◄ Potato 8 ►

50 4 0
                                    

                                              ★ Potato 8        

----------------------------------------------------------------------------------------------       

Rafael's POV 

Kanina pa ko nagmamasid-masid dito. Kung kanina nagyayakapan lang sila, pwes ngayon hindi na. 

Nakita ko kung paano unti-unting nagdampi ang mga labi nila. Oo, hindi siya tumutugon pero anong magagawa ko? Tao lang naman ako eh.. nasasaktan...

Naiyukom ko na lamang ang aking mga palad dahil sa galit na aking nararamdaman. Pinipiit kong kontrolin ang galit na nararamdaman ko dahil baka hindi magustuhan ni Bea yung pwede kong gawin dun sa lalaking yun. 

"Fvck!" naibato ko yung necklace na binili ko. Wala akong pakealam kung gano pa ka-mahal yun. 

Pumasok ako sa loob ng kotse ko at agad nagmaneho ako ng mabilis. Kailangan kong ilabas tong nararamdaman ko.

Bea's POV 

Tinutulak ko siya pero hindi ko talaga kaya. Naiiyak na ko... 

Hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga luha galing sa mga mata ko. Humahagulgol na ako sa kakaiyak pero parang wala pa rin siyang pakialam. Hindi pa rin siya tumitigil. 

"Tama na!" inipon ko yung lakas ko para ma-tulak siya. 

"Bea, I-I'm sorry.." tinitignan niya ako na para bang awang-awa siya sakin.. So ganun lang yon?! Mababago ba ng sorry niya yung ginawa niya sakin?!

"Sorry?! Yun lang ba kaya mong sabihin?! Binastos mo ko Lans! Anong magagawa ng sorry mo?! Wala! Sinira mo lang tiwala ko sa'yo!" Parang mga sasakyang nagkakarera ang mga luhang nag-uunahang tumulo mula sa mga mata ko. Ang sakit lang kasi eh. Alam ko naman na gusto niya ko noon pa... Ang hindi ko lang maintindihan, pano niya toh nagawa sakin? Hindi niya ba naisip yung nararamdaman ko?! 

"Please Bea So-- *pak*Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya sinampal ko siya habang nanginginig yung kamay ko sa sobrang inis. Hahawakan niya na sana yung balikat ko pero tinabig ko yung kamay niya. "Wag mo kong hahawakan." mariin kong sabi sa kanya. 

Sinimulan ko ng ihakbang ang mga paa ko nang muli siyang magsalita. "Hatid na kita." puno ng pagsisisi at pag-asa ang tono ng boses niya. "Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong mo." 

Naglakad na ko palayo sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha ko at sumakay na ng taxi pauwi sa bahay. Ayoko munang mag-training. Bahala na kong mag-explain bukas kay coach. 

Pagka-uwi ko ng bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Ni-lock ko yung pintuan. Kumakatok sina Mama at Papa at tinatanong nila kung okay lang daw ako. Hindi kasi ako kumain ng Dinner. Wala akong gana.  Nagkungwari na lang akong tulog para tumigil na sila sa kaka-katok. Gusto ko muna mapag-isa. 

Hindi ako makapaniwala na ginawa yun ni Lans. Childhood friend ko siya. Alam ko mabait siya. Alam ko pati siya nabigla siya sa ginawa niyo pero.. first kiss ko yun. 

Oo, minsan naiinis ako sa kanya kahit kaibigan ko siya kasi simula nung araw na sinabi niya saking gusto niya ko, lagi na siyang umaaligid sakin. Akala nga ng iba boyfriend ko siya eh. Hindi tuloy ako makalapit sa crush ko nun -.-

Pumunta lang isyang states kaya medyo natahimik yung buhay ko. Pero ngayon... bumalik nanaman siya... Haaaay -.-

Huhuhuhu. Tinakpan ko ng unan yung mukha ko at dun ako umiyak hanggang sa makatulog na ko..

Potatoes Gonna Potate ☁Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon