Kabanata I

15 0 0
                                    

Nanay, tatay
Gusto ko'ng tinapay
Ate, kuya
Gusto ko'ng kape
Lahat ng gusto ko ay susundin niyo;
Ang magkamali ay pipingutin ko!

Huh?

Saan nanggagaling 'yung tunog? Atsaka sa lahat ng p'wede patugtugin, nanay tatay pa? Robotic pa 'yung kumakanta! Pero parang may nakakalimutan yata akong importa-'di ba namatay na 'ko?!

Napadilat agad ako at tumingin tingin. Hindi hospital ang sumalubong sa akin kun'di isang kubo, na nasa harapan ko ngayon. Sunod akong napatingin sa sarili ko. Hindi rin ako nakasuot ng patient's gown. Nakapambahay- preskong t-shirt, shorts at naka-tsinelas. Wala rin akong ka-sugat sugat sa katawan. Para akong nasa probinsya dahil may natatanaw akong bukiran, at puro kabahayan dito na kubo. Presko rin ang hangin, ngunit imbes na ma-appreciate ko 'yun ay nanlamig ako. Bakit ako narito? Nasaan ako?

Naalala ko pa mga huling nangyari sa 'kin. Pauwi ako sa apartment ko nang may nakita akong bata sa kalagitnaan ng kalsada. May paparating na truck. Kusa nang kumilos katawan ko bago pa ako makapagisip. Malakas ang pagkakabunggo at tumilapon ako. Sa ga'nong lagay, walang duda na mamamatay ako. Kung maililigtas man, siguradong may nabali akong buto. Atsaka kung gano'n man, e dapat nasa hospital ako ngayon. Wala rito.

Sa kalagitnaan ng pagkalito ko, may mga dumating na iba pang mga tao. Tatlo sila, dalawang lalaki at isang babae. Magtatanong na sana ako nang mapansin kong 'di sila tabi tabi kung maglakad. Parang hindi magkakakilala. Isa pa, parang maingat sila sa isa't isa.

"Sir, nasa'n po ba kasi tayo?" rinig kong nalilitong tanong ng babae sa isa pa na mukhang nasa edad trenta pataas na lalaki. Agresibong nagsalita rin ang isa pa nilang kasama na lalaki na parang may katandaan na rin, "Oo nga, ibalik niyo na 'ko! Kilala mo ba kung sino ako ha? Ako may-ari ng-"

"Hindi ko rin alam," kalmadong tugon niya sa kanila. Nagkatinginan kami at lumapit siya sa 'kin. "Pang-ilan mo na?" tanong niya.

Napataas ako ng kilay sa tanong niya. Anong pang-ilan ko na? Baliw ba 'to?

Napabuntong hininga naman s'ya nang makita ang reaksyon ko. "Akala ko expert," narinig kong bulong niya bago nagsalita ng malakas, "Ako si Carlo, 35 years old. Tawagin niyo nalang ako sa pangalan ko. Pangalawa ko na 'to, mukhang baguhan kayong tatlo-"

"Anong baguhan?" pagputol ko sa sinasabi niya. Magsasalita pa sana ulit 'yung isa pang babae at lalaki pero itinaas niya ang kanang kamay niya para patigilin muna sila. Tumikhim siya bago muling nagsalita. "Nasa alternative reality tayo ngayon. Naalala niyo pa ba anong nangyari sainyo bago kayo napunta dito?"

Nabahala ang babae sa sinabi niya bago nanginginig na nagsalita, "...nahulugan ako ng paso sa ulo, tapos nawalan ako ng malay. Pag-gising ko narito na 'ko."

Napaisip ako ng malalim sa sinabi niya. Posible rin kaya na namatay na s'ya? Kagaya ko, imposibleng sa lagay ko na 'yun ay maililigtas pa ako.

Nagpatuloy si Carlo sa pagsasalita. "May cancer ako, bilang ang buhay ko. Napunta tayo ngayon dito dahil sa real world ay mamamatay na tayo. 'Pag nagawa mo 'yung task na nakalaan sa 'yo rito, maeextend buhay mo. Katulad ko, ilang araw nalang ako p'wede mabuhay pero after ng una ko, nadagdagan. Pero kapag hindi mo nagawa 'yung task, tuluyan kang mamamatay sa tunay na mundo."

Unti-unti kong naiintindihan sinasabi niya. Sa tunay na mundo, mamamatay na talaga ako. Pero kung magawa ko 'yung task na ibibigay rito, posibleng mailigtas ako at mabuhay pagkatapos mula sa aksidenteng 'yun. Ang tanong, may gano'n ba talaga?

"Nonsense! Sinong maniniwala sa pinagsasabi mo? Uso magpacheck up 'no!" Pinagtuturo pa s'ya nung lalaki, atsaka sabay s'yang tumakbo papalayo kung saan sila unang nanggaling pero parang mayroong 'di makita na pader ang humarang sa kaniya kaya nauntog s'ya. Napahawak naman s'ya sa noo niya at napamura ng malakas. "P*ta!"

Umiwas na 'ko ng tingin at itinuon ang pansin kay Carlo. Hindi na rin pinansin ng iba kong kasama 'yung lalaki, na hanggang ngayon ay patuloy na sinusubukan umalis.

"May narinig ba kayong kanta nung una?" tanong ni Carlo sa 'min.

Sabay naman kami nagsalita ng babae, "nanay tatay." Ito 'yung kinakanta sa larong pambata. Halos pamilyar ang lahat doon dahil t'yak na nalaro na 'to ng lahat nung bata pa sila.

Tumango naman si Carlo. "Iyon ang magiging clue sa kakaharapin natin. Kada simula, may ipoprovide na information- p'wedeng kanta, larawan or salita. Tapos kapag kumpleto na tayong lahat, may maririnig kayong parang bot kung magsalita kagaya nung una. 'Yun ang nagbibigay ng task at information sa 'tin. Tinatawag s'yang system ng iba."

Pagkatapos niyang magsalita ay sakto namang may tumunog na parang bell, at sumunod dito ay ang boses na tila robot ang nagsasalita.

[4/4 players are complete. The instance is now open.

Main Task: Survive within 10 hours.

Role: You are the sister of the little girl.

Status: 0% of the story explored.

Have fun!]

Kinilabutan ako sa last na sinabi. Have fun? Hindi ko alam kung bakit, pero nanunuot 'yung lamig na nararamdaman ko kahit na maaraw naman. Atsaka, anong ibig sabihin ng survive within 10 hours?

"Nakalimutan ko sabihin. 'Yung alternative reality na 'to, naka-based sa isang horror story. Tayo 'yung karakters kumbaga na gaganap. Kapag namatay ka rito, mamamatay ka rin sa tunay na mundo," dagdag ni Carlo.

Nanlaki ang mga mata ko sa word na horror. That explains the survive within 10 hours na sinabi, kasi 'pag horror ay usually about murder, ghosts or supernatural phenomena 'yun 'di ba? Pero kapag ipagsasama mo ang salitang 'yun sa nanay tatay, parang hindi mo naman maipagrerelate ang dalawa?

"Anong horror story? 'Di ba kanta sa larong pambata 'yung narinig natin nung una?" nagtataka namang nagtanong pabalik 'yung babae. Napangiwi naman si Carlo nang marinig niya 'yung tanong, na para bang may hindi naalalang maganda.

"Hindi literal. Naalala ko 'yung una ko. Based siya sa tagu-taguan. Kami 'yung taya. Bawat laro, need namin hanapin 'yung mga parte ng katawan nung bida isa-isa."

HilakbotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon