◄ Potato 7 ►

56 4 0
                                    

                                              ★ Potato 7        

----------------------------------------------------------------------------------------------       

Bea's POV 

"Ahhh! A-Ano may pupuntahan pala ako! Oo tama may pupuntahan ako! Ahh sige bye, bye na! Next time na lang, Sorry hehehe! Byeee!" 

"Pero Bea--- Bea waittt!!!" narinig kong tinatawag pa nila ako pero hindi ko na sila nilingon. Huhu Sorry F8 pero kailangan ko ng maka-alis dito!!

Tumakbo ako kahit saan at nung napansin kong nakalayo na ko sa paradahan ng jeep, sumilong muna ako sa ilalim ng puno.

Hinawakan ko yung puso ko. Haaaaaay, hingal na hingal ako kakatakbo. 

Nakita niya kaya ako?...

No! Imposible! Oo tama, Hindi niya ko nakita! Alam ko yun! Pramis hindi niya ko nakita!

Napa-pikit na lang ako habang nagpapahinga sa ilalim ng puno. Hay nako naman! Bakit ngayon pa ba siya bumalik! Maayos na eh!! Baka mamaya magkagulo gulo nanaman ang maayos kong life -.-

"Pssssst." Sino yun?

Tumingin tingin ako sa kung saan saan pero wala naman akong nakitang tumatawag sakin. Baka guni-guni ko lang? Humiga na ko ulit sa damuhan malapit dun sa puno at pumikit. Haaaaaaay. Ang sarap sa pakiramdam. Akala ko pa na--

"Hello!" 

"Ay Rafael!" bigla na lang may sumulpot na nilalang mula sa likod ko nasigaw ko tuloy yung pangalan ni Raf. >.<

Lumingon ako para makita sino yun pero laking gulat ko nung si....

O.O

"Miss me? Bakit parang gulat na gulat ka? Aminin mo, mas lalo akong gumwapo noh? Hahahahaha." 

Processing... 

Processing... 

Processing... 

Processing... 

Processing... 

Processing... 

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!! Bakit siya nandito!

Magsasalita na ko pero bigla niya akong inunahan. "Teka, sinong Rafael? Boyfriend mo ba yun?" 

Hala! Dapat hindi niya makilala si Rafael. Naku, naku! Baka mamaya madamay pa siya sa kalokohang toh. Ayoko mangyari yun noh! 

Hmm...

Isip isip!!

*ting!* 

"Ahh Si Raf yung aso namin. Oo tama yung bagong aso namin hehe. Arf arf!" mukha naman siyang satisfied sa sagot ko. Haaaaaaaaaay. Salamat naman di siya nakahalata.

Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga ko pero pinigilan niya ko. 

"Hep, hep, hep! San ka pupunta? Hindi mo ba ko na-miss? >3<" nag-pout pa siya! Ekk hindi niya bagay -.- 

"Osige na sige na na-miss na kita. So ano, pwede na ba akong umalis?" inirapan ko na lang siya at tumayo na ko. Aalis na sana ako pero bigla niyang hinila ang kamay ko at niyakap ako.

>.<

"Huyy anu ba! Alis na ko! Male-late na ko sa training!" pagsisinungaling ko.

"I miss you too Bea." 

O.O

>.<

>www<

Lans' POV 

Siguro nagtataka kayo kung sino ako noh? 

Well, it's time to introduce myself.

Lans Donato is my name. Gwapo, mayaman, mabait, talented, swimmer, at marami pang iba. 

Anong relasyon ko kay Bea? Hulaan niyo :PP

Alam ko iniisip niyo... na girlfriend ko siya? Hmmm.... 

Okay, tama kayo ng iniisip. Oo, girlfriend ko siya....

Girlfriend ko siya sa panaginip ko... 

Sana nga ganun na lang kadaling sabihin na girlfriend ko siya. Alam ko naman hanggang panaginip lang yun eh. Hanggang panaginip lang ang lahat. Isang hamak na nakakainis na kaibigan lang ang turing niya saken. Hindi ko nga alam kung tinuturing niya kong kaibigan eh.

Ha-ha-ha-ha. Nakakatawang isipin na sa dinami dami ng naghahabol sakin, yung babaeng kahit kailan hindi ako papansinin ang minahal ko. Siguro inisip niyo t*nga ako kase madami namang iba diyan pero bakit siya pa? 

Wala akong magagawa ehh..

Siya yung laman ng puso ko.

Rafael's POV

Pumunta ako sa mall para magpahangin. Ewan ko rin bakit ako napadpad dito hahahaha. Dito lang ako dinala ng mga paa ko. Naglakad-lakad lang ako sa mall at dumiretso ako sa QuanTin

(A/N: Ang QuanTin ay isang arcade-an na pagmamay-ari nila Martina kaya QuanTin yung pangalan. Forgive mehh please. Wala na talaga akong maisip na pangalan! XD) 

Naglaro ako ng tekken at basketball. Nakakabored na. Haaaay. Ayoko namang umuwi sa bahay dahil wala rin naman akong ginagawa dun kungdi mag-laro ng kung anu-anong computer games. Napagdesisyunan kong maghanap ng bagay na pwedeng ibigay kay Bea.. Hindi naman niya birthday... Wala lang, gusto ko lang talaga siyang bigyan ng gift ^_^

Halos isang oras na kong pagala-gala sa mall pero wala pa rin akong mahanap na kung ano mang pwedeng iregalo sa kanya. In the end, napadpad na lang ako sa harap ng isang jewelry store. 

"Good Afternoon Sir." bati sakin ng mga saleslady. Nag-smile na lang ako. 

Ang dami ko ng nakitang mga magagandang design ng necklace pero wala pa rin talaga akong mapili hanggang sa may nakaakit ng mga mata ko.

 (A/N: Eto po yung necklace hehe ➙) 

"Ay Sir, kaka-release pa lang ho niyan. Made in Paris. Reregaluhan niyo ho ba girlfriend niyo Sir? Tiyak magugustuhan niya ho yan." napa-smile naman ako sa sinabi nung babae. 

Girlfriend? Hmmm.... Malapit na *wink* 

"I'll take this one." binayaran ko na yung necklace at lumabas na ng mall. Kailan ko kaya toh mabibigay sa kanya?

Nagda-drive ako ng may makita akong babaeng nakahiga sa damuhan. Teka.....

si Bea yun diba? Bakit siya nakahiga sa damuhan ng walang kasama? Lapitan ko kaya? 

Kinuha ko yung necklace. Tadhana nga naman. Bumaba na ko ng kotse ko at lalapitan ko na sana kaso biglang may sumulpot na lalaki sa likod ng puno.

Sino yun?

May boyfriend na ba siya? 

Nagtago ako sa likod ng isang puno. Pinanuod ko lang sila sila habang nag-uusap sila pero nagulat ako nung bigla niyakap nung lalaki si Bea...

Di nagtagal...,           nakaramdam ako ng kirot.

Ouch.... 

Potatoes Gonna Potate ☁Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon