Dwight's POV

21 9 0
                                    

Chapter 6

Dwight's POV

How many days has it been? I've lost count. Masisiraan na ata ako ng bait nito pero hindi pa rin siya nagpaparamdam sa’kin. I understand her situation pero wag naman niya sana akong pag-aalahanin ng ganito.

"Pare tama na yan, nakailang bote kana oh." Saway sa’kin ng isa sa mga katrabaho ko. Napatingin ako sa harap ko, apat na bote na pala ang naubos ko.

I'm not drunk yet. I have high alcohol tolerance, so I'm still okay. That's why before getting completely drunk, I decided to leave them first. Ayaw pa naman niyang naglalasing ako ng sobra. Hindi naman na talaga ako umiinom, ngayon lang nang mangyari ang lahat ng ito sa’kin.

When I arrived at the condo, a quiet atmosphere greeted me. This is what I dislike the most. That's why I choose to drink before going home because of this. I just remembered everything that happened to me these past few days. I shouldn't be facing this kind of situation. She should have been here by this time. It's been two weeks already, but she's still not here. I miss her so much.

Pagbukas ko ng pinto, wala na ang dati kong inaabangan pag-uwi ko. Wala na ang taong sumasalubong sa'kin at tatanungin ako kung kamusta ba ang araw ko o kung ano ba ang mga nangyari sa’kin sa buong araw.

Nagpatuloy ako sa pagpasok at hinubad ang coat ko. Napatingin ako sa gawi ng kwarto at naalala ko na naman siya. Diyan ko kasi siya palaging nadadatnan sa pag-uwi ko. Lalabas siya sa kwarto nang may napakalapad na ngiti at yayakapin ako pero ngayon mukhang malabong mangyari yun.

Nag-iwas ako ng tingin at deretsang nagtungo sa kusina. I need to drink alcohol, or else I won't be able to sleep kakaisip sa kaniya. Ininom ko nang isang lagukan ang alak na isinalin ko sa baso. Tuloy-tuloy lang ako, ng dahil siguro nalunod na ang sistema ko sa alak ay parang narinig ko ang boses niya. I glanced at the opposite counter, and our picture frame greeted me. It was a photo taken when I brought her to a lake filled with flowers. Nakaupo kami habang nakatanaw sa malayo, ang ganda ng ngiti niya. Kahit kailan hindi ako magsasawang tingnan ang mukha niya.

Habang ina-alala ang mga ala-ala namin diko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

'Nasaan kana ba El?'

I tried to call her mom ng araw na supposed to be uuwi na siya, which is dapat nung isang linggo pa lang. Di kasi siya tumawag or nag text man lang kung susunduin ko ba siya. Akala ko dadaan muna siya sa mommy niya bago siya magtungo dito sa condo dahil mag gagabi na rin kasi non, pero dinalaw ako ng kaba nang sabihin ni tita na di daw umuwi don si El. Di rin nga daw nila ma contact. Dahil doon ay tumawag ako kung saan siya na assigned, nagtanong ako pero ang sabi nila nakaalis na daw si El doon. Pero mag dadalawang linggo na, wala parin siya. Diko parin siya ma contact. Kaya nagreport na ako sa mga pulis, pero hanggang ngayon wala pa rin silang balita. Patuloy pa rin ang paghahanap. Magdadalawang linggo nang nawawala si El.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa litrato namin at kaagad na nagsalin ng alak at deretsa itong ininom.

"Ba't wala parin kayong balita! Huh?! Ilang araw na ang nagdaan pero wala pa rin! Binabayaran kayo ng tama pero wala kayong ginagawa!"

"Dwight kumalma ka muna." Pilit akong inaawat ni Zayn nang magwala ako dito sa presinto.

"Zayn, paano ako kakalma kung mag dadalawang linggo na pero wala paring balita kay El. Drei nawawala girlfriend ko at hanggang ngayon di pa rin nahahanap."

"Naiintindihan kita, hayaan nalang muna natin ang mga pulis gawin ang trabaho nila at isa pa nag hire na din ako ng iba pang makakatulong sa atin para mahanap si Aella." Pagpapakalma niya sa’kin.

A E L L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon