Aella 03

24 10 0
                                    

Chapter 3

Pagkatapos nang nangyari kanina ay napagdesisyunan kong umalis muna, mukhang gagabihin kasi siya ng uwi, at mas lalo lang akong malulungkot dun kung mag mumukmok ako.

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa Emery banquet. Ang daming tao dito, kung sa bagay malapit na din ang fiesta kaya marami naring nagtitinda at mga mamimili. Napadako ang tingin ko sa isang flower shop. Napangiti ako ng biglang bumalik sa’kin ang ala-ala noong una kaming magkakilala.

Araw nang fiesta noon, at namasyal kami kasama ang mga kaibigan ko dito mismo. Kalilipat lang namin dito noon kaya medyo hindi ko pa kabisado ang lugar, highschool pa ako that time. Kaya ganon nalang katindi ang kabang naramdaman ko nang mahiwalay ako sa kanila. Tandang-tanda ko pa noon, dito mismo sa lugar nato una ko siyang nakita. Tinulungan niya kong hanapin ang mga kaibigan ko nang mapadaan kami sa tapat nang tindihang ito mismo.





Palinga-linga ako sa paligid habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng lugar. Sa dami ng taong naglalakad siguradong hindi ko sila mahahanap kaagad. Bakit naman kasi ang tanga ko! Nandito lang sila kanina ih, paglingon ko boom! Wala na.

Tss.

Patuloy parin ako sa paghahanap nang may humintong bike sa harap ko kaya napahinto din ako sa paglalakad. Ngumiti siya sa’kin, at dahil hindi ko naman siya kilala kaya bahagyang kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya.

Ano bang kailangan nito?

Hindi naman siguro pulubi 'to at manghihingi nang abuloy? Naka-bisekleta kasi, kaya imposible naman. Wala na talaga kasi akong pera.

"May hinahanap ka?"

Obvious ba?

"Ah oo, sige mauuna na ako." Paalam ko, di pa ako nakakalagpas sa kanya ay nagsalita naman siya kaagad na ikinatigil ko.

"Tulungan na kita. Kanina pa kasi kita napapansin pabalik-balik at parang wala ka namang patutunguhan kaya napagdesisyunan kong tulungan kana. Bago ka lang ba dito?"

Saglit ko siyang pinagmasdan mukhang nakuha naman niya ang klase ng tingin ko kaya nagsalita siya kaagad.

"Wag kang mag-alala di ako masamang tao. Tutulungan lang kita. Baka kasi mapag-tripan kapa nang ibang tao dito, marami pa namang loko-loko ngayon. Pero nasa sa iyo parin ang desisyon, hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo."

Saglit akong lumingon sa paligid, parami nang parami ang mga tao. Mukhang mahihirapan talaga ako nito kung ako lang mag-isa ang maghahanap at isa pa, wala akong alam sa lugar nato.

Wala naman siya sigurong gagawing masama? At isa pa mukhang mapagkakatiwalaan naman siya? Ah! Bahala na si batman.

Pumayag ako sa alok niya. Wala akong choice, baka gabihin pa ako kakahanap. Dala-dala ko naman ang pepper spray ko kaya kung sakaling mag loko ito, sisiguraduhin kong magsisisi siya. Wag niya talagang susubukang magkamali dahil patay talaga siya sakin pag nagkataon.

"Teka lang, huminto muna tayo." Wika niya.

Napalingon ako sa kaniya nang huminto siya sa tapat nang tindera na nagbibinta ng mga bulaklak. Hayst kalalaking tao ang daling mapagod. Napakunot ang noo ko ng  sinundan siya nang tingin. Nang mapansin niyang nagtataka ako ay lumapit siya sa’kin at hinila ang kamay ko papalapit sa kaniya.

"Anong gagawin natin dito?"

"Syempre bibili." Ngumiti sya sa’kin.

Pinipilosopo ba ako nito?

A E L L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon