Kabanata V

6 0 0
                                    

"Kung 'di ako nagkakamali, isa sa pamilyang 'to ang may gawa no'n."

Hindi mawala sa isipan ko 'yung nangyari kanina lang habang ginagawa 'yung kape na hinihingi ng bata. Nakatabi lang din sa akin si Carlo habang nagsasalita s'ya mag-isa. Hindi ko nga alam kung ako ba 'yung kinakausap niya o 'yung hangin.

"Kasi bakit narito lang din 'yung katawan? Sa may bakuran nila? May kinalaman t'yak ang pamilya na 'to sa pagkamatay nung bata. Bumalik siguro s'ya bilang multo para maghiganti," pagpapatuloy pa niya sa mga teoryang naiisip niya. "Kung gano'n, simpleng kape lang ba talaga ang hinihingi niya?"

Napatigil ako sa pagsala sa sunog na bigas at tubig. Pagkatapos nito ay dadagdagan nalang ng asukal at matatapos na. Pero paano kung hindi pala ito 'yung hinahanap nung bata? Gaya ng sabi ni Carlo?

Napaisip ako nang malalim at kusang napatingin ang mga mata ko kay Joel, sa lalaking nakatagilid pa rin ng higa ngayon. Hindi nagbago ang posisyon niya simula pa kanina. Habang hinahalo ko 'yung kape sa tasa ay may tanong na pumasok sa isipan ko.

"Hindi ba't sabi mo kapag hindi nagawa 'yung task is mamamatay? Bakit buhay pa rin siya?" Tinuro ko si Joel. Nabigla saglit si Carlo sa tanong ko at nanlaki 'yung mata.

"Additional task 'yung panghihingi ng kape nung bata?" tanong niya pabalik sa 'kin. Tumango naman ako sa kaniya at napahawak s'ya sa baba niya habang nagiisip. "May dalawang type ng tasks na ibinibigay. Ang main task at additional task. 'Yung additional task siguro ay naintindihan mo na kung kailan nangyayari 'no?" pagpapaliwanag niya.

"Ibinibigay additional task nang naaayon sa kung anong nangyayari ngayon," tugon ko sa kaniya. Tumango naman siya at patuloy na nagsalita, "Depende 'yon sa takbo ng mga nangyayari, kaya nga additional. Optional 'yon. P'wedeng 'di masunod at hindi ka mamamatay, pero may kapalit siyempre. Katulad ni Joel, kailangan niya magbigay ng kape sa bata, pero 'di niya nagawa kaya nawalan s'ya ng tainga."

"Paano kung may hiningi ulit 'yung bata sa kan'ya at naging additional task 'yon pero hindi niya nasunod dahil sa lagay niya?" dagdag na tanong ko sa kan'ya. Nagkibit balikat siya bago nagsalita. "Dalawa lang tainga ng tao, siguro mamamatay s'ya pagkatapos. Hindi ako sigurado, gusto mo ba i-try?"

Natahimik ako at sinamaan ko s'ya ng tingin. Kung iisipin, katulad sa kanta ng nanay tatay, kailangan namin sundin 'yung mga gusto ng bata or else pipingutin kami. Ang unang naging halimbawa no'n ay 'yung lalaki, si Joel. Pero imbes na pingutin lang ay tinanggalan talaga s'ya ng tainga literal. Sa simula siguro ay ang role na naibigay sa kan'ya ay ang kuya ng batang babae. Siguro kapag nagawa ko ang additional task, hihingan naman nung bata sunod sila Isabel at Carlo ng tinapay? Tutal sila 'yung nagsisilbing nanay at tatay niya.

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad papunta sa loob ng kubo habang hawak hawak 'yung tasa ng kape na nagawa ko. Nakasunod lang sa likod ko si Carlo. Pagkaapak ko sa loob ay agad akong sinalubong ng batang babae.

"Ate! Nagawan mo na ako?" Tila nangniningning ang mga mata nito nang tinanong niya ako. 'Di ko maiwasang maalala 'yung bangkay na nakita ko sa sako kanina na tahimik lang kaming pinapanood ni Carlo. Nanginig 'yung kamay kong may hawak sa tasa at nagaalalang tumingin sa 'kin si Isabel na nasa likod ngayon ng bata.

Sinubukan kong maging kalmado at pinilit na ngumiti. "Oo, ito ba 'yung kapeng gusto mo?" Inabot ko sa kan'ya 'yung tasa habang pinipilit mapanatili ang ngiti sa mukha ko.

Parang natanggalan naman ako ng tinik sa lalamunan ko nang makita kong ngumiti s'ya ng malaki. Sinenyasan niya akong yumuko para maabot niya ako. Iniabot naman n'ya 'yung tasa kay Isabel na nasa likod niya. Hm? Ano 'to? Gusto niya ba akong yakapin?

Sinunod ko naman ang gusto niyang mangyari. Maya't maya ay naramdaman kong hinaplos niya ang mukha ko gamit ang maliliit niya pang kamay. Nagtataka akong tumingin sa kan'ya habang tinitiis 'yung lamig na nanggagaling sa mga kamay niya. Nakangiti pa rin s'ya sa akin at pagkatapos no'n ay naramdaman ko ang isa n'yang kamay sa isa kong tainga.

"Wala rin palang silbi 'yang tainga mo," nakangisi niyang sinabi sa 'kin.

HilakbotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon