Kabanata II

14 0 0
                                    

"Anong nangyari pagkatapos?"

Curious kong tanong sa kan'ya. Taimtim din na nakatingin sa kan'ya 'yung babae. Tumingin naman sa 'min si Carlo na parang nalulugmok.

"Muntik na kaming 'di makaligtas. Paano kasi, 'yung last na parte, nasa pagkain pala. Buti nalang, may nakasama kaming matalas 'yung isipan."

Namutla kaming dalawa sa sinabi niya. Sinong makakaisip ba naman na 'yung parte ng katawan ay nasa pagkain pala? Nagkibit balikat siya nang makita ang reaksyon namin.

"Tara, pumasok na tayo sa loob." Ninguso niya ang kubo na nasa harapan naming lahat. Napalingon naman ako sa lalaki na kanina pa minumura 'yung 'di makikita sa mata na humaharang sa kaniya. "Eh, pano siya?" turo ko sa lalaki.

Napabuntong hininga naman si Carlo at lumapit sa lalaki para kausapin ito. Habang kinukumbinsi niya 'yung lalaki, lumapit naman sa 'kin 'yung isa pa na babae. "Isabel," pagpapakilala niya.

Ngayon ko lang s'ya natingnan ng mabuti. Morena, mukhang kasing-edad ko lang at may pagkakulot ang buhok. Hindi s'ya kagandahan, pero maamo ang mukha. Mas matangkad s'ya sa akin ng kaunti. Iniabot ko ang kanang kamay ko at nagpakilala rin.

"Angelica."

Sakto namang pagkatapos ng pagpapakilala namin sa isa't isa ay nakarating na ulit sa tabi namin si Carlo kasama 'yung lalaki. Inobserbahan ko ang itsura n'ya. Mukhang nasa edad trenta rin s'ya pataas katulad ni Carlo. Katamtaman ang tangkad. Halos nawawalan na ng buhok at.... napatingin ako sa katawan niya. Malaki ang tiyan. Hindi s'ya parang si Carlo na fit pa rin ang build ng katawan. Parang pamilyar din ang mukha niya sa akin, pero 'di ko maalala sa'n ko nakita.

Naunang pumasok sa loob si Carlo at sumunod na rin kami. Pagkaapak namin sa loob ay saktong may tumunog na naman na parang bell, at kasunod no'n ay ang robotic na boses. 'Yung system?

[The 10 hours countdown have begun. Players, please do your best and explore!

09:59:45

Status: 0% of the story explored.]

Nanatili 'yung orasan sa itaas na parang holographic at kada segundong lumilipas ay nababawasan din ito.

"Nay, tay!"

Lumipat ang tingin ko sa nagsalita. Sumalubong sa mga mata ko ang isang batang babae. Mukhang nasa seven years old s'ya. Nakatali ang buhok, at kagaya namin ay nakapambahay lang.

"Andito rin sila ate't kuya!" excited s'yang lumapit sa 'min. Siguro dahil si Carlo ang nasa harapan, s'ya ang niyakap nito. Nakita kong parang nanigas sa kinatatayuan si Carlo, at unti-unti s'yang bumaba na parang luluhod para yakapin din pabalik 'yung bata. Nanginginig ang kamay.

Hm?

Pagkatapos no'n ay bumitaw sa pagkakayap sa kan'ya ang bata at umamba ito na parang yayakapin ako kasunod.

Sa pagkakataong 'yun, nagkatinginan kami ni Carlo. Nakita ko sa mga mata n'ya ang pangamba. Hindi ko maintindihan kung bakit dahil bata lang nama-

Naramdaman ko nalang na may dumikit sa 'kin na sobrang lamig. Parang kasing lamig ng yelo. Mula sa hita ko ay umakyat papataas 'yung ginaw paunti-unti. Nanunuot sa kaloob-looban ko ang lamig at napatigil ako sa paghinga. Napatingin ako sa bata na yakap yakap ako ngayon. Ganito ba ang normal na temperatura ng isang tao?

Unti-unti ko s'yang niyakap pabalik, at ramdam ko na parang napapaso ako sa sobrang lamig. Napaisip ako, tao ba 'tong kayakap ko ngayon? Bakit ang lamig?

Hindi ko na alam, ayokong malaman ang sagot.

Bumitaw na s'ya sa 'kin pagkatapos. Nanatili ako sa posisyon ko, hindi ako makagalaw sa takot at namamawis ang kamay. Nagkatinginan ulit kami ni Carlo, at unti-unting bumuka ang bibig niya, na para bang may pinopormang salita.

"Multo."

HilakbotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon