★ Potato 3 ★
----------------------------------------------------------------------------------------------
Bea's POV
Pilit akong sumisigaw pero walang nakakarinig sakin dahil nakatakip ang bibig ko. OMG sino toh!! Pinipilit kong tanggaling mula sa bibig ko ang kamay niya pero hindi ko kaya dahil masyado siyang malakas.
Naglakad siya kaya napalakad din ako hanggang nakarating kami sa may sala kung saan dun lang ang natatanging mayroong liwanag. Pinaupo niya ko sa harapan malapit doon habang may nakatutok na ilaw sakin mula sa taas. Mukha naman akong presong may dapat aminin dito oh.
Kahit may liwanag, hindi ko pa rin makita ang mukha nung lalaking nagtakip ng mukha ko dahil may mask siya pero masasabi kong parang....
tinanggal niya ang mask niya at ...
"Papa?! Anong ginagawa mo?!" napasigaw ako. Hindi ko talaga magets. Nakapang-pulis siya na costume. Actually buong family namin may costume na pang-pulis. Pangarap ko kasing magingpulis at suportadong suportado nila ako. Huhuhuhu. What a sweet family (っ◔◡◔)っ ♥
Okay tama na muna ang kwento. Medyo napapaisip pa rin ako kung bakit naka-police suit si Papa at para akong preso dito.
"Umamin ka, sino yung lalaking naghatid sayo kanina?" sabi ni Papa with matching palakad lakad effect pa. Pffft. Natawa ako ng konti. Ibang klase talaga ang pamilya ko xD
"Anong kababalaghan ang meron sainyo ng lalaking iyon?" bigla namang lumabas si Mama from nowhere. Ehhh? Anong meron?
"At meron pa talagang nalalaman na hatid hatid ah!" sabay sulpot naman ni... "Ate Miles? Anyanyare? hehe?" tanong ko. Grabe anu toh natatawa na ko na ewan hahahahha XD
"BOYFRIEND mo ba yon? Umamin ka!" sigaw ni ate Pau.
"Huy hindi ahhh! Kakakilala ko nga lang dun eh!" sabi ko. "Defensive!" sabi ni Papa. "Kebata bata..." sabi naman ni Mama.
"Osige wag niyo kong paniwalaan ah! >3<" pagtatampo ko. Sinindi na nila yung ilaw at nilapitan nila ako. "Uy joke lang! Ayieeee si Beybeh Bea dalaga na!!" sabi nila ate Miles at Pau.
"Sus kung ano anong nalalaman. Ang bata bata may pa-boyplen boyplen na." sabi ni mama sabay irap sakin. Natawa naman kami hahahahahaha. "Joke. I love you beaaaaaaaaa" sabi ni Mama sabay hug sakin.
"Pinagpalit mo na ko. Ouch.. Ouch... Oh asawa ko, bakit, bakit?! HUHUHU" sabi naman ni... Papa. Hahahahahaha.
"Anung pinagpalit? Nagseselos ka ba sa sarili mong anak? *yakap kay Papa* papakasalan ba kita kung hindi kita mahal?... yak ang korni ko." sabi ni Mama.
"Ayieeeee~!" sigaw namin nila ate.
"Ate Miles paki-ready yung mga mouse trap. Dadagain tayo. Ang cheesy ohh!" sigaw ko at nagtawanan nanaman kami. Haaaaaaay.
Sa buhay ko, meron akong mababait (weh di nga) na mga kaibigan at pamilyang mapagmahal, ano pa bang hihilingin ko sa buhay ko diba? ;)
==
Rafael's POV
Akala ni Bea umalis na ko pero nandito pa rin ako sa harap ng bahay nila.
Hindi niya man lang ba napansin bakit alam ko bahay nila? Hahahaha. Bea talaga...
Parang kelan lang Bea... Parang kelang lang...
Hindi mo na ba talaga ako naaalala? Awts naman ohh. Ang sakit dito ➙ ❤
Tagos hanggang spinal cord. Hahahahaha. Ang drama ko talaga.
==
Bea's POV
Panibagong araw nanaman. Yay!
Panibagong araw kung saan makakasama ko ang F8 at makikita ko si Rafaeeeeeeeeeeeeeeel. Ayieeeeeeee!! ヅ
After naming mag-breakfast sa Southern Brew (Coffee Shop namin), hinatid ako ni Dad sa school. Yeyyyyyy!!
"Bye Pa." sabay kiss ko sa cheeks niya.
"Bye Bei. Sa susunod pakilala mo sakin boyfriend mo ah?"
"Pa, hindi ko nga boyfriend yun!!" natawa naman si Papa sa tono ng pananalita ko.
"Oo na sige. Pasok ka na. Bye! Love you."
"Love you too Pa! Ingat!" kumaway na ko kay Papa at nagmadali na kong pumasok sa main gate. Baka mamaya malate nanaman ako. Hahahaha.
Pagpasok ko, akala ko late na ko. Yun pala, SOBRANG AGA ko. Nakalimutan pala naming i-adjust yung orasan sa bahay. 1 hour advance pala yun. Haaaaaaaaaaay.
Ang aga pa pero ang dami ng nagkukumpulan dun sa isang tabi at nagsisigawan. Anyare? Baka naman may lumilipad na ipis? Hahahahaha. Naalala ko tuloy si Diana. Takot siya dun eh. Palibahasa ang liit niya. JOKE. xD
Papunta na ko sa classroom. Ayoko ng malate. Haaaaaaaaaaaaaaay.
"Grabe ang gwapo nung transferee noh!" Student 1. huh? may transferee? umabsent pa talaga ng isang araw ha. Hindi na pumasok kahapon. Tamad siguro yon xD
"Oo nga! Narinig ko lumaki siya sa Korea tas nagstay siya sa Bulacan ng almost 2 years." Student 2. Stalker matss ang peg? Alam na alam ang kwento.
"Bakit kaya siya lumipat dito?" Student 3.
"Kasi daw may hinahanap siyang girl!" Student 1. Grabe. From Bulacan lumipat siya dito para lang sa isang babae? Swerte naman ata nung babaeng yun.
"Kyaaaaaah! Hindi kaya siya yung nawawala kong prince charming?" Student 2. Binatukan naman siya nina Student 1 at 3. Sorry ah, di ko aam pangalan nila xD
Binilisan ko na ang paglalakad at baka may marinig nanaman akong chismis. Ke-aga aga chismis agad XD
Pagpasok ko sa classroom, nakita ko agad si Chantael at Brentt. Ang aga din pala nila. Agad nila akong nilapitan.
"Huy Bea, nakita mo na ba yung transferee? Grabe ang fogiiii! Ang tangkad! Mas matangkad pa sayo!" Oo, matangkad ako. May angal? joke lang. Baka matakot kayo sakin eh XD
"Hay nako Brentt, kung di talaga kita kilala iisipin ko b--" hindi na natapos ni Chan yung sasabihin niya kasi kinuwelyuhan siya agad ng pabira ni Brentt. "Subukan mong ituloy yung sinasabi mo at uupakan kita." sabi ni Brentt with a 'kungwa-kungwareng-serious-face' Para saken di siya nakakatakot. Nakakatawa pa nga eh xD
"Whaaah! Takot ako!" natatawang sabi ni Chan.
"Hoy tumigil na nga kayo diyan. Anyways, sino kaya yung transferre na yun? Ang gwapo naman ata para tilian nung mga schoolmates natin. Nakaka-curious ha."
"Ou nga, sino kaya yun?" pag-agree naman ni Chan dun sa sinabi ko. "Hay nako mga friends, tara punta muna tayong Cafeteria. Kain muna tayooooo." sabi ni Byent. "Baka malate nanananaman tayoooooo." sabi ko. Eh sa ayokong malate eh!
"Hindi yaaaan! Tara na!" at hinila nila akong dalawa papuntang cafeteria. Hangkuleeeeeeet.
Papunta na kami ng Cafeteria ng biglang may humili saken at...
niyakap ako...