◄ Potato 10 ►

39 2 0
                                    

                                              ★ Potato 10        

----------------------------------------------------------------------------------------------       

Lans' POV

Kailangan kong mahanap si Bea bago pa man siya mahanap ni Raf.  

Di ko mapigilang mapangiti dahil sa excitement na nararamdaman ko mamayang gabi.

Mamayang gabi, She'll be completely mine.

Buong akala niya ipapakilala ko siya sa parents ko but hell no! Kailan pa ba sila nagkaron ng time sakin? 

Yes, I'm selfish and I'm proud of it. Lahat ng gusto ko nakukuha ko except for having a happy family. I may look desperate but I don't care.

Ang mahalaga, mapapasakin na si Bea. 

Wala na kong panahon para magkwento pa. Agad agad akong pumunta sa parking lot para kunin yung motor ko. Sumakay ako doon at ipinatakbo ito ng mabilis. I can't wait to see you Bea. 

Sa kakamadali ko, hindi ko na napansing naka-red pala ang stop light and it means stop. Bago ko mamalayang mali ang ginawa ko, napaandar ko na ng mabilis ang motor ko and I end up being chased by the police.

"Sir, mali po talaga yung ginawa niyong paglabag sa traffic lights. Besides, studyante ka pa. Mabuti na lang at may student's liscense ka. Kailangan niyo pong--" alam kong mahaba haba pa ang pangsesermon sakin nung police officer kaya agad na rin akong nagsalita.

"Sorry pero may pupuntahan pa talaga ako. Nagmamadali po talaga ako. Please mamaya niyo na lang po ako pagmultahin o ano. Kailangan ko na po talagang umalis. Bye!" 

Agad akong tumako papunta sa motor ko at ipinaandar ako. Narinig ko pa ang pagtawag ng ilang pulis sa akin pero hindi ko na lang sila pinansin. Aish! Bakit ba kasi may pulis na rumuronda nung hindi ko sinunod yung traffic lights? Ok, mali naman kasi siguro yung ginawa ko kaya I deserve this. Tch. 

Mahigit 30 min din akong nageexplain dun.

Ang bobo mo Lans!

Baka mamaya naunahan ka na ng ungas na yun! Aish!! Napailing iling na lang ako habang minamaneho ko tong motor ko. Mahirap na, baka hindi ko nanaman mapansin yung stoplight at mahuli nanaman ako ng pulis. 

Itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa pagmamaneho. Ilang lugar na din ang napuntahan ko pero wala naman akong nakikitang ni isang anino ni Bea. 

Umikot ikot na ko sa buong siyudad pero hindi ko talaga siya makita.

Napatigil ako sandali at napag-isip isip kong meron pa pala akong isang lugar na hindi napupuntahan. 

Psh! Ba't di ko nga ba naisip yung lugar na yun kanina pa?! Aish!!

Pumunta ako kung saan ko ginulat si Bea nung isang araw. Dun sa lugar kung saan napulot ko yung necklace na 'yun' na naging dahilan kung bakit nagkanda-loko loko na ngayon. 

Alam ko doon siya pumupunta pag malungkot siya o kaya'y mayroon siyang problema. Madalas ko siyang makita roon bago pa man ako pumunta sa States... 

Hindi nga ko nagkamali, nandito nga siya. Isang matamis na ngiti ang nabuo sa aking mga labi. Akala ko naunahan na ko, hindi pa pala :)

Umaayon ang tadhana sa mga plano ko.. I knew it.. we're really destined for each other.

I smell victory...

until I saw that man hugging MY lady. 

Bea's POV 

Tumakbo ako papunta sa pinakapaborito kong lugar at niyakap ko ang sarili ko. Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. 

Hindi ko alam kung ano bang iniiyak ko dito pero ang sakit naman kasi ehh! Alam mo yung feeling na iniiwasan ka ng gusto mo? 

Bakit ba ganun siya? Ano bang ginawa ko sa kanya?! Bigla na lang siyang umiiwas! 

Siguro nga umiiyak ako kase binabaliwala niya ko. Pero ang sakit naman kasi eh.

Nung mga nakaraang araw pinapakilig niya ko tas bigla niya kong bibigyan ng cold treatment. Nakaka-ewan.

Siguro nga gusto ko na siya. Yep, GUSTO as in LIKE...          not Love

Magkaiba yun.

Nanatili akong nakaupo sa mga damo habang yakap yakap ko ang mga binti ko.

I really love this place. Dito ako laging pumupunta pag malungkot ako. Naisama ko na rin ang barkada dito dati. Pero I prefer na pumunta na lang ako dito mag-isa pag malungkot ako. 

Tell me guys kung masyado ng senti ang peg ko dito. 

XD

Ok, di eto ang tamang panahon para magjoke. 

Humiga ako sa damuhan habang pinagmamasadan ko pa rin ang kalangitan.

3rd person's POV (A/N: Lol wala lang, gusto ko lang gamitin tong POV na toh XD) 

Umaayon sa kanya ang panahon. Mabuti't di maaraw at medyo mahangin. Walang kahit na anong ingay sa lugar na ito. Maririrnig mo lamang ang mga dahon ng mga punong tila sumasayaw dahil sa malakas at malamaig na simoy ng hangin.

Unti unting ipinikit ng dalaga ang aking mga mata at sinimulan niyang damhin ang malamig na simoy ng hangin. 

'Hay! Ang sarap talagang tumambay dito! Feeling ko nawawala lahat ng problema ko pag andito ako.'  isip isip ng dalaga habang nananatili pa ring nakapikit. Para sa kanya'y wala nang mas tatahimik pa sa lugar na iyon. 

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagmumuni-muni ng makaramdam siya ng gutom. Pakiramdam niya'y kumakalam na ang kanyang sikmura sa kadahilanang hindi pa siya kumakain ng pananghalian. Isa siyang 'swimmer'  kaya't hindi niya maaring pagurin at gutumin ang kanyang sarili. Kailangan niya ng sapat na lakas upang makalangoy ng mabuti.

Ilang minuto lang at naisipan niyang kumain. Ayaw pa niyang umalis sa lugar na iyon ngunit hindi niya na matiis ang gutom na kanyang nararamdaman. 

Minulat niya ang kanyang mga mata at nagulat siya sa kanyang nakita. Tila may mga kunehong tumatalon sa kanyang dibdib dahil sa sobrang lakas ng pagtibok ng kanyang puso at parang may mga paru-parong lumilipad lipad sa loob ng kanyang katawan. 

'Ang lapit ng mukha niya. Sheesh mas lalo siyang gumagwapo pag malapitan'  isip isip ng dalaga.

Kasalukuyan siyang nakahiga sa damuhan habang may lalaking napakalapit sa kanya.

Sa sobrang lapit sa kanya ng binata'y tila nararamdaman niya na ang mainit na paghinga nito.

Nagsukatan lamang sila ng tingin hanggang sa napagdisisyunan na ng dalagang basagin ang katahimikang pumapalibot sa kanila. 

"A-Ahhh K-Kailangan ko ng umalis." nauutal na sabi ng dalaga. Bahagya niyang itinulak ang lalaki upang makatayo na siya mula sa pagkakahiga. 

Tumakbo siya palayo sa lalaki ngunit nagulat na lamang siya nang may humigit sa kanyang kanang braso at niyakap siya... 

----------------------------------------------------------------------------------------------       

A/N: Baduy ba pag malalim na tagalog gamit ko? Sorry hindi ko lang talaga mapigilang gumamit ng ganung words. Nakaka-enjoy pag ganun eh. Sorreh!! 

Sorry din sa mga grammatical/ typographical errors kung meron man XD (lol pilnapil pagiging author XD)

Vote, Comment, Follow/ Be a Fan <333

 ➸potatopatootie

Potatoes Gonna Potate ☁Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon