay malalaman niyang niloloko rin pala siya gaya ng panloloko niya sa napakaraming babae.
Brentt Kent Smith- tinitilian rin ng napakaraming babae ngunit hindi playboy katulad ni Emrick. Mabait siya at naiintindihan niya ang nararamdaman ng mga babae. Huwag na huwag mo siyang tatawaging 'bakla' kung ayaw mong humiram ng mukha sa aso. Madami ring nagsasabing may potential siya sa pagiging model dahil napaka-photogenic niya sa harap ng camera. Palabiro rin siya at makulit.
----------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry kung sobrang ikli ng Prologue xD Ahe. Official logo ng F8 nasa side ➚
➸potatopatootie