Aella 02

20 10 0
                                    

Chapter 2

Kalalabas ko lang galing kusina nang biglang bumukas ang pinto.

Pasuray-suray syang naglakad at bumagsak sa sofa, isinandal nya ang ulo nya at ipinikit ang mata, bahagya nya ding hinilot ang sentido nya.

He's drunk. Again. Ano pa nga ba ang bago.

"Dwight 'san ka galing? Ba't dika umuwi kagabi?"

Wala syang sinagot sa tanong ko. Sa halip ay dumeretso na naman sya sa counter at nagsalin nang alak.

Alak na naman.

"Dwight ano ba?!" Diko maiwasang hindi sya pagta-asan nang boses, nagagalit na kasi ako sa kanya. Pero parang wala syang narinig dahil nag patuloy parin sya sa ginagawa nya.

"Dwight naman, paulit-ulit nalang tayo. Araw-araw ganito nalang palagi! Sumosubra ka na ata! San kaba kasi galing huh?! Dika umuwi kagabi at wala ka namang sinabi kung saan ka pumunta! Ano ba?! Anong tingin mo sakin bato?! Nag-alala ako sayo pero parang wala lang sayo ang nangyari! Wala kana atang pakialam sa nararamdaman ko. Alam mo bang di na kita maintindihan?! Naninibago ako sa lahat, diko na alam kung ano pang adjustment ang gagawin ko para lang sayo! Alam kong may kasalanan ako, pero wag naman sanang ganito. Kung galit ka, sabihin mo sakin! Gusto mo akong sigawan? Sige gawin mo. Gusto mo akong saktan? Sige gawin mo! Para kahit papano mabawasan yang nararamdaman mo kung galit ka man. Tatanggapin ko lahat bumalik ka lang. Kasi habang tumatagal parang di na kita kilala. Di naman tayo ganito diba? Pero bakit? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo! Hindi yung bigla-bigla kana lang nagkakaganito at sinisira mo ang sarili mo. Kung may problema ka pwede mo namang sabihin sakin. Dwight andito ako. Handa naman akong pakinggan ka. Sabihin mo lang." Pinahid ko ang mga luhang nag-uunahang nagsilabasan sa mga mata ko.

"Dwight, naguguluhan na ako. Ipaintindi mo naman sakin oh, kasi nauubusan na ako ng rason na ibinibigay ko sa sarili ko. Ubos na lahat." Huminga ako nang malalim at saka hinarap sya. Tumingin din naman sya sa gawi ko. "P-pagod kana ba? A-ayaw mo na ba?" Utal na tanong ko. Parang tinusok nang libo-libong karayom ang puso ko habang tinatanong ang mga bagay na iyon. Bago pa man sya makasagot ay tinalikuran ko na sya. Natatakot ako. Natatakot ako sa maaari nyang sabihin kung sakaling sagutin nya ako. May ideya na ako sa lahat nang nangyayari pero ayaw kong maniwala. Kahit nagkakaganyan sya may tiwala parin ako sa kanya. Alam kong hindi nya iyun magagawa sakin.

Alam kong hindi niya ako kayang lokohin.

Sa mga nagdaang araw ay palala na siya nang palala. Hindi ko na talaga siya kayang intindihin. Naguguluhan na ako sa mga inaakto at pinaggagawa niya. Hindi niya parin ako kinakausap. Gabi-gabi narin siyang umuuwing lango sa alak, kagaya nalang ngayon. Aalis sya ng maaga at uuwi ng hating gabi.

"Dwight. Tama na please. Bumalik kana." Bulong ko sa hangin. Habang pinagmamasdan ko siya ay para akong nakatingin sa isang taong hindi ko kilala. Ibang iba na siya. At nasasaktan ako nang dahil doon.

"Wag mo naman sanang sirain ang buhay mo."

Namalayan ko nalang na tumulo na pala ang mga luha ko. Tumingala ako para pigilan ang sunod-sunod na pag tulo nito. Di ako pwedeng umiyak. Hindi ako pwedeng panghinaan nang loob. Kailangan kong maging malakas para sa aming dalawa. Hindi pwedeng maging mahina rin ako.

Dumating ang araw na napagdesisyunan kong ayusin na ang lahat, para naman maging malinaw na ang dapat linawin at para mawala na rin 'tong lahat ng bagay na nagpapagulo sa isip ko. That's why I tried to talk to him again, pero nung sinubukan ko nang magsalita ay bigla namang nag ring ang phone niya. Dali-dali syang lumayo sa’kin para sagutin ang tawag. Hindi man lang sya nagpaalam, bigla-bigla nalang syang tumayo, lumayo para sagutin ang tawag na para bang wala ako sa harap niya. Na parang hindi niya ako nakikita.

Pinili kung kalmahin ang sarili ko sa kabila nang paninikip nang dibdib ko. Tinatanaw ko lang sya habang may kausap sa phone niya. Seryosong seryoso sya at nang matapos ang tawag ay dali-dali niyang kinuha ang susi nang kotse niya at umalis. Di man lang niya ako pinansin. Di man lang siya nag-abala para mag paalam, o kahit tapunan man lang niya ako nang tingin, kahit yun ay di niya ginawa. Sinubukan ko siyang pigilan pero gaya nang dati di niya ako pinansin. Wala akong ibang magawa kong di tanawin ang bulto niyang papaalis palayo sakin.

Nang makita ko siyang umalis, the sudden realization hits me. Bigla-biglang nag-flashbacks sa’kin ang lahat nang nangyari sa loob ng ilang araw. Alam kong may mali. Alam kong hindi lang to simpleng tampo dahil sa nangyari. Alam kong may mas malalim na dahilan kung bakit nangyayari ito samin ngayon.

Kaya ko pa ba?

Maayos ko pa nga ba?

Maibabalik ko pa ba sa dati ang lahat?

Kasi ang dami ng nagbago 'e, kahit anong gawin kong pagpapaniwala sa sarili ko na magiging maayos rin ang lahat, na simpleng tampuhan lang ang lahat ng ito ay di parin maalis-alis sa isipan ko na hindi lang ito isang simpleng bagay. Hindi lang ito isang simpleng tampohan dahil ang dami nang nagbago. Aminin ko man sa sarili ko o hindi, ang dami na talagang nagbago samin. Everything's change, including him. He change. A lot.

Nang marealize ko ang lahat nang yan ay kaagad na naglandas ang mga luha ko sa aking magkabilang pisngi. Humihikbi na pala ako. Ang luhang pumapatak galing sa mga mata ko ay nasundan nang nasundan hanggang sa nag uunahan na silang lumabas. Ang emosyong pilit kong pinipigilan sa loob nang ilang araw ay kumawala na nang lubusan. Ang emosyong pilit kong binabalewala ay lumabas na. Ang sikip-sikip nang dibdib ko, na halos di na ako makahinga sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Sakit, pagod, pangungulila, takot, lahat nang iyan ay naghalo-halo na sa sistema ko. Biglang nanghina ang tuhod ko hanggang sa tuluyan na akong  napaluhod sa damuhan. I cried all the pain I felt. I cried it all. I let it out.

Hindi ko inaakala na, sa isang pagkakamali ay  magbabago ang lahat. Sa isang pagkakamali, parang bigla nalang akong nawala. Dahil sa simpleng pagkakamali ay parang hindi nako nag e-exist sa kanya. Na para na akong hangin na andyan nga pero di naman niya nakikita. Diko gusto ang lahat nang nangyayari samin ngayon, I don't want this! I don't wanna be like this!

Pero gaya nga nang sabi nila lahat ng bagay ay may katapusan, lahat ng tanong ay may kasagutan, na sana, sana hindi ko nalang nalaman.

A E L L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon