◄ Potato 9 ►

53 3 0
                                    

                                              ★ Potato 9        

----------------------------------------------------------------------------------------------       

Bea's POV 

"San mo galing yang necklace na yan?" nakatingin lang siya sa necklace na suot ko habang tinatanong niya yan. Ang weird niya naman. Kanina ang tahi-tahimik at ang sungit niya tas ngayon iniintriga niya ko kung san galing tong necklace na toh.

"Ahh eto ba?" hinawakan ko yung necklace na suot ko ngayon at nagsalita ulit. "Ang ganda noh? Galing toh kay--" 

Nagulat ko nang may biglang humila sakin. "Lans?" 

"Tara na, may pupuntahan tayo." hihilahin niya na sana ako palayo pero bigla ulit nagsalita si Raf 

"Pre, bitawan mo siya. Kinakausap ko siya kaya sana wag kang makisawsaw." bigla akong kinilabutan sa tono ng pananalita niya. Parang ang laki ng galit niya ah. Napansin kong parehas nakayukom yung kamay nila. Ano bang problema nila? Sa itsura nila ngayon para silang magbubugbugan.

Sasagot pa sana si Raf na mukhang pikon din pero pumagitna ako sa kanilang dalawa. Mahirap na. Baka mag-away pa tong dalawang toh.

"Tumigil nga kayo diyan. Kung nakakamatay lang ang titig siguro nakaburol na kayong dalawa. Ano bang problema niyo?" humarap ako kay Lans. "Ikaw naman kasi, bakit ka ba bigla biglang nanghihila? Tara na nga may pag-uusapan pa tayo. Osige Raf next time na lang sige byeeeeeeee!!" hinila ko na si Lans at tumakbo kami palabas ng canteen.

Napahinto na lang kami sa may garden ng school. Buti pa dito tahimik. 

 "Hoy Ikaw!!! Bakit ka ba biglang nanghihila? Nagalit tuloy si Raf! Ihh kainis >3<" nagpout ako. Nakakainis naman kasi eh. Kausap ko siya tas biglang dumating tong si Lans. Baka anong isipin niya huhu!! Baka masira friendship namin... pero.. NO WAY!! Di pwede yun noh!! 

Magiging kami pa noh!! JOKE. Feeling ko lang yun. Ekkkk .

"Maka-react ka naman parang importante sa'yo yun!" sabi niya na parang iritang irita siya.

"Anung parang! Talagang importante siya para sakin noh! Crush ko ka--" napatakip na lang ako sa bibig ko. WTH BAT BA LUMABAS SA BIBIG KO YUN!!! >.<

Tumingin siya sakin na para bang gulat na gulat pero bigla namang bumalik sa normal yung expression ng mukha niya. "Kita na lang tayo mamaya." oops nagalit ko yata T.T 

Bigla na lang siyang umalis at iniwan akong nakatayo roon. Okay, nainis nga siguro yun.. 

Maglalakad na sana ako papunta sa next class ko pero may narinig akong....

*BOOOOOOGSH!*

 O.O 

Anu yunnnnnnnnnnn?! 

Parang may narinig akong nagsusuntukan somewhereeeee. Sinundan ko yung tunog na yun pero nabigla ako sa nakita ko....

"Raf, Lans, anong ginagawa niyo? Bakit kayo nagsusuntukan?!" pumagitna naman ako sa kanila kaya't huminto sila sa pagsusuntukan dahil baka ako ang masuntok nila. Nasa gitna nga ako eh diba??

Hindi nila sinagot yung tanong ko. Feeling ko nagpapatayan na sila gamit yung mga titig nila. "Okay, kanina pa kayo nag-aaway ah, ano ba kasing problema niyo?" 

"IKAW" 

ANO?! 

Rafael's POV 

Yeah, tama kayo ng pagkakabasa. Siya yung dahilan kung bakit kami nagsusuntukan. AISH!! Okay lang naman sakin kung sila na eh! Ang masaklap lang, bakit binigay nung Lans na yun kay bea yung necklace na binili KO para lang kay Bea?! 

Of all people, bakit siya pa yung nakapulot nun?! TSS! 

"H-Ha? A-Anong ako?" 

"Bea, I'm sorry pero hindi naman kasi talaga ako yung... yung bumili ng necklace na yan." nakayukong sabi nung Lans. tsss. Sa lahat ng ginawa niya, may hiya pa pala siya sa lagay na yan? Nakaka-badtrip.

"E-Ehh diba ikaw nagbigay nito sakin? Ehh bakit-- teka, ano?! Ang gulo!" 

"Napulot ko lang yan sa ilalim ng puno. Remember? Nung ginulat kita? Napulot ko yan necklace na yan banda doon. Naisip kong magugustuhan mo yan kaya binigay ko yan sa'yo... Hindi ko naman alam na kay Raf pala yan at ibibigay niya dapat sa'yo." nakayuko pa rin siya. tsh. Naiinis ako.

"Totoo ba yun R-Raf? B-Binili mo toh para lang... sakin?" hindi ko sinagot yung tanong ni Bea. Bahala na siyang mag-isip. Wala namang magbabago eh. Yung Lans na yun pa rin yung mahal niya -.- 

"Eh bakit mo tinapon kung... para sakin nga yun?" 

"Wala ka ng pakialam dun." akmang aalis na ko pero bigla siyang sumigaw.

"Gusto ko lang namang malaman kung bakit eh. Bakit ba ganyan ka? Ano bang ginawa ko sayo ha? Bigla ka na lang nagsusungit! Hindi ka naman ganyan dati ah!!" unti-unti ng pumapatak yung mga luha niya at bigla siyang tumakbo palayo. 

Tinignan lang ako ng masama nung Lans. Pshh. Andito pa pala siya. 

"Wala kang karapatang paiyakin siya." mariin niya akong tinitignan habang nakayukom ang kanyang mga palad. 

"Wala ka ring karapatang himasukin yung buhay ko. Wala kang pakialam sa kung anong gusto kong gawin." with that, I recieved a punch from him. Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng suntok niya. Pinunasan ko na lamang ang gilid ng labi ko dahil sa dugong unti-unting pumapatak mula rito. 

"Hindi ako papayag na gawin mo na lang basta basta ang gusto mo. Hindi ako papayag na paiiyakin mo na lang siya lagi ng basta basta lang." akala ko aalis na siya pero bigla siyang nagsalita ulit. 

"Hahanapin ko siya.. Uunahan kita. Ang pag nahanap ko na siya, hinding hindi ko na siya papakawalan. Hindi ko na siya ulit hahayaang lumapit sa'yo. Makasarili na kung makasarili pero wala akong pakialam. Tandaan mo yan Rafael." naglakad na siya palayo. 

Uunahan mo ko? Tignan lang natin sinong maunahan sa ating dalawa. 

----------------------------------------------------------------------------------------------       

Sorry maikli XD Pibertdey Tiiiiiiiiiiiiin <3

 ➸potatopatootie

Potatoes Gonna Potate ☁Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon