Aella 05

17 9 0
                                    

Chapter 5

Alas diyes na ng umaga. Siguro sasakay nalang ako ng bus pauwi kina mama. Hindi nga pala ako nakatawag sa kanila nitong nagdaang araw. Nakalimutan ko, at saka naiwan ko ata ang phone ko sa condo ni Dwight. Tss, ang tanga nga naman. Siya nga pala, umalis na ako doon. Wala na naman ding rason para mag stay pa ako.

Nag-aabang na ako ng bus nang mahagip ng tingin ko ang isang pamilyar na tao sa kabilang dako ng kalsada. Sinundan ko ito ng tingin. Why is he here?

Imbes na mag-abang ng bus ay umalis ako para tawagin si Zayn. Matalik na kaibigan namin ni Dwight. Matagal ko na siyang hindi nakita, nag-migrate kasi sila sa ibang bansa. Huli kong kita sa kaniya ay nong araw na sinagot ko si Dwight. Nagulat pa nga kami noon dahil bigla nalang siyang nagpaalam samin pagkatapos ng celebration. Kaya nagulat talaga ako nang makita ko siya ngayon, hindi naman sa ayaw ko siyang bumalik huh, pero sabi niya kasi baka daw hindi na siya babalik. Babalik lang daw siya kung may girlfriend na siyang dala o di kaya pag may chance na daw uli siya sa babaeng gusto niya. Tss, makutusan nga ito. Tinawag ko siya pero mukhang di niya ako narinig.

Saglit akong tumingin sa magkabilang side ng kalsada, bago tumawid papunta sa kaniya.

"Zayn!" Tawag ko sa kaniya pero ang mokong patuloy lang sa paglalakad.

Nakita ko siyang huminto sa may flower shop, nang makalabas siya ay may dala na siyang bulaklak.

'Ay mukhang may nililigawan ang damuho, oh di kaya baka may girlfriend na siya! Sa wakas di pala bakla si Zayn HAHAHA masabi nga to kay Dwig—'

Napahinto ako nang maalala ko na naman siya.

Hayst! Alisin mo na nga siya sa isip mo, shunga ka rin 'e!

Napatingin ako sa bulaklak na binili niya. At diko na mapigilan ang mga ala-alang unti-unting bumabalik sa isip ko.



Kaagad akong bumaba sa pagkakaangkas sa bisekleta niya nang makarating kami sa hindi pamilyar na lugar sa’kin.

"Huy bat tayo nandito? At saka anong gagawin natin dito?" I asked.

Saglit niyang sinandal ang bisekleta niya sa may puno at lumapit sa’kin.

"Maganda ba?"

Linibot ko ang tingin ko sa buong paligid at hindi ko maiwasang mapangiti. Ang ganda. Sobrang ganda. Ang lawak ng lupain at ang daming mga bulaklak na kulay puti.

"Sobra," Sagot ko sa kaniya habang nakangiti pa rin at nililibot ang tingin sa paligid.

"I'm glad you liked it. Halika."

Hinila niya ako papunta sa may mga bulaklak. Hinubad niya ang suot niyang jacket at nilatag sa damuhan para gawing upuan namin. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ang paligid, pag ganito siya alam kung may bumabagabag sa isip niya. Tatlong buwan na kaming magkaibigan kaya kilala ko na siya.

"May problema ba?"

"I have something to tell you, but first promise me that no matter what happens, nothing will change between the two of us."

Medyo kinakabahan ako sa sinasabi niya pero tumango parin ako bilang pag sang-ayon. Ilang beses pa siyang bumuga nang hangin bago humarap sakin at deretsa akong tinitigan sa mga mata.

Gaano ba ka seryoso ang sasabihin niya at parang hirap na hi—

"Aella Garcia, gusto kitang ligawan."



Napangiti ako ng mapait nang maalala ko na naman yun. Good old days.

Pero kaagad ding nawaksi ang iniisip ko nang makita ko si Zayn, napatigil ako sa pagsunod sa kaniya nang pumasok siya sa isang malaking gusali.

"Ano namang gagawin niya diyan?"

Medyo kinakabahan ako nang makita ko kung saan siya pumasok. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa katawan.

'Ba't ba ako natatakot?'

Aalis nalang sana ako pero parang may boses na nag-uudyok sa’king ipagpatuloy ang pag sunod. Sadyang mas nanaig ang kuryusidad ko kaya sinundan ko nga siya.

Sinundan ko siya habang tinatansya ang layo ko mula sa kaniya, lumiko siya sa isang pasilyo. Nakasunod parin ako.

Snob naman pala ang mga nurse dito, di man lang ako nginingitian. Tss.

Napahinto ako sa pagsunod sa kaniya nang may makita akong makakasalubong niya sa kabilang direksyon.

Shit! Ba’t nandito si Niah?

Oh my! Baka nandito rin si Dwight. Mag papacheck-up ba sila?

Lagot anong gagawin ko kapag nakita nila ako?

Aakto ba ako na parang wala lang? Teka ba’t ba ako ang kinakabahan? Dapat sila dahil sila ang may kasalanan sa’kin.

Yan taman. Wag kang kabahan El, wala kang kasalanan.

Napatigil ako sa pag-iisip at nanlaki ang mata ko sa sunod kung nakita. Napatakip pa ako sa bibig ko dahil sa nakita ko.

Hinalikan lang naman ni Zayn si Niah. Hindi lang bastang halik, sa lips talaga at ang mas nagpa gulat pa sa’kin ay sakto namang bumukas ang pinto nang katapat nilang kwarto at iniluwa doon si Dwight.

Patay kang bata ka.

Pero ang gulat ko ay napalitan ng pagkalito nang 'di man lang nangyari ang nasa isip ko. Akala ko susuntukin o susugurin ni Dwight si Zayn pero hindi nangyari. Sa halip nagyakap pa sila. At bahagyang tinapik pa ni Zayn ang balikat ni Dwight. Dahil sa magkahalong lito at gulat ko, diko namalayang naglalakad na pala ako papalapit sa kanila habang di tinatanggal ang mga tingin ko sa kanilang tatlo na sabay pumasok sa loob ng kwarto.

Mali ba ang pagkakaintindi ko?

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay hindi ko maiwasang magtanong.

"Ano na bang nangyayari?"

Ang lahat ng katanungan ko, lahat ng bumabagabag sa’kin ay nabigyan nang kasagutan nang bumukas ang pinto ng kwarto.

Naistatwa ako. Kasabay nang marahan na pag-ihip ng hangin ay nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Lahat ng nangyari sa mga nagdaang araw, lahat nang iyon, mula sa umalis ako sa Baguio pabalik sa manila, ang pagpunta ko sa condo niya hanggang sa mga nasaksihan at naranasan ko, hanggang sa mga oras nato ay parang isang pelikula na nagflashback sa’kin lahat. Lahat lahat.

Hindi ito totoo.

Nananaginip lang ako.

Pilit ko pang tinatapik ang magkabilang pisngi ko para magising ako pero wala. Totoo ang lahat nang nakikita ko ngayon. Hindi ako nananaginip dahil kailan hindi na ako mananaginip pa.

Pinagmasdan ko ang sarili ko na nakahiga sa isang kama. Tadtad ng benda ang katawan at may kung ano-anong bagay ang nakasabit sa kaniya. Alam ko ang lahat ng iyon dahil isa akong doktor pero tila naging blangko ang utak ko sa mga oras na iyon dahil sa nasaksihan ko.

Ako, na nakaratay sa kama na tila imposible nang mabuhay.

Naging mas malinaw pa sa’kin ang lahat nang tumagos nalang sakin ang doctor na lumabas sa kwarto. Nakaharang ako sa may pinto, pero imbes na mabangga ay hindi ito nangyari dahil tumagos lang siya sa katawan ko.

Paano?

Paano nangyari ang lahat ng ito?

A E L L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon